15 ❤️

1660 Words
- RITA - "Sino nga ulit iyong kausap ni Marco, bal?" tanong ng kakambal ko na si Marifaye. Nasa pangalawang palapag kami ng beach house at pareho kaming nakatunghay kanila Kuya Marco at Kuya Edmund na seryosong nag-uusap sa sala. "Si Kuya Edmund, bestfriend ni Kuya Marco." Sandali akong natigilan at napakunot-noo nang marinig ko siyang humagikgik. Napalingon ako sa kaniya at nahuli ko siyang parang kiti-kiti sa tabi ko. Pa'no ba naman kasi, may pahawak-hawak pa si Faye sa kaniyang pisngi, nakangiti at... kinikilig? "Bakit, bal? Anong nangyayari sa'yo?" "Ang suwerte natin, bal. Ang suwerte natin!" "Teka, paano tayo naging suwerte?" nagtatakang tanong ko. "Hay naku , bal, kahit kailan talaga, ang slow-slow mo pa rin. Hindi mo ba na-ge-gets ang mga pangyayari rito sa beach house?" Sandali akong nag-isip. Gusto kong intindihin ang ibig ipakahulugan ni Faye tungkol sa sinabi niya kaya naman sobra akong nag-isip. Pero kahit anong gawin ko ay hindi ko talaga makuha ang ibig niyang sabihin. Ano bang pangyayari sa beach house ang gusto niyang ipaalam sa akin? Wala naman akong makitang kakaiba dahil kung ano ang dinatnan ko sa bahay nila Kuya Marco ay iyon pa rin naman hanggang ngayon. Wala rin naman nabago, binawas o dinagdag na kasangkapan dito sa loob. Saka kung may mababago man, paniguradong malalaman ko iyon dahil sasabihan ako ni papa sa bagay na iyon. Ano bang klaseng pangyayari iyon? "Oh siya, mukhang hindi mo talaga ako maintindihan kaya ipapaliwanag ko na lang. Nandito tayo sa beach house. Isang napaka-gandang beach house na pagmamay-ari ng boss ni Papa. Kasama natin ang guwapo nilang anak na si Marco at makakasama na rin natin ngayon ay ang bestfriend niya na si Edmund." Binanggit sa akin kanina ni Faye na magbabakasyon daw si Kuya Edmund dito. Iyon ang narinig niyang pag-uusap ng dalawa bago kami umakyat dito. Pero hindi ko pa rin talaga maunawaan kung ano ang ibig niyang sabihin sa pangyayari sa beach house. "Tapos?" "Tapos, sa akin si Marco at sa iyo si Edmund." Parang kumukuti-kutitap ang mga mata ni Faye habang nakatanaw sa baba, kung saan patuloy pa rin na nag-uusap ang magkaibigan. "Sa iyo si K-kuya Marco? Sa akin si Kuya Edmund?" Nakita ko ang biglang pamumula ng mukha ni Faye. "Yes. 'Di ba ang ganda nun, bal?" Hinawakan niya ang kamay ko at nilapat ito sa magkabilang pisngi niya. "Ang ganda ng magiging love story natin kapag napangasawa natin sila. Guwapo tapos mayaman pa! Ang suwerte natin, bal. Magandang pagkakataon ito para sa atin." "Bal, alam mo ba kung ano ang mga pinagsasabi mo?" Hindi ko kasi mapaniwalaan na iyon pala ang tinutukoy niya sa sinabi niya kanina. Gusto niya na mapangasawa namin ang magkaibigan, nahihibang na ba siya? Nakangiti siyang pumangalumbaba sa ibabaw ng barandilya habang nakatunghay sa dalawa. Napasulyap ako sa dalawang tao na nasa baba at napasin kong gumanda na ang mood ni Kuya Marco dahil nakangiti na itong nakikipag-usap kay Kuya Edmund. "Oo, alam ko lahat ng mga sinasabi ko ngayon." Kalaunan ay tumayo siya ng tuwid at muling humarap sa akin. "Masama bang mangarap para sa kinabukasan ko? O sa kinabukasan ng pamilya natin? Bal, kapag napangasawa natin sila, maiaahon na rin natin sa buhay sila Mama at Papa, pati na rin ang mga kapatid natin." "Bal, 17 pa lang tayo. Bakit pag-aasawa na agad ang iniisip mo? Hindi ba dapat pag-aaral muna ang mas prayoridad natin?" Iiling-iling siya habang nakangiti. "Ikaw ang mag-focus sa pag-aaral, Rita, dahil ang baba ng average grade mo nitong last school year. Ikumpara mo naman ang 79% mo sa 86% ko," pagmamayabang niya. Hindi na ako umimik pa dahil wala naman akong panalo sa kapatid ko kung utak ang pag-uusapan eh. Matalino siya eh. "Nakanguso ka na naman diyan. Totoo naman 'di ba? Pasang-awa na ang grades mo, bal. Kaya nga sinasabi ko sa iyo, kung hindi ka man suwerte sa pag-aaral, tiyak ang suwerteng darating sa iyo kung makakapangasawa ka ng isang mayaman. Heto na ang pagkakataon nating dalawa. Sa akin si Marco at sa iyo si Edmund." Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. "Seryoso ka ba talaga sa mga sinasabi mo, bal? Pa'no na lang si Allan kung pinag-iinterasan mo na si Kuya Marco?" "O, bakit naman nasali sa usapan si Allan dito?" "May gusto sa'yo ang tao." "Ang tanong, gusto ko ba siya? Teka nga, bakit naman magkakagusto sa akin iyon eh 'di ba, kayong dalawa ang close? Kayo ang madalas na magkasama?" "Pero ikaw ang gusto niya." "Kanino mo naman nalaman iyan? Sinabi niya ba sa iyo na gusto niya ako?" Natigilan ako sa tanong niya. Sa totoo lang, hindi naman diretsahan na sinabi ni Allan na gusto niya ang kakambal ko. Bumase lang ako sa napapansin ko kasi sa tuwing magkasama kaming dalawa, lagi niyang kinukumusta sa akin si Faye. Tinatanong ang mga hilig nito, ang ayaw at gusto nito at mga paborito nito. Simula pagkabata ay kaibigan na namin si Allan pati na rin ang kaniyang mga kapatid. Kapit-bahay namin sila sa Lucena, Quezon. Sa pagkakaalam ko ay kasalukuyan din itong nagbabakasyon sa Lolo't Lola niya. Hindi ko lang alam kung saang lugar iyon. "O, hindi ka na nakasagot dahil hindi naman totoo 'di ba? Huwag mo ng intindihin si Allan dahil hindi siya makakatulong sa atin. Wala siyang beach house katulad ni Marco." "M-may gusto ka...ba talaga kay Kuya Marco?" nag-aalinlangan kong tanong. Natatawa naman siyang sumagot. "Hindi pa ba halata sa mga pinagsasabi ko? Bukod sa guwapo na siya, eh mayaman pa." "P-pero bakit si Kuya Marco?" Nang-uusig na tumingin sa akin si Faye. "Hindi ko gusto ang tanong mo, Margarita." "May sinabi ba akong masama?" tulirong tanong ko. "Bakit si Marco pa? Eh sino ba ang gusto mo na gustuhin ko? Si Edmund?" "T-teka! Ba-bakit ganiyan ka makatitig sa akin, Marifaye?" Medyo natakot ako nang panlakihan niya ako ng mata. Para kasing mangangain ng tao nang dahan-dahan siyang lumapit sa akin. "May gusto ka kay Marco?" "Wala 'no!" matinding bulalas ko. Napatakip din agad ako ng bibig nang matauhan ako sa lakas ng boses ko. Si Faye kasi eh, kung anu-ano ang tinatanong kaya nagugulat ako. Nag-aalalang tumingin ako sa baba dahil baka pati sila Kuya Marco at Kuya Edmund ay nagulat sa boses ko. Pagsulyap ko sa kanila ay pareho silang nakatingala sa taas kung saan kami nakatayo ng kakambal ko. Mukhang hindi naman nila namalayan ang pagtaas ng boses ko kanina. Wala akong dapat alalahanin dahil siguradong wala silang narinig sa mga kahibangan na sinabi ng kapatid ko sa akin. "Hi, Rita." Kumaway sa akin si Kuya Edmund. "Rita, hi daw. Kumaway ka rin sa kaniya," narinig kong bulong ni Faye. Dahil hindi ako kumikilos sa kinatatayuan ko ay siya na mismo ang nagtaas ng kanang braso ko at winagayway ito. "Hi rin daw sabi ni Rita. Medyo nahihiya pa ang kapatid ko eh." Kita ko ang maluwang na ngiti ng kapatid ko sa kanila. "Hi Marco." Hindi ngumiti si Kuya Marco sa kaniya. Napapailing na lang ako sa inaasal ng kapatid ko. Kung alam ko lang na ganito pala ang mangyayari, sana ay umuwi na lang ako sa amin noong natalo ako sa bato-bato pick laban kay Kuya Marco. Iyong araw na pinagtutulukan niya na akong pauwiin dahil sa hindi pagtupad sa pusta na ibinigay niya. Tinakot pa ako na hindi na niya ako pahihiramin ng mga damit niya. "Hi, baby girl," napaawang ang labi ko nang marinig ko ang masuyong pagbati ni Kuya Marco. Tinawag niyang baby girl si Faye? *********** -MARCO- "What does your travelling bag doing here?" masungit kong tanong kay Edmund. At naiinis ako sa ngiting sumilay sa labi niya. "I want to have my vacation here, with my dearest best friend." "At sino ang may sabi sa'yo na puwede kang magbakasyon dito?" "I already have my approval from your parents. They let me stay here for the whole summer until the classes start. It's very nice, isn't it?" "At ang lakas ng loob mong magpakita sa akin pagkatapos mo akong traydurin? Ganoon na lang ba iyon sa'yo, Edmund? Ang dali mo naman makalimot," I gritted between my teeth. "I know you're angry. But please, let me explain everything, bro." Matalim na titig ang binigay ko sa kaniya. Hindi madaling kalimutan ang pangta-traydor na ginawa niya sa akin. "Could you please listen to me?" He sounded almost pleading. I sighed heavily. Hindi naman ako sobrang sama. Kailangan ko lang talaga bigyan siya ng pagkakataon na ipaliwanag ang side niya kaya hinayaan ko siyang magsalita. Gaya ng sinabi niya noong una ko silang makita ni Hyacinth, nasa kabilang resort sila Edmund para bigyan ng welcome home party ang isa niyang pinsan na galing Germany. Hindi niya inaasahan na kasalukuyan din naroon ang pamilya ni Hyacinth. Kaya naman daw hindi niya nasagot ang mga tawag ko noong magkaroon ako ng pagkakataon na makontak sila ay dahil naiwan niya ang kaniyang phone sa bahay bago sila bumiyahe papunta sa kabilang resort. "Believe me, bro. I don't have any romantic feelings for Hyacinth. She's just a friend. That's all. No more, no less." "But she already confessed her feeling for you." "We talked about it and she understand. I don't want her to get hurt but she need to know that she's just a friend, a very good friend of mine." He looked genuinely sincere and I was already starting to believe him. "Okay," maikli kong tugon. Biglang nagliwanag ang mukha ni Edmund sa sinabi ko. "We're okay now?" "Puwedeng hindi, puwedeng oo." "Bro, naman eh. Bati na tayo, please." Natatawa ako kapag naririnig ko siyang nagtatagalog. Obvious pa rin ang german accent. Ako ang nagturo sa kaniya kung paano managalog. "Oo na, sige na. Tapos na ang LQ ntin. Bati na tayo," natatawang wika ko. Yayakapin sana ako ni Edmund nang bigla siyang mapahinto. Pati ako ay natigilan nang makarinig ako ng sigaw. Pareho kaming napatingala sa second floor. Nakita namin ang kambal na nakatayo sa terrace at nakatingin sa amin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD