Kanina pa kami nandito sa rooftop ng isang building sa school namin pero hanggang ngayon ay hindi pa rin nagsasalita si Janella. Kung nasa ibang sitwasyon lang siguro kami ay kanina ko pa siya kinantyawan dahil mukha talaga siyang nagda-drama habang nakatingin sa malayo. Imaginin niyo na lang ang itsura niya habang nakatanaw mula sa tuktok ng building tapos nililipad ng hangin ang buhok niya. Pasimple kong tinignan ang relo na suot ko at nakita na malapit na magsimula ang practice namin para sa paparating namin na ring and pin. Separate kasi ang graduation namin sa ganoong event. During our ring and pin ay parang graduation namin from being a nursing student. Mahina akong tumikhim para agawin ang pansin ni Janella pero hindi manlang niya ako nilingon. 'Mukhang malalim talaga ang iniisi

