JANELLA'S POV: Hindi ko alam kung ilang minuto na akong nakatingin sa resulta ng pregnancy test na hawak ko habang si Aiko naman ay tahimik lang na nakaupo sa tabi ko at dinadamayan ako. 'How the hell things end up this way?' hindi ko maiwasang matanong sa sarili ko. 'Two lines' Sarkastiko akong napangiti at napailing. Nakakatawa nga naman ang pagkakataon. Si Keyla at Andrei ang palagi kong inaaway nung kelan dahil baka magkaroon sila ng anak nang wala sa oras sa sobrang kalandian nila pero heto ako ngayon at nabuntis ng isang lalaki na hindi ko naman ka-relasyon. 'Ano nga ba kaming dalawa ni Shihloh?' Maliban sa katotohanan na ilang beses na may nangyari sa amin na milagro ay wala akong ideya kung ano ang estado ng relasyon namin. Ilang beses kaming lumabas but he never admitted his f

