19 ❤️

1519 Words
"Oy, Marco, kain lang nang kain. Concentrate ka muna riyan sa pagkain mo. Kanina pa kita napapansin na panay ang sulyap sa kapatid ko eh." Natigilan ako nang tumabi sa akin ang Kuya ni Rita. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko. May dapat nga ba akong sabihin sa kaniya? Imbes na magsalita ay sumubo na lang ako ng tasty na may palaman na spaghetti. "Relax lang, bro. Hindi naman ako galit eh. Masaya nga ako kasi mukhang may nagkakagusto naman pala sa kapatid ko." Mabibilaukan yata ako sa laki ng kinagat ko na tasty ah. Hindi tuloy ako makaimik sa sinasabi ng Kuya niya. Baka isipin tuloy niya na bastos ako. "Kasi sa kambal na iyan, mas madalas napapansin si Faye. Sa school o sa lugar namin dito, mas nabibigyan ng atensiyon si Faye. Minsan naaawa ako kay Rita kasi pakiramdam niya, wala siyang silbi sa mundo. Iyon bang wala siyang maipagmamalaki sa iba kasi wala raw siyang talent. Kesyo hindi raw siya marunong sumayaw at kumanta. Kasi ang iba namin kapatid, kung hindi mo natatanong ay talaga namang mga talentado. Hindi sa pagmamayabang pero marami na akong napanalunan na awards sa pagsasayaw habang ang iba ko namang kapatid ay sa pagkanta naman," proud na sabi ni Kuya. Hindi nga mayabang si Kuya. "Kaya masaya ako para sa kaniya dahil alam kong papahalagahan mo ang kapatid ko." May 6th sense ba si Kuya? Parang ang dami niyang alam sa nararamdaman ko ah. "Ang daldal ko ba? Hindi ka na nakapagsalita riyan eh." Isang maluwang na ngiti ang isinagot ko at marahang tumango habang nakatingin ako kay Rita. I'm sure that as long as Rita was with me, there would be no more sadness for me. "Ingatan mo ang kapatid ko ah." Sinulyapan ko ang kuya niya. At natutuwa ako dahil alam kong may isang tao na ang sumasang-ayon sa pagmamahal ko para kay Rita. "I will, Kuya. Yes, I will take care of her." Isang malakas at exaggerated na tikhim ang sumira sa magandang bonding moment namin ng Kuya ni Rita. Sabay kaming napalingon sa likod namin. Si Faye pala. "Hello. Mukhang ang seryoso ng pinag-uusapan niyo ng Kuya Marcus ko ah." Napangiti ako. Hindi dahil sa sinabi ni Faye, kung hindi sa pangalan ni Kuya. Marcus pala ang name niya. Malapit sa pangalan ko na Marco. Mukhang magkakasundo nga kami ni Kuya Marcus. "Uy, may pangiti-ngiti ka pa riyan, Marco, ah. Ano ang pinag-uusapan niyo ng Kuya ko? Share niyo naman." May pagka-pakialamera at tsismosa talaga itong kapatid ni Rita. Mabuti na lang at hindi sila totally 100% sure na magkamukha at magkaugali. "Ang sabi ko sa kaniya, ipapasyal natin sila sa labas mamaya. Susuportahan natin ang Ate Monalyn niyo sa singing contest na sinalihan niya." "Singing contest? Wow! That's great. Gusto ko sama. That would be a lot of fun." Mabuti na lang at nag-e-enjoy din ang bestfriend ko na si Edmund. Mas masaya pa pala ito kaysa sa out of the country na kadalasan ginagawa namin nila Hyacinth tuwing summer vacation. Speaking of Hyacinth, we haven't talked after the incident. Tanging si Edmund pa lang ang nakakausap ko. But I will talk to her sooner when I get back to Manila. But for now, I just want to enjoy this moment with Rita and her family. "Sige lang. Ipasyal niyo sila Sir Edmund at Sir Marco sa barangay natin. Isama niyo rin sila maya sa carnival. Ang alam ko ay may piris wil, kotse-kotsehan, at kaserola roon." "Si Tatay talaga, patawa. Anong kaserola ang sinasabi niyo riyan? Carousel. Hindi kaserola." Natatawang wika ng ate ni Rita. Hindi ako sigurado kung sino sa dalawang ate niya ang sasali sa singing contest. Napuno ng tawanan sa loob ng maliit na bahay nila Rita. Maliit man pero busog sa ligaya ang bawat isa sa kanila. Kung puwede ko lang sana sila isama sa beach house, ginawa ko na sana. Dahil paniguradong mag-eenjoy sila roon. Kaya lang 'wag na lang. Baka masermunan na naman ako nila mommy at daddy. "Tatay Danny, can we go now? I'm excited to see the kaserola." Natatawang panggagaya ni Edmund sa sinabi ni...ano raw? Tatay Danny? At kailan pa niya tinawag na tatay ang tatay nila Rita? Kung si Edmund ay natatawa, ako naman ay napasimangot. Hindi ko gustong makita na hawak-hawak niya ang kamay ni Rita. Mukhang excited na nga gumala ang best friend ko. "Mukhang may karibal ka sa kapatid ko ah," bulong sa akin ni Kuya Marcus. "No. I won't let that happen. Not with my bestfriend. Hindi namin pag-aawayan ang isang babae." ***** -RITA- Katatapos lang ng contestant 7 kumanta. Medyo pumiyok sa bandang dulo ang singer. Mukhang malabo na siyang manalo dahil hindi siya masyado pinalakpakan ng mga audience. Pero kahit sablay siya, pumalakpak pa rin ako. Ayoko kasing malungkot ang contestant na iyon na dahil lang sa hindi masyado naging maganda ang ending ng kanta niya, ay wala ng gustong pumalakpak sa kaniya. Kaya todo palakpak talaga ako. "Kung makapalakpak ka, parang ang galing niya kumanta ah." Kanina pa ako naiirita sa kapatid ko na si Faye. Lahat na lang ng ginawa ko ay pinapansin niya. Parang bantay-sarado niya lahat ng kilos ko. Imbes na sagutin siya ay denedma ko na lang. At itong si Kuya Marco naman. Gaya-gaya. Kapag pumalakpak ako, papalakpak din siya. Kapag sisigaw ako, sisigaw rin siya. At naiinis ako sa ginagawa niya. Mabuti pa itong si Kuya Edmund, panay ang tawa at ngiti lang. "You love singing?" Narinig kong tanong ni Kuya Edmund sa akin. "Mahilig ako sa music pero ang music ang walang hilig sa akin." "It doesn't matter if music not want you. As long you sing with all your heart, it will sound great!" Wow. Ang galing talaga ni Kuya Edmund mang-uto. Pero infairness naman, ang bait-bait talaga niya. "May singing lesson naman. Napag-aaralan ang pagkanta. Kung gusto mo talaga matuto kumanta, puwede kang mag-enroll. May mga academy na nag-o-ooffer ng voice lesson." At nakisali naman sa usapan namin si Kuya Marco. "Wish ko lang, may pang-enroll ako sa voice lesson na iyan." "Naku, 'wag ka na umasa, Rita. Kawawa lang ang magtuturo sa'yo." Aba't! Talagang iniinis ako ni Faye ah. Gusto talaga ng away. "Joke lang, bal. Joke lang. 'Wag pikon." Joke lang? Pero kung makatawa, wagas! Naku! Gigil mo talaga ako, Marifaye! Mabuti na lang at hindi ko siya katabi dahil kung hindi, masasabunutan ko talaga siya. Kasama namin na nanonood ang buong pamilya ko. Nasa side silang lahat ni Faye. Habang napapagitnaan naman ako nila Kuya Marco at Kuya Edmund. Hindi ko nga rin maintindihan kung bakit ako napadpad sa puwesto na ito eh. Kasi ang naaalala ko, nasa magkabilaang panig sina Mcniel at Mario. Sila talaga ang katabi ko. Pero bakit nga ba sina Kuya Edmund at Kuya Marco na ang katabi ko? Tinuon ko na lang ang aking atensiyon sa stage nang may bagong contestant na umakyat. Kilala ko ang nasa stage. Si Ate Herlene. Kapitbahay namin. Magaling din iyon kumanta. Suki rin sa singing contest. "Contestant number 8. Ang pretty babe ng purok uno, Herlene Credo." "Oh I could say that I'll be all you need. But that would be a lie. I know I'd only hurt you. I know I'd only make you cry. I'm not the one you're needing. I love you, goodbye." Todo palakpak ako nang matapos sa pagkanta si Ate Herlene. Magaling. Magaling. May ibubuga rin siya sa husay at galing ng Ate Monalyn ko. Para lang siyang nagluluto sa kusina habang kumakanta. Super easy lang. Sunod na tinawag ang contestant number 09. Mas lalo akong natuwa nang makita ko ang classmate ko na si Lie na umakyat sa stage. "Classmate ko iyan! Classmate ko iyan! Galingan mo, Lie!" Expected ko na rin ang pagsali ni Lie dahil suki na talaga iyon ng singing contest. "Contest number 9. Ang teenig ng tawanan from Purok Tres, Angelie Fedelin." "I want one moment in time. When I'm more than I thought I could be. When all of my dreams are a heartbeat away. And the answers are all up to me. Give me one moment in time. When I'm racing with destiny. Then in that one moment of time. I will feel. I will feel, eternity." "Wow. Awesome!" Tuwang-tuwa si Kuya Edmund sa tabi ko. Ngayon lang siya pumalakpak ng todo. "You have a very talented classmate, Rita. I hope, you could also show your talent to madlang people." Sana nga. Sana nga may talent ako na puwedeng ipagmalaki sa buong mundo. Pero wala eh. Wala akong talent. "And our last contestant. Contestant number 10. Ang soul princess ng Purok Singko, Monalyn Gavilan." "Ikaw pa rin, ang hanap ng pusong ligaw. Ikaw ang patutunguhan at pupuntahan. Pag-ibig mo, ang hanap ng pusong ligaw. Mula noon, bukas at kailanman." Kung todo palakpak ang ginawa ko kanina kanila Ate Herlene at sa classmate ko na si Lie, aba'y mas super todo palakpak naman ako sa Ate Monalyn ko. At kanina ko pa taimtim na pinagdarasal na sana ay makuha niya ang grand prize. Sayang ang 20,000 kung hindi mananalo si Ate Monalyn. *****
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD