Papalubog na ang araw buhat nang magising si Megumi mula sa plano niya sanang pag-idlip. Dahil sa nakaramdam siya ng gutom kaagad na nagpasiyang bumangon si Megumi mula sa pagkakahiga niya at mabilis na nag-ayos ng sarili. Hindi pa nangtagal ay tuluyan na siyang lumabas sa kaniyang kwarto at ganoon na lamang ang gulat ni Megumi dahil sa nakita niya sa labas ng silid na kaniyang tinutuluyan. Bagamat naguguluhan sa malaking kahon na nasa harapan niya, nakakunot ang noo ni Megumi na binuksan ito at hindi na siya nagulat pa sa kaniyang nakita. Sa loob ng kahon ay may patay na daga habang may nakalakip na sulat na siyang labis niyang ipinagtaka. Kung kaya't walang sinayang na oras si Megumi at kaagad na binasa ang nakalakip na sulat dito. "Whoever you are, stop pestering our life! Hindi ako m

