- MARCO -
"Okay," maikli kong tugon.
Biglang nagliwanag ang mukha ni Edmund sa sinabi ko. "We're okay now?"
"Puwedeng hindi, puwedeng oo."
"Bro, naman eh. Bati na tayo, please." Natatawa ako kapag naririnig ko siyang nagtatagalog. Obvious pa rin ang german accent. Ako ang nagturo sa kaniya kung paano managalog.
"Oo na, sige na. Tapos na ang LQ ntin. Bati na tayo," natatawang wika ko.
Yayakapin sana ako ni Edmund nang bigla siyang mapahinto. Pati ako ay natigilan nang makarinig ako ng sigaw. Pareho kaming napatingala sa second floor. Nakita namin ang kambal na nakatayo sa terrace at nakatingin sa amin.
"Hi, Rita." Napatingin ako kay Edmund at nakita ko ang malawak niyang ngiti habang nakatingala sa taas. Magkakilala na sila agad?
Binalingan ko ang magkapatid at napansin ko ang pagbulong ni Faye kay Rita. Tinaas ni Faye ang kanang braso ni Rita at winagayway nito ang kamay ng kaniyang kapatid. "Hi rin daw sabi ni Rita. Medyo nahihiya pa ang kapatid ko eh."
Biglang nagsalubong ang tinginan namin ni Faye at napansin ko na parang nahihiya pa siyang nagsalita at bumati ng "Hi, Marco."
Hindi ako ngumiti. Naalala ko kasi ang pakikipag-usap niya sa akin kanina at hindi ko nagustuhan iyon. May kasamang pagbabanta ang kaniyang salita. Layuan ko raw ang kapatid niya dahil hindi raw kami bagay. Hindi ko alam kung sayad sa utak si Faye. Ngayon naman ay todo ngiti at bati siya sa akin.
Binaling ko kay Rita ang atensiyon ko. "Hi, baby girl."
Nakita ko ang pagkunot-noo niya. Hindi niya yata nagustuhan ang pagbati ko sa kaniya.
"Oh, I'm your baby girl, Marco? How sweet of you naman." Lumapad ang ngiti ni Faye pagkatingin sa akin.
"No, you're not my─" Hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang biglang magsalita si Faye at hilahin si Rita pababa ng hagdan.
"Halika, Rita. Baba tayo. Lapitan natin sila!"
I tried not to roll my eyes pero napansin na ni Edmund ang pagbago ng mood ko. "Are you alright, bro?"
I heavily sighed. "Yeah."
"Then, I'm allowed to stay here, right? Thanks, bro!" At natuloy na ang naudlot na yakap ni Edmund. Mahigpit niya akong niyakap at narinig ko na lang ang malakas na sigaw ni Faye ng "Group hug!"
Yumakap na rin ang kambal sa amin. Nakita ko si Rita na siyang nakayakap sa likod ni Edmund habang si Faye naman ang nasa likod ko. Nagsalubong ang mata namin ni Rita pero agad niya rin itong binawi. Kumalas ang isang kamay ko sa pagkakayakap kay Edmund at hinawakan ko ang pisngi ni Rita, forcing her to look at me. And we stare each other for a seconds nang bigla akong hilahin ni Faye. Nakayakap pa rin ang magkabilang braso niya sa baywang ko at pasimple ko itong kinalas.
"Hi, Edmund. My name is Faye and I'm Rita's twin sister."
"Wow! You really looked like a real sister but I can't believe that your twin. Amazing!"
"Pero mas maganda naman ako sa kaniya, 'di ba, Marco?" Parang Christmas light ang mata ni Faye nang tumingin sa akin. Paanong hindi magiging Christmas light eh panay ang twinkle, twinkle little star. Nagpapa-cute.
"Ewan ko sa inyo. Bahala na kayo kung sino ang mas maganda sa inyong dalawa." Umaatake na naman ang pagiging masungit ko. Si Faye kasi eh. Ang epal.
"Sorry, girls. Masungit talaga si Marco."
"Ang cute naman ng accent mo, Edmund," sabi ni Faye at pumalakpak.
"Don't you find it, distracting?"
"No. Ang cute nga eh. Mag-tagalog ka nga ulit."
"Uto mo na ako niyan eh."
At narinig ko na naman na pumalakpak si Faye. Iniwanan ko silang dalawa at hinanap ko si Rita na biglang naglaho sa paligid. Papunta na sana ako sa maind door nang biglang bumukas ang pinto at niluwa nun sina Mang Danny at Rita. Maraming bitbit si Mang Danny. Mukhang galing siya sa palengke dahil sa dalawang bayong na dala niya. Habang si Rita ay may bitbit na maliit na eco bag.
"Tulungan ko na po kayo, Mang Danny." Kailangan ko ngayon magpa-impress sa tatay ni Rita para maka-good score ako.
Good score? Bakit? Ano bang binabalak mo, Marco?
"Wala naman."
"Ano ulit iyon, Sir Marco?" Tulalang nakatingin sa akin sina Mang Danny at Rita. Mukhang nabigkas ko na naman ang dapat sana'y sa isip ko lang ah. Kainis.
"Ako na po magbibitbit ng isang hawak niyo, Mang Danny."
"Maraming salamat, Sir Marco. Tara na sa kusina."
Papunta na kami sa kusina nang biglang humarang sa daraanan namin sina Edmund at Faye.
"Good afternoon, Sir."
Napatigil sa paglalakad si Mang Danny kaya naman napahinto rin ako. Habang si Rita naman ay tuloy-tuloy ang lakad papuntang kusina.
"Ay, naku, huwag niyo po ako tawaging Sir. Caretaker lang ako ng beach house nila Sir Marco."
Hindi ko na hinintay ang isasagot ni Edmund dahil mabilis akong pumunta sa kusina para sundan si Rita. Naabutan ko siyang nilalagay na sa ayos ang mga pinamili ni Mang Danny. Nilapag ko sa mesa ang bayong at nilapitan ko siya.
"Are you okay, Rita?"
"Yeah," matipid na tugon niya.
"Are you tired, Rita?"
"Yeah."
Nag-alala naman ako nang marinig ko ang sinagot niya kaya agad ko siyang nilapitan at humarap sa kaniya.
"Pagod ka?"
Sandali siyang tumitig sa akin pero agad din tumalikod. "Hindi."
"But you said that you're tired."
"Sinabi ko ba iyon?" I suddenly grabbed her shoulder and turn her around.
"Galit ka ba sa akin, baby girl?"
Napamaang naman siyang tumingin sa akin at kumurap-kurap pa ang mata. "Baby girl?"
"Yes. You're my baby girl.
*****
-RITA-
Katatapos lang namin mag-tanghalian. Nagprisinta na akong maghugas ng plato habang ang kapatid ko ay abala sa pakikipag-usap kanila Kuya Marco at Kuya Edmund.
Habang abala ang kamay ko sa hugasan, abala rin ang isip ko sa naging pag-uusap namin kanina ni Kuya Marco. Kung hindi lang siguro dumating si Faye kanina ay baka naitanong ko pa sa kaniya kung bakit baby girl ang tawag niya sa akin.
Ewan ko. Nagtataka lang ako kung bakit kailangan niya pa akong tawaging baby girl. Hindi ako sanay na tinatawag sa ganoong paraan. Mas komportable kung Rita or Margarita ang itatawag sa akin.
Naku! Bahala na nga siya. Bahala siya kung ano ang gusto niyang itawag sa akin. Wala naman akong pakialam sa kaniya eh. Ayoko na rin mapalapit sa kaniya. Lalo pa't umamin na sa akin ang kapatid ko na sa kaniya raw si Kuya Marco.
Isa pa ang babaeng iyon. Kung anu-ano na lang din ang maisipan. Ipares ba naman ako kay Kuya Edmund at siya naman daw kay Kuya Marco. Parang gusto niya lang ibenta mga sarili namin sa mga iyon ah. Hindi ko alam kung seryoso ba siya sa sinabi niyang iyon o may saltik lang kanina ang kapatid ko. Basta ako, walang interes sa ganoong mga bagay. Mas gusto kong pagtuunan ng pansin ang pag-aaral ko, kahit pa na kulelat ang tingin sa akin ni Faye.
Patapos na ako sa ginagawa ko nang makaramdam ako ng presensiya ng tao sa likod ko. Lumingon ako para alamin kung sino iyon at nakita ko si Kuya Germs, short for Kuya Germany kasi sabi ni Kuya Marco, taga-Germany daw si Kuya Edmund.
"Hi!" magiliw niyang bati sa akin.
"He-hello..." Naman! Mautal pa ba ako sa simpleng hi and hello lang.
"Ang sepag mo nemen." Napangiti ako pagkarinig sa pagtatagalog niya. Halatang namimilipit pa ang dila pero cute naman ang dating sa akin.
"Hindi naman masyado," pa-shy effect lang.
"Metegel ke ne reto?"
Umiling ako bilang sagot ko sa tanong niya.
Malapit na akong matapos magbanlaw. Wala naman akong balak na iwasan si Kuya Edmund pero hindi ako komportable na makipag-usap sa kaniya. English speaking kasi. Nakakapagsalita naman siya ng tagalog pero nahihiya pa rin ako. Baka hindi kayanin ng katawang lupa ko ang mga salitang lalabas sa bibig niya.
"How old are you?"
"17."
"You're a grade 11 student?"
"Yes." Wow! Nakapag-english ako.
"I'm first year college. Marco and I we're classmate and best friend. How about you and your sister?"
Muli akong umiling.
"She's not your classmate?"
"Yes. Not classmate." Wow! Ang galing ko naman! Nakapag-english ulit ako.
"Ah. You're not sad even she's not your classmate?"
Tumango ako.
"Do you have siblings?"
"Oo."
"Elan?"
"Ilan? Anim. Pangatlo ako. Pangalawa si Faye kasi siya ang naunang lumabas sa tiyan ng Mama ko."
"Wow! That was awesome! It's a big family. Well, I have one sister and she's older than me."
"Ah." Wala akong maisip na itanong sa kaniya. Pinaubaya ko na sa kaniya kung ano man ang gusto niyang pag-usapan. Basta malapit na malapit na akong matapos sa ginagawa ko.
"Do you need my help?"
Mabilis akong umiling. "No. Kaya ko na 'to. Relax ka lang diyan."
"Okay. I will just watch you if it's okay to you."
"Hindi ako TV."
"What?"
"Ang sabi ko, hindi ako TV para panoorin mo."
At tumawa naman ng malakas si Kuya Edmund. Abot pa yata hanggang labas ng bahay ang tawa ng lalaking ito ah.
"Oh my! You're funny. I love your humor, Rita. I'm sure that my stay here will be a lot of fun." Napangiti na lang ako sa sinabi niya. Ayoko ng magkomento sa sinabi niya kaya ngumiti na lang ako.
Sa wakas! Tapos na ako sa paghuhugas ng sangkaterbang hugasan. Puwede na akong pumasok sa kuwarto namin nila Papa para magpahinga. Hindi pa man ako nakakalayo sa harap ng lababo nang may mangyaring hindi ko inaasahan.
Akala ko ay lalagapak na ako sa sahig at mababagok ang ulo ko sa marmol. Pero mabuti na lang at akala ko lang iyon dahil mabilis ang kilos ni Kuya Edmund para saluhin ako.
"Got cha!"