Napakapit ako nang mahigpit sa leeg ni Kuya Edmund habang siya naman ay nakapulupot ang braso sa baywang ko. Ganoon ang estado ng ayos namin nang bigla kong narinig ang malakas na tawa ni Faye na papunta sa kusina. Nataranta ako sa boses ng kapatid ko kaya mabilis kong tinanggal ang braso ko sa leeg ni Kuya Edmund. Ayokong datnan niya kami sa ganoong posisyon. Pero napasama lang pala ang ginawa ko dahil tuluyan ng sumayad ang likod ko sa marmol.
"Ah!" malakas kong sigaw.
Kasama rin sa bumagsak si Kuya Edmund. Hawak niya ang likod ng ulo ko kaya hindi ako nabagok. Hindi nga ako nasaktan ng dahil marmol. Napasigaw naman ako dahil noo namin ang nagkauntugan. Ang sakit!
"Oh, dammit!" Narinig ko ang malakas na boses ni Kuya Marco.
Biglang nawala sa ibabaw ko si Kuya Edmund. Hinila siya ni Kuya Marco.
"What are you doing to her?!"
Napasulyap ako kay Kuya Marco na matalim ang titig kay Kuya Edmund. Inalalayan ako ni Kuya Marco na bumangon.
"Walang kasalanan si Kuya Edmund. Nadulas ako. Sinalo niya lang ako," paliwanag ko.
"Sinalo?! Eh bakit nakapatong si Edmund sa'yo?" Ano namang eksena ng isang 'to? Bakit parang galit na galit siya?
"Wait, bro. Easy! I'm just trying to save Rita. Wala keme gawa mesama."
Kumalma naman si Kuya Marco. Seryoso siyang tumingin sa akin.
"Totoo ba iyon, Rita?"
"Ang praning mo, Kuya Marco." Tumayo ako at napansin ko si Faye na tahimik na nakamasid sa akin. Parang may galit din kung makatingin. Problema ba ng dalawang ito? "Nadulas lang ako. Hindi ko napansin na may natapon palang tubig sa sahig habang naghuhugas ako ng mga plato. Sinubukan lang akong iligtas ni Kuya Edmund kaya lang...may mali akong kilos kaya pareho kaming bumagsak. Wala namang gagawin masama si Kuya Edmund sa akin 'no. Bestfriend mo siya. Dapat mong pagtiwalaan ang sinasabi niya."
Sabay na tumayo sina Kuya Marco at Kuya Edmund. Maya-maya pa ay bigla na lang natawa si Kuya Edmund.
"Anong tinatawa-tawa mo riyan?" masungit na tanong ni Kuya Marco.
"You look adorable when you're jealous," komento ni Kuya Edmund.
"Hindi ako nagseselos 'no. Walang dahilan para mangyari iyon." Pinagsiklop ni Kuya Marco ang dalawang braso niya sa kaniyang dibdib.
"Really? Are you sure?" naniniguradong tanong ni Kuya Edmund sa kaniya.
"Of course I am!"
"Good. Then, I will have no problem if I court Rita, right?"
Tiningnan ko ng may pagtataka si Kuya Edmund. Habang ang dalawang lalaki sa harap ko ay nagtatagisan ng tingin sa isa't-isa. Ang kapatid ko naman, nagpalipat-lipat ng tingin sa kanila at tumigil sa akin.
Teka! Ano bang nangyayari sa mga taong ito?
*****
-MARCO-
"Rita?" Pukaw ko sa atensiyon niya. Kanina ko pa siya pinagmamasdan mula sa likod. Nakatunghay siya sa malawak na karagatan.
Mukhang wala siyang balak na pansinin ako. Pagkatapos kasi nang nangyari sa kusina, hindi na ako kinausap ni Rita. Langya kasi itong si Edmund eh. Ang lakas ng trip! Talagang gusto pa akong asarin. Hindi ko alam kung sinasadya niya lang na pagselosin ako eh. Wala pa naman kasi kaming napag-uusapan tungkol kay Rita. Syempre, ang alam ni Edmund ay may gusto ako kay Hyacinth. Well, that was past. Hindi ko na kasi masyasdong maramdaman ang pagkagusto ko kay Hyacinth nang dahil kay Rita. Yes, it's all because of her. Hindi ko alam kung ginayuma ako ng babaeng iyon eh.
Nakaupo sa buhanginan si Rita. Nililipad ang mahaba niyang buhok. Nakatutok pa rin ang kaniyang atensiyon sa harap ng karagatan. Nagdadalawang-isip tuloy ako kung tatabihan siya at kakausapin. Medyo natatakot kasi ako sa sasabihin niya eh. Baka lalong magalit. Pero hindi ko rin naman kayang tiisin na hayaan siyang mag-isa rito sa labas. Baka mapano pa siya. Gabi na rin kaya delikado kung iiwan ko siya. Saka isa pa, sayang naman ang dala kong sandwich at C2 kung aatras lang ako sa laban na ito. Paborito kasi ni Rita ang sandwich at C2 kaya dinalhan ko siya as my peace offering.
Ang lakas ng pintig ng puso ko habang papalapit ako sa kaniya. Huminga muna ako ng pagkalalim-lalim bago umupo sa tabi niya. Bahagya pang nanginging ang kamay ko habang inaabot sa kaniya ang sandwich na kinoberan ko ng tissue at C2.
Napatingin siya sa akin at tinitigan ako nang may pagtataka. I smiled when I met her gaze. Isang ngiting nahihiya. "Hi, baby girl."
"Para saan ito?" Tukoy niya sa daLa ko.
"Peace offering," tipid kong sagot.
"Peace offering?" Seryoso ang mukhang tanong niya. Nakataas pa ang isang kilay. Lalo tuloy ako kinabahan.
"Yep. I know it's your favourite kaya dinalhan kita nito." Kabadong-kabado ako dahil baka hindi niya tanggapin ang dala ko. Pero good thing, kinuha rin niya.
"Salamat." She looked at me with a serious face. Naku, mukhang galit pa rin talaga siya sa akin.
"I'm sorry, baby girl," sinserong sabi ko. "Sorry sa inasal ko kanina. Sana hindi ka na galit sa akin." Nagawa ko pa talagang lumuhod sa tabi niya para lang ipakita na nagsisisi ako.
Halatang nabigla siya sa ginawa ko. Pero kalaunan ay ngumiti na rin siya.
"Praning ka nga talaga, Kuya Marco. Hindi ako galit kaya tigilan mo iyan. Baka kung ano pa ang isipin ng makakakita sa atin. Umupo ka na ng maayos." Napangiti naman ako. Umupo na ako at tumabi sa kaniya. "Teka, bakit dikit na dikit ka naman sa akin? Uso ang space, Kuya Marco. Puwede kang umusog ng kaunti."
Natawa naman ako. "Oo nga 'no. Sorry."
"Hmmm. Para sa akin ba talaga ang sandwich at C2? Baka pagsisihan mo ang pagbigay mo sa akin niyan."
"Para sa'yo talaga iyan. Kahit ubusin mo pa ang stock ko, hindi ako magsisisi," I teased.
"Walang lason iyan?"
"Of course! Walang lason iyan. Gusto mo, ako pa ang unang kakagat ng sandwich mo eh. Makasiguro ka lang na wala talagang lason iyan."
"Sige nga. Patunayan mo," she challenged me. But I heard the teasing in her voice.
"Subuan mo ako para mapatunayan ko," I smirked.
"Jusko! Ang dami mo talagang alam, Kuya Marco. Oh, nganga."
Binuka ko naman ang aking bibig. Walang kiyeme na sinubo nga niya sa akin ang tinapay.
"Mga dahilan mo, Kuya Marco huh. Ikaw lang naman talaga ang kakain nitong dala mo eh. Pumunta ka lang dito para magpasubo."
I looked at her with an apologetic expression. Nginuya at nilunok ko muna ang pagkain bago ako nagsalita. "No. I'm sorry. Para sa'yo talaga iyan. Pinatunayan ko lang na wala talagang lason iyan. Oh, tingnan mo ako. Buhay na buhay pa."
"Okay. Sabi mo eh. Sige, kainin ko na ito huh. Salamat," she smiled.
"Your welcome, baby girl."
Hinayaan ko muna na makakain siya ng maayos. Sinamantala ko na muna ang pagkakataon na iyon para lasapin ang sariwang hangin mula sa karagatan. Naisipan kong humiga para tunghayan ang ganda ng kalawakan. Saktong maraming bituin at may buwan kaya mas nakaka-relax tumambay sa tabing dagat.
"Okay na ba kayo ni Kuya Edmund? As in, bati na kayo? Napatawad mo na siya?"
Pinatong ko ang isang braso ko sa aking ulo. "Yeah. We're good now."
"Ah. You're good."
"Oo. Pinatawad ko na siya. Nagkaintindihan na kaming dalawa." Sinilip ko si Rita. Hindi pa rin pala tapos kumain dahil busy pa sa pag-nguya.
"Eh paano si Ate Ganda?"
"Wala na akong feelings para kay Hyacinth. Iba na ang gusto ko."
"May bago ka na agad? Grabe ka naman. Pinalitan mo na agad si Ate Ganda."
"Unexpected. Hindi ko naman inaasahan na ma-fall out of love ako sa kaniya. May sumulpot kasi sa buhay ko at siya ang nagpa-dagundong ng puso ko."
"Wow! Ano ulit iyon, da-dagundong?"
"Yeah. Something like this. Ddu-ddu-ddu-ddu." Gumawa ako ng hugis puso sa kamay ko at tinapat ito sa dibdib ko. Tinaas-baba ko ito na parang tumitibok-t***k.
She rolled her eyeballs. "Ang dami talagang alam."
"Gusto mo malaman kung sino ang babaeng nagpa-dagundong ng puso ko?" I asked while her gaze not leaving mine.
Kumunot ang noo ni Rita. "Parang kilala ko naman kung sino 'yang tinutukoy mo."
I sighed and smiled shyly. "Kilalang-kilala mo siya."
"Si Faye?"
My smiled faded. "Faye? Bakit si Faye?"
"Sabi mo ay kilalang-kilala ko eh. Eh di si Faye nga?"
"Hindi ba puwedeng si Rita?" Bigla ay nairita ako. Talagang si Faye pa ang naisip niya huh. Eh kung bantaan nga ako nun, wagas. Hindi raw ako ang nararapat para kay Rita. Bakit? Siya ba ang magde-decide para sa kakambal niya?
"Ri-Rita? Sinong Rita?" Hay naku. Kahit kailan, ang slow talaga niya.
"Margarita Gavilan."
Natigilan siya sa binanggit ko. Pero hindi nagtagal ay tumawa siya. Hinampas pa ako sa braso. "Hahaha. Nakakatawa."
Pero hindi ako tumawa. Tinapangan ko na nga lang ang loob ko para sabihin sa kaniya ang pangalan ng babaeng nagbibigay ng dagundong sa puso ko, tapos tatawanan lang niya ako.
Napansin ni Rita ang pananahimik ko. She playfully threw punches to my stomach. "Uy. Bigla kang nanahimik diyan? 'Di ba, joke lang iyon?"
"I'm not joking," I replied. Showing her my full seriousness in my face.
Pero wala yatang epekto dahil nilamutak niya lang ang mukha ko. Agad siyang tumayo at pinagpagan ang suot niyang short.
"Halika na. Umuwi na tayo," aya niya.
Hindi ko alam kung anong kapangyarihan ang sumapi sa akin at hinila ko si Rita. Pero napalakas yata ang paghila ko dahil bumagsak siya sa akin. Na naging dahilan para mapahiga ako sa buhanginan. Napaibabawan niya ako. Mabuti na lang at sa dibdib ko siya nauntog.
"Margarita!"
Sabay kaming napalingon ni Rita sa pinanggalingan ng boses. At nanlilisik ang mga mata ni Faye na nakatingin sa amin.
*****