- MARCO -
"Smoothie. Ganda ng name ah." Tuwang-tuwa si Faye habang sumusubo ng smoothie. Sana mawala na rin itong uncomfortable feelings ko para sa kakambal ni Rita nang matuwa na rin ako sa presence niya.
Samantala, katatapos lang ni Rita maghugas ng mga plato nang mapansin kong naglalakad na siya palabas ng kusina.
"Rita." Tumigil siya sa paglalakad nang tawagin ko siya. Hinintay kong lumingon siya pero nanatili lang siyang nakatayo sa tabi ng pintuan. Nilapitan ko siya at pumuwesto sa harap niya. Tulala lang siyang nakatingin sa kung saan nang magsalita ako. "S-sorry pala sa nangyari kanina. May...m-masakit pa ba sa iyo?" I whispered to her.
"W-wala naman." Finally, tumingin din siya sa mata ko at buti na lang nagsalita na siya.
"I'm really really sorry for what I've done earlier. I'm just surprised and shocked. Sorry talaga, Rita. Sana ay hindi ka galit sa akin."
"H-hindi ako galit."
"Salamat naman. Here, please accept my peace offering." Inabot ko sa kaniya ang baso ko na may lamang smoothie. "You want to try it? Try mo."
Napansin ko ang pag-aalinlangan sa mukha niya pero natuwa naman ako nang tinanggap din niya iyon.
"Masarap? Masarap ba?" Excited akong malaman ang reaksiyon niya kaya kahit hindi pa siya nakakatikim ng gawa ko ay agad na akong nagtanong.
She nodded then smiled. Hindi ko ma-explain nang maayos ang nararamdaman ko nang makita kong nagustuhan niya ang banana-egg milk smoothie. Masaya, sobrang saya na nagustuhan din niya ang paborito kong smoothie. Sa sobrang saya ko ay parang mapupunit na ang labi ko sa pagkakangiti. Wala eh, sobrang masaya lang talaga ako.
DING DONG DING DONG
"Si Papa na siguro iyan." Faye said as she stood up to walked towards us.
"Ako na ang magbubukas ng gate." Rita murmured and I just nodded.
Tinanaw ko na lang siya na makalayo at makalabas ng bahay. Napabuga na lang ako ng hangin nang tuluyan na siyang nawala sa paningin ko. Napatingin ako sa hawak kong baso at tumikhim na rin sa smoothie. Well, wala pa rin kupas ang lasa ng paborito kong smoothie. It taste great kaya hindi talaga ako mapapahiya sa sino man na aalukin ko nito.
"May gusto ka ba sa kakambal ko?" Nilingon ko si Faye na nakatayo malapit sa akin. She arched her right brow while looking at me.
They are fraternal twins and it really says it all, malaki talaga ang pagkakaiba nilang dalawa. I feel so comfortable with Rita than her. Kaya nga nang malaman ko na siya ang umakyat sa kuwarto para gisingin ako ay agad kong sinabi na may kailangan ako kay Rita. Nakisuyo ako sa kaniya na kung maaari niyang tawagin at papuntahin sa kuwarto ko ang kapatid niya.
"Why do you ask?"
"I see it in your eyes," seryosong sagot niya.
"Wow. In my eyes talaga? Why? Nasa loob ba ng mata ko si Rita?" nakangisi kong tanong sa kaniya.
"Pilosopo ka rin pala, Marco."
"Bakit mo ba kasi tinatanong? May problema ba kung magkagusto nga ako sa kapatid mo?"
"I just want to protect my sister."
Natawa ako sa sinabi niya and at the same time, nainis. "Mukha ba akong kaaway sa paningin mo? I want to remind you that you're in my house kaya don't talk to me like that. I don't know what's on your mind kaya please, don't talk too much when your mouth is full. Rita and I are good friends kaya huwag mo sana dungisan ang pagkakaibigan na mayroon kami ng kapatid mo."
"Until now, hindi ko mapaniwalaan ang kuwento ng kapatid ko na nagkakilala raw kayo sa bus. Na dumating daw si Papa sa bus na iyon dahil tumakas ka raw mula rito sa bahay niyo. At nakita ni Papa na kasama mo siya. Paanong nangyari iyon? Paano ba talaga kayo nagkakilala ng kapatid ko?"
I clenched my jaw to stop myself from saying something rude. "Ang dami mong tanong, Faye. Hindi ko alam kung anong dahilan mo at nagkakaganiyan ka." Tinalikuran ko siya at lumabas na ng kusina. Kung weird si Rita, mas weird pa ang kapatid niya sa kaniya. Hindi ko alam kung bakit bigla na lang siya magtatanong ng ganoon sa akin at ayaw ko siyang patulan.
"May nagugustuhan na ang kapatid ko kaya huwag mo ng ituloy ang balak mo."
Naiiritang lumingon ako sa kaniya. "So?"
"Hindi kayo bagay ng kapatid ko."
I sighed and I answered her. "Faye, I don't have time for this non-sense conversation. Palilipasin ko itong pag-uusap natin. Kaibigan ko si Rita at tinuturing na rin kitang kaibigan. Baka nadadala ka lang diyan sa binabasa mo kaya ka nagkakaganyan." Tukoy ko sa hawak niyang libro. "Puntahan ko lang saglit si Rita sa labas at ang tagal bumalik ng kakambal mo. Dito ka na muna," I calmly explained.
Tinakbo ko na papuntang main door. Ayaw ko nang marinig pa ang susunod na sasabihin ni Faye kaya agad akong lumabas ng bahay. Lumakad ako papuntang main gate at natanaw ko si Rita na nakatayo pa rin doon. Nagtaka ako dahil parang may kinakausap siya mula labas. May maliit na pintuan ang wood gate namin kung saan nakasilip si Rita sa labas.
"Rita, si Mang Danny na ba iyan?" Nakalapit na ako sa kaniya nang lumingon siya. Sasagot pa lang sana siya sa tanong ko nang may marinig akong nagsalita mula sa labas ng gate.
"Bro."
Nagtaka at nagulat ako nang makita ko ang taong hindi ko pa handang harapin.
"Anong ginagawa mo rito, Edmund?"
*****
-RITA -
NAPAKUNOT-NOO ako sa taong nabungaran ko sa labas ng gate. Mabilis pa man din ako lumabas ng bahay para pagbuksan ng gate si papa. Iyon pala, ibang tao lang ang makikita ko rito.
Pero kilala ko siya. Ano ang ginagawa nito rito?
"Hi." Wala sana akong balak na ngitian siya dahil alam kong naging dahilan siya ng pagiging broken hearted ni Kuya Marco sa babaeng nagugustuhan nito na si Ate Ganda. Pero nang makita ko ang maganda at pantay-pantay niyang ngipin, hay naku, wala na, bumigay na ako sa nakakatunaw na ngiti ni Kuya Germany.
Nilibot ko sa labas ang aking paningin para alamin kung may kasama siya ngunit wala akong makitang tao sa labas. Mas lalo pa akong napakunot-noo nang mapansin ko ang isang malaking bag na nasa paanan niya.
"You're the girl I saw last time, right? Do you still remember me?"
Sus, Ginoo. Patay na.
"Ah..." Napakamot na lang ako sa ulo ko nang marinig ko siyang nagsalita.
"Yeah! I'm very sure of it. You tried to stop Marco for nagging us but he still the hot headed guy I know. Hmmm, you remember now?" Halata naman sa tono niya ang pagtatanong ngunit hindi ko lang talaga alam kung ano ang sasabihin ko. Hindi naman kasi ako kagalingan sa English kaya hindi ako makasagot sa tanong niya. Nanatili na lang akong pipi sa harap niya. Gustong-gusto ko na nga sana umalis at tawagan na si Kuya Marco para sila na lang ang mag-usap.
"It's nice to see you again. My name is Edmund." Nakamuwestra sa harap ko ang kaniyang kanang kamay. Naintindihan ko siya sa parteng iyon kaya tinanggap ko ang pakikipag-kamay niya.
"R-rita po."
"Rita, Señorita. What a beautiful name for a beautiful girl like you." Ano raw? Señorita raw kamo ako? "You live here with Marco?"
Hindi ko talaga kaya makipag-usap sa isang 'to. Kailangan ko na talaga tawagin si Kuya Marco para matapos na itong pangangamot ko sa ulo.
"Is Marco still here?"
"H-huh? Si K-kuya Marco?" Sa wakas, may lumabas na rin na salita sa bibig ko.
"Yes. Could you please tell him that I'm here?"
"Eh..."
"Please. I really need to talk to him. There's a lot of things to catch up and lot of things to explain. Even one hour will do so please, tell Marco that I'm here."
"Ah Kuya Edmund, pasensiya na po pero hindi po ako sigurado kung kakausapin kayo ni Kuya Marco eh."
"Rita, si Mang Danny na ba iyan?" Napalingon ako sa aking likod kung saan nagmula ang boses. Buti na lang at dumating na si Kuya Marco. Sasagutin ko na sana ang tanong niya nang biglang sumilip si Kuya Edmund mula sa labas ng gate.
"Bro."
Ang kanina'y maaliwalas na mukha ni Kuya Marco ay napalitan ng galit. Halata iyon sa kaniyang mata dahil matalim na tingin ang ginawad niya kay Kuya Edmund. Mukhang hindi pa rin nito nakakalimutan ang nangyari sa dalampasigan kung saan nakita ko si Ate Ganda at si Kuya Germany na Edmund pala ang pangalan.
"Anong ginagawa mo rito, Edmund?"
*****