18 ❤️

1626 Words
CHAPTER 21 -RITA- Agad akong tumayo nang mabungaran ko ang kapatid ko na nakatingin sa amin ni Kuya Marco. Halata sa mata niya ang pagkadisgusto sa nakita niyang sitwasiyon namin ni Kuya Marco. Ito naman kasing si Kuya Marco, marami talagang alam sa buhay. Hilahin ba naman ng ubod lakas ang kamay ko. Syempre, hindi naman ako katabaan at kalakasan kaya natangay ang buong katawan ko. Ang nangyari tuloy, bumagsak ako sa kaniya. Naman! Pangatlong beses na yata nangyari ang ganitong eksena. Una ay iyong pagtakas namin mula sa kuwarto ni Kuya Marco. Dumaan kami sa terrace niya pababa. Dahil sa hindi naman ako expert sa ganoong bagay, nalaglag ako mula sa second floor. Mabuti na lang at nasalo ako ni Kuya Marco. Ang pangalawa naman, iyong sa gym room nila. Siya naman ang dumagan sa akin. Nagkabuhol yata ang paa namin sa treadmill kaya bumagsak kami pareho. Tapos, ganitong eksena naman. Padabog na lumapit sa amin si Faye. Magkasalubong ang kilay niya. Nagpalipat-lipat ang tingin niya sa aming dalawa. "Anong kaganapan ang mayroon dito?" Pati ang tono ng pananalita niya ay may bahid ng galit o inis. "Hinila kasi ako ni Kuya Marco." "I pull her." "At bakit naman may hilahan na naganap? Paano kung si Papa ang makakita sa inyong dalawa? At ikaw naman, Rita, alas-siyete na ng gabi pero palaboy-laboy ka pa rin sa labas. Paano kung mapahamak ka sa ginagawa mo? Pasalamat ka at ligtas ka sa unang attempt mo na lumayas." "Hindi ako naglayas nun!" "Oo, hindi ka nga naglayas dahil hinanap mo si Papa. Pinag-aalala mo ang pamilya natin sa ginagawa mo. Tapos ngayon, heto naman. Ayusin niyo nga iyang pinaggagawa niyo. Nasa paligid lang si Papa. Puwedeng-puwede kayo mahuli sa ginagawa niyo." May halong pagbabanta ang boses ni Faye nang sabihin niya iyon. Nakaramdam naman ako ng pagkairita sa mga pinagsasabi niya kaya napataas na rin ang boses ko. "Wala kaming ginagawang masama ni Kuya Marco. Hinila niya lang talaga ang kamay ko kaya nasubsob ako sa kaniya. Kaya heto ang eksena na naabutan mo. Pero wala talaga kaming ginagawang hindi maganda rito." "Faye, she's telling the truth. I'm also saying the truth. There's nothing going wrong between me and Rita. Aksidente lang ang nangyari kanina dahil hinila ko siya." "Bakit mo kasi siya hinila, Marco? Anong dahilan mo para gawin iyon sa kapatid ko?" Sinulyapan ko si Kuya Marco na biglang natahimik. Naalala ko tuloy ang pinag-usapan namin kani-kanina lang. Ayokong paniwalaan ang sinabi niya. Walang dahilan para magustuhan niya ako. Wala namang kagusto-gusto sa akin eh. Hindi ako matalino. Hindi ako maganda. Hindi ako mayaman. Hindi ako English speaking. Hindi ako katulad ng mga Manila girls na kilala niya. Taong bundok ako. Slow. Walang talent. Kaya paano niya ako mapapaniwala na ako raw ang gusto niya? Kung si Faye pa siguro ang binanggit niya, paniniwalaan ko pa dahil marami ang nagkakagusto sa kapatid ko. "Bakit hindi ka makapagsalita ngayon? Kasi, may ginagawa kayong hindi maganda. At talagang dito pa kayo sa dalampasigan huh." "Puwede ba, Faye? Tumigil ka na. Tigilan mo na iyang kakaisip mo ng kung anu-ano. Walang magandang idudulot iyang iniisip mo tungkol sa amin dahil wala naman talaga. Ngayon, kung hindi mo kayang paniwalaan ang sinasabi namin, bahala ka na." At agad ko silang tinalikuran. "Aba't─ Margarita! Bumalik ka rito!" "Rita!" Pareho nila akong tinawag pero hindi na ako nag-abalang lumingon pa sa kanila. Bahala silang dalawa magkagulo. Idadamay pa nila ako sa dumi ng utak nila. Lalo na iyang si Faye. Naturingan kapatid ko, at kakambal ko pa, pinag-iisipan ako ng hindi maganda. Ano ba ang akala niya sa akin? Kaladkarin? Grabe na siya. Talagang grabe na siya. Kung gusto niya talaga si Kuya Marco, eh 'di sa kaniya na. Kaniyang-kaniya na. Isaksak pa niya sa baga niya. Kainis! Masamang-masama ang loob ko habang naglalakad pabalik sa beach house. Ang daming gumugulo sa utak ko. Hindi pa nga mawala sa utak ko ang sinabi ni Kuya Marco. Paulit-ulit kong nire-replay sa utak ko ang mga naganap kanina, bago pa man kami abutan ni Faye sa ganiyong posisyon. Bago ko pa man mabuksan ang pinto, bigla na lang lumitaw sa harapan ko si Kuya Edmund. Pareho pa kaming nagulat sa isa't-isa. Mabuti na lang at hindi ako napasigaw. "Where have you been, Rita? Where is Marco?" Tumingin naman siya sa likod ko. "Um, sa tabing-dagat. Nagpahangin lang. Pasok na ako. Excuse me." Sagot ko sa tanong niya na where have you been, Rita. Pero iyong kay Kuya Marco, bahaLa na siya humanap ng sagot. Niluwangan ni Kuya Edmund ang pagkakabukas ng pinto. Akala ko ay nakaalis na siya dahil halata naman na palabas siya. Iyon pala, nakasunod siya sa akin. "Is there any problem, Rita?" Ramdam ko ang pag-aalala sa boses niya. Tumigil ako sa paglalakad para lingunin siya. Nginitian ko siya at sinuklian din naman niya ito ng ngiti. "Come on. If you have any problem, I'm just here to listen. You can tell me everything that you want. You know, I'm a good listener but...not so good adviser. So, what is it?" "Naku, 'wag mo ng abalahin pa ang sarili mo sa problema ko. Kayang-kaya ko naman solusyonan ito. Sisiw lang sila sa akin," pagmamayabang ko. "Telege leng heh." "Yeah. Telegeng-telege." At bigla na lang kami nagkatawanan sa salas nang marinig namin ni Kuya Edmund ang pagbukas ng pinto. Niluwa nun sina Kuya Marco at Faye. Pareho lang silang tahimik na pumasok ng bahay. "Oh, bro, you're with Faye pala." May halong panunukso ang tono ng pagbati ni Kuya Edmund sa kanila. Sandali lang niya tinitigan si Kuya Edmund. Agad naman lumipat ang tingin niya sa akin. Parang kawawa ang mukha niya nang tumingin sa akin. Hindi ko naman pinag-aksayahan sulyapan si Faye. Bahala siya mainis. Tinalikuran ko na silang tatlo. Bahala sila mag-usap-usap. Gusto ko ng matulog at inaantok na ako. Inantok ako sa kagagawan ng magaling kong kakambal. Bago pa ako makalayo sa kanila, biglang nagpakita sa kung saan si Papa. May hawak itong bimpo at nagpupunas sa kaniyang noo. "Oh, bakit gising pa kayong apat? Akala ko naman ay natutulog na kayo." "Pa, 7:30 in the evening pa lang. Masyado pang maaga para matulog," mataray na sagot ni Faye. "Hindi ko ba nabanggit sa inyo na aalis tayo bukas ng umaga?" takang tanong ni Papa. Bigla akong may naalala. Birthday nga pala ng bunso naming kapatid bukas. Kasabay ng birthday ng kapatid namin ay ang fiesta rin sa aming lugar. Ngayon ko lang naalala na pinag-usapan nga pala namin ni papa iyon kaninang umaga. Kaya rin siya namili ng marami kanina sa palengke dahil ipagluluto namin ng spaghetti, sopas at pansit si bunso. Paborito kasi iyon ni Mario. Walong taon na siya bukas. "Rita, hindi mo ba nabanggit kay Marifaye?" "Um, na-nakalimutan ko po," nahihiyang amin ko. "Paanong hindi makakalimutan, kung anu-ano kasi ang inuuna." Ugh! Bakit kailangan pa niyang magparinig sa harap ni papa? Gusto yata talaga ng away nitong kakambal ko ah. "Oh, nag-away na naman ba kayong kapatid? Itigil niyo iyan huh. Hindi matutuwa si Mario kapag nalaman niya na ang mga ate niya ay nag-aaway. Sige na, matulog na kayo dahil maaga tayo babyahe bukas." "Mang Danny, kasama po ba ako?" Narinig kong tanong ni Kuya Mario. "Aba'y oo naman. Hindi kita puwedeng iwan dito at baka takasan mo na naman ako. Malalagot ako sa Mommy at Daddy mo," natatawang biro ni Papa. "How about me, Mang Danny? Can I come?" "Opkors! Opkors! Da mor, da mereyer!" Napangiti na lang ako sa pag-english ni Papa. Mahusay! ***** -MARCO- "Happy birthday, Mario. Happy birthday, Mario. Happy birthday, happy birthday. Happy birthday, Mario!" Masaya kaming nagpalakpakan pagkatapos namin kantahan ang bunsong kapatid nila Rita at Faye ng happy birthday. 8 years old na siya. Na-blow na rin niya ang candle sa cake na binili namin kanina. Nilibot ko ang aking tingin sa malaking pamilya nila Rita. Walo silang magkakapatid. Hindi ko pa kabisado ang pangalan ng mga iyon dahil ang dami nga nila. Tanging sina Mario, Faye at Rita lang ang tanging kilala ko. Nakalimutan ko pa kung pang-ilan sa magkakapatid sina Rita. Basta may dalawa silang ate at isang kuya. Ang saya pala kapag maraming meyembro sa pamilya. Hindi katulad ng pamilya ko. Nag-iisa na nga lang akong anak, hindi pa ako masyado matapunan ng atensiyon nila mommy at daddy. At kung matapunan man ng atensiyon, sablay pa kasi sesermunan lang ako. Tatlong lalaki at limang babae silang lahat sa pamilya nila Rita. Magaganda at guwapo ang mga kapatid niya. Mga moreno at morena silang lahat. Na siyang bagay naman sa kanila. Hindi kaduda-duda ang kanilang kagwapuhan at kagandahan dahil kitang-kita naman iyon kanila Mang Danny at Aling Marites. I ended my gaze to her mom and dad, Mang Danny and Aling Marites. Bakas sa mukha nila ang kasiyahan. Nakakatuwa sila pagmasdan. Dahil kahit mahirap lang sila, kaya pa rin nilang maging masaya kahit sa simpleng bagay lang. Sinulyapan ko si Rita na sobrang saya habang sinusubuan ng spaghetti ang kaniyang bunsong kapatid na si Mario. Malambing si Rita sa kaniyang mga kapatid. Halatang sabik na sabik siya sa mga ito. Titig na titig ako sa kaniya nang mapansin kong tumingin siya sa akin. Sandali lang nagkasalubong ang tingin namin at agad niya rin iyon binawi. Oh, God. I almost died with those pretty and attractive eyes. Kahit sandali lang iyon, kilig na kilig na ako. And her damn sexy laugh. Gosh, it's heaven. Hindi pa nakakalipas ang sampun segundo nang tumingin ulit siya sakin. And when our gazes met again, I sexily winked at her as my response. And God, I just melted when she laughed quietly. Parang gusto ko na talaga mangisay sa sahig sa sobrang kilig na nararamdaman ko. Kung puwede lang talaga.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD