Tatlong araw ang nakalipas buhat nang makabalik sa mansyon nila si Megumi galing sa Palawan. Dahil sa napagtagumpayan niya ang planong pananakot kay Thalia, hindi maiwasan ni Megumi na makaramdam ng tuwa sapagkat naturuan na niya ng leksyon ang taong sumira sa pangarap. Bagamat tapos na ang pamamalagi niya sa Palawan hindi pa rin doon natatapos ang paghihintay, lalo na't marami pa siyang plano na dapat isagawa. Gustuhin man niyang isagawa agad ang plano niya, alam ni Megumi na hindi pa tamang oras upang guluhin sila ulit. Sa halip na pakaisipin pa ang bagay na 'yon, pinili na lamang ni Megumi na kalimutan 'yon at marahang ipinikit ang kaniyang mga mata habang nakahiga na siya sa malambot niyang kama. Kasabay naman nito ay ang pagsilay ng matamis na ngiti sa labi ni Megumi sapagkat napapaya

