20 ❤️

1543 Words
- RITA - Kanina pa ako nagpalinga-linga sa paligid ko. Nanalo lang ng grand prize si Ate Monalyn, nagkawatak-watak na ang samahan namin. Hindi ko alam kung ako ang naligaw o sila ang naligaw. Kasama ko ngayon sina Kuya Edmund, Kuya Marco at ang pabida kong kapatid na si Faye. Nakakainis nga lang kasi naligaw pa ang landas niya sa grupo namin nila Kuya Edmund. Eh 'di sana, happy-happy lang ang paggagala ko kasi alam kong walang pabida sa paligid ko. At heto nga, naiinis na naman ako kasi panay ang karingking kay Kuya Marco. "Oh my, naliligaw na tayo. Where are they na ba?" Naging tonong pabebe na rin ang pagsasalita niya. "Bakit naman tayo maliligaw? Eh kayo ang taga-rito 'di ba? Baka nauna na silang umuwi sa atin?" tanong sa kaniya ni Kuya Marco. "Ay, oo nga 'no. Taga-rito pala kami." Pati ang pagtawa niya ay nakakapikon na rin. Kung puwede ko lang talaga sila layasan ay ginawa ko na. Pero nag-aalala rin ako kung iiwan ko sina Kuya Edmund at Kuya Marco sa kaniya. Baka kung ano pa ang gawin niya sa dalawa eh. Talagang sa dalawang lalaki ka pa nag-alala huh. 'Di ba dapat kay Faye ka mag-alala dahil babae siya? "Pakiramdam ko kasi, siya ang may binabalak na hindi maganda eh." "What are you saying, Rita?" Napatingin naman ako kay Kuya Edmund na titig na titig sa akin. Teka, nagsalita ba ako? "Um, nothing. Wala. Nothing I'm saying." Natawa naman si Kuya Edmund sa akin. Alam ko naman kung ano ang tinatawanan niya eh. Ang pagiging trying hard kong magsalita ng English. Abala pa rin ang mata ko sa pagtingin sa magulong paligid dahil sa rami ng tao nang bigla akong hawakan sa braso ni Faye. "Maghiwalay tayo, Rita," bulong niya sa akin. Kunot-noo akong tumingin sa kaniya. "Anong ibig mong sabihin, maghiwalay tayo?" "Iyan ka na naman sa pagiging slow motion mo eh. Maghiwalay tayo. Isama mo si Edmund sa pupuntahan mo. Ako na bahala kay Marco." Heto na nga ba ang sinasabi ko eh. May binabalak naman pala talaga ang matalino kong kapatid. "At saan naman kayo pupunta ni Kuya Marco? Saan mo naman siya dadalhin?" "Huwag mo ng alamin. Ako na bahala sa kaniya." Hindi ko pinahalatang napipikon na ako sa pinagsasabi niya. "Um, sabihin mo na sa akin. Para hindi namin puntahan iyong pupuntahan niyo." "Oo nga 'no. Akalain ko iyon, may tinatago ka naman palang talino sa katawan─este sa pag-iisip pala." Tumawa nang mahina si Faye pero kahit mahina, napansin siya ng dalawang lalaki. Lumapit tuloy sa amin. "Ano pinag-uusapan niyong magkapatid?" Palipat-lipat ang tingin ni Kuya Marco sa aming dalawa. "Hmmm, nothing so serious, Marco. Tara, gala muna tayo." Bago sila umalis, binulungan muna ako ni Faye. "Take care, bal. Ikaw na bahala kay Edmund. Make him fall for you. And I will do mine, with Marco." Kinindatan pa ako ng bruha bago niya hinila si... Napakamot na lang ako sa mukha ko habang tinatanaw sila ng tingin. Ang g**o rin ng utak ng kapatid ko. Hindi ko malaman kung sino ba talaga ang gusto niyang isama. Kasasabi niya lang kanina si Kuya Marco ang isasama niya. Pero, bahala na siya. Kung ano man ang plano niya sa buhay, sana lang ay 'wag siyang mapahamak. Lalakad na rin sana ako palayo sa kinatatayuan ko nang may humila sa kamay ko. "At saan ka naman pupunta? Kita mo naman na magkasama na sila Edmund at Faye 'di ba? Ano, iiwan mo ako rito? Gusto mo akong iligaw? Iiwan mo ang puso kong maligaw sa lugar na 'to?" Ang drama. May pasali-sali pa siya ng pusong ligaw. ***** -MARCO- "Ferris wheel?" narinig kong tanong ni Rita sa akin. "Huh?" She rolled her eyes. "Sabi ko kung gusto mo mag-ferris wheel." "What?" Was she crazy? "No. There's no way I'm going to ride that...ferris wheel." "Ano ba ang gusto mo na gawin? Samantalahin mo habang fiesta pa sa lugar namin at habang nandito pa tayo. Hindi naman nakakatakot sumakay sa mga rides dito. Taon-taon kami narito kapag fiesta at lagi kaming sumasakay sa ferris wheel." "No, baby girl. You can't force me to ride that thing." "Okay. Bahala ka kung ayaw mo. Maiwan ka mag-isa rito." At humakbang na palayo sa akin si Rita. Syempre hindi naman ako gago at tanga para hayaang mag-isa si Rita. Ayoko naman na mapahamak siya nang dahil lang sa takot ako sa matataas na lugar. Kaya wala akong nagawa at sinundan ko na rin siya. "Wait, baby girl!" Agad naman lumingon sa akin si Rita. "Sasama ka na?" Napatingala muna ako sa taas ng ferris wheel. Hindi ako sigurado sa taas niya pero puwede ko siya ihambing sa gusali na may apat na palapag. "Um, puwede bang ibang rides na lang ang sakyan natin?" "Ano ka ba naman, Kuya Marco. Pagkakataon mo na ito na alisin ang takot mo sa ganitong bagay. Kasama mo naman ako eh. Ako bahala sa'yo." Her voice was encouraging. At gusto ko ang sinabi niya. Ako bahala sa'yo. Parang secure-secure ang pakiramdam ko sa sinabi niyang iyon. Pero napatawa rin ako dahil mukhang baligtad. Dapat ako ang nagsasabi ng mga ganoong bagay sa kaniya eh. Pero at least, alam ko na kahit papaano ay nag-aalala rin siya para sa akin. And at the same time, concern siya na malagpasan ko ang takot ko sa mga heights. Except sa terrace namin ah. "Okay. Tara na," masigla kong anunsiyo sa kaniya. Huli na nang mapansin kong hawak-hawak ko pala ang kamay ni Rita. At nakakapagtaka lang dahil hindi man lang siya tumutol sa ginawa ko. Hanggang sa nakalapit kami sa booth ng ferris wheel ay magka-holding hands pa rin kami. Pero napilitan akong bitawan ang kamay niya nang sinabi niya na, "Ikaw na bahala manglibre sa akin huh. Wala akong dalang pera eh." Sabay nguso sa nagbabantay sa ferris wheel. Seryoso si kuya na nakamasid sa akin. Siguro dahil may mga nakapila rin sa likod namin kaya minadali ko na rin ang pagkuha ng pitaka mula bulsa ko. Nang makabayad ako ay sumunod na rin ako kay Rita na naunang sumakay. Pagkapasok ko pa lang sa loob, kinakabahan na ako. Parang bigla akong pinagpawisan ng malamig nang maramdaman ko ang paggalaw ng sasakyan namin. Kaya bigla tuloy ako napaupo sa tabi ni Rita at napakapit sa braso niya. "Ayos ka lang, Kuya Marco?" "Okay lang ako." "Nagtataka tuloy ako sa'yo. Noong tumakas tayo at dumaan mula sa veranda ng kuwarto mo, para kang action star. Ngayon na mas mataas pa ito sa kaysa sa kuwarto mo, parang takot na takot ka." "Ikaw nga eh. Hindi naman kataasan ang second floor ng veranda mula sa baba pero takot na takot ka. Ngayon na mas doble ang taas ng ferris wheel, parang relax na relax ka naman," mariin kong sabi. Sandali siyang natigilan at nag-isip. "Oo nga 'no. Bakit nga kaya? Siguro dahil hindi naman ako bababa gamit ang kumot nang umaandar ang rides na ito kaya kalmado lang ako. Eh iyong ginawa natin noon, pang-action movie ang datingan eh." "Isa lang ang ibig sabihin niyan," sabi ko sa kaniya. "Ano iyon?" "Matchy-matchy tayo." It seemed that she was trying to register the thing I said in her brain. "Matchy-matchy?" "Oo. Compatible tayo sa isa't-isa." "Hindi ko makuha ang koneksiyon ng sinasabi mong matchy-matchy sa takot mo sa mataas na lugar." Okay. Napahiya ako sa sinabi niyang iyon. Wala nga naman ka-sense-sense ang pinagsasabi ko. Kaasar. Bakit ko ba kasi nasabi iyon sa kaniya eh hindi nga naman related iyon sa topic namin. Sablay talaga kahit kailan! Dahil sa pagkapahiya ay napayuko na lang ako sa tabi niya. "Kuya Marco, tingnan mo oh!" Hinila niya ang braso ko palapit sa kaniya. Hindi sinasadyang nauntog ang ilong ko sa ulo niya. Mabuti na lang at hindi malakas at pagkakauntog. Amoy na amoy ko ang bango ng buhok niya. Hindi nakakasawang singhutin. Parang ito ang drugs na maaadik ako dahil sa bango ng buhok niya. Napapikit pa ako sa bango nang maramdaman kong niyugyog niya ang katawan ko. Nagpanic naman ako kasi gumalaw ang sinasakyan namin dahil sa pagyugyog niya sa akin. Hindi ko sinasadya na yakapin siya ng sobrang higpit dahil natakot lang talaga ako. Sa sobrang takot ko ay hindi ko na namalayan kung anong posisyon ang mayroon kami. "Kuya Marco..." Kasabay ng pagbigkas niya sa pangalan ko ay ang halimuyak ng hininga niya. Saka ko lang nalaman na magkadikit pala ang kanang pisngi niya sa kaliwang pisngi ko habang nakapulupot ang dalawang braso ko sa maliit niyang katawan. Kahit paano ay nahiya rin naman ako sa ginawa ko kaya dahan-dahan kong nilayo ang pisngi ko sa pisngi niya. Napahaplos agad ako sa pisngi ko kasi baka oily face na ako eh. At mabuti na lang dahil hindi. At least hindi maglalagkit ang pakiramdam ni Rita sa mukha niya. "Sorry," hinging-paumanhin ko. "Um, o-okay lang. Ipapakita ko lang sa'yo ang view." Napatingin ako sa paligid namin. Nasa taas na pala kami nang hindi ko namamalayan. Parang bigla na lang ako nahilo nang matanaw ko ang buong paligid ng barangay. Ang daming nagkalat na tao sa baba at para silang mga langgam sa paningin ko. Sumuksok ako sa tabi niya. I keep my eye down because I felt dizzy.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD