13 ❤️

1725 Words
- Marco - Doon na nagsimula ang technical error ng pag-iisip ko. At sinisisi ko itong lahat sa "Sawalal". Pahamak iyang sawalal na iyan eh. Kung hindi dahil sa sawalal na iyan, hindi magiging ganito ang t***k ng puso ko, sobrang lakas. Sa sobrang lakas, parang gusto ng kumawala sa loob ng katawan ko. Hindi naman ganito ang lagay ng puso ko kanina eh. Tahimik lang ito na parang natutulog kanina, pero nang dahil sa hindi ko malamang dahilan, naging ganito na. Tahimik lang akong nakatunghay kay Rita. Nakasara pa rin ang dalawang mata niya. Ang kaniyang kamay ay humahaplos sa ulo niya. Sinamantala ko ang pagkakataon na iyon para titigan siya. A few strands of her hair were long to cover her forehead. From the first time I met Rita, I'm aware that she got an attractive eyes. And I realize it even more when I saw it closely. She got a beautiful and long eye lashes. Makinis ang kaniyang mukha. Wala man lang tagyawat o ano mang butlig sa mukha. Kapansin-pansin din ang hugis puso niyang mukha na binagayan ng magandang leeg. Ang cute din ng ilong niya, hindi pango at hindi rin naman sobrang tangos. Mas lalong nakaagaw pansin ang kaniyang labi. Her pinkish lips looked delicate and sweet. I wonder what her lips taste like. I shook my head. Hindi tama itong pinag-iisip ko kay Rita pero... pero... hindi ko kayang pigilan. I'm very curious and I really want to taste her lips. Para bang may nag-uudyok sa akin na dapat kong gawin ang bagay na iyon. Kabado man at nanginginig ay nilapit ko ang mukha ko sa kaniya. Hintuturo na lang siguro ang pagitan ng mga labi namin nang biglang siyang magmulat. Nakita kong nagsalubong ang kilay niya. "Rita!" Kinabahan ako nang marinig ko ang malakas na pagtawag ni Faye. Para akong nagising sa malalim na pagkakatulog nang maramdaman ko ang malakas na pagtulak sa akin ni Rita. Kulang na nga lang yata ay tumilapon ako sa labas ng kuwartong iyon sa sobrang lakas niya. Saktong pagpasok ni Faye ay mabilisan akong tumayo, habang si Rita ay dahan-dahan bumangon mula sa pagkakahiga sa sahig. Hindi ko magawang tingnan si Faye nang makapasok siya sa loob ng kuwarto. "Oh, nandito ka rin pala, Marco. Kanina pa kayo hinahanap ni Papa eh. Anong ginagawa niyo rito?" nagtatakang tanong niya sa aming dalawa. Nagpalipat-lipat ang tingin niya sa amin pero wala sa amin ang makaimik. "May kausap pa ba ako? Anong nangyari rito? Para kayong nakakita ng aswang diyan ah." Gusto kong magsalita pero parang umurong ang dila ko sa sobrang kaba. Hindi ko rin kasi alam ang sasabihin ko because until now, I still felt my heart racing. Nagwawala na naman ang puso ko. "Kambal? Bakit nakaupo ka riyan?" Tumingin si Faye sa kaniya. Magsusumbong kaya si Rita sa kaniya? Imbis na sagutin ang tanong ni Faye ay tumayo si Rita. Hindi pa siya hustong nakakatayo nang mapansin ko ang panglalambot ng tuhod niya. Muntik pa siyang masubsob kong hindi lang ako naging maagap sa pagkilos. Mabuti na lang at malapit lang ako sa puwesto niya kaya agad ko siyang nasalo. But she just pushed me away with all her might. Matalim na titig ang natanggap ko mula sa kaniya na sana hindi nakita ni Faye. I tried to act normal eventhough there's something wrong about me. "Are you alright?" I couldn't help but ask. I know it's too late dahil mas inuna ko pa ang pansarili kong pakiramdam kaysa sa kaniya, but I'm worried about her because she might felt something pain in her body after the incident. "Kambal, ayos ka lang?" Halata kay Faye ang pag-aalala sa kapatid niya. Pinagpapawisan na ako dahil hindi ko malaman ang iniisip ni Rita. Baka isumbong pa ako nito kay Mang Danny. "Marco, ano bang nangyayari rito? May ginawa ka ba sa kapatid ko?" she uttered angrily. "H-huh.... A-h.. e-h a-ano k..asi eh." Nabuhol na yata ang dila ko dahil wala akong maisip na puwedeng sabihin kay Faye. Alanganan naman sabihin ko sa kaniya na, Eh ano kasi eh, nahulog kami sa treadmill dahil sa katangahan ko. Nagulat kasi ako nang malaman kong nilalabhan niya ang mga brief ko. Syempre sobra akong nabigla tapos hayun, sa sobrang gulat ko ay tumilapon kami ni Rita mula sa treadmill. Then after that, napansin ko na lang ang kagandahan ng kapatid mo habang nakapikit siya. Na-hypnotize yata ako kasi hindi ko na napigilan ang sarili ko dahil gusto ko talaga malasahan ang labi niya kaya lang.... "Ano ulit ang sabi mo?" Napasinghap ako nang marinig ko ang tanong ni Faye. "H-huh? A-ano iyon?" "Linawin mo nga ang sinasabi mo. Nagtatanong ako kung ano ang nangyari sa kapatid ko at may sinabi ka." Hindi ko na alam kung ano ang hitsura ko pero parang mawawalan na yata ako ng ulirat nang dahil sa pangyayari. "M-may si...na...sabi ba ako?" Imposible. I know that I'm talking privately on my mind. "Oo. H-huh.... A-h.. e-h a-ano k..asi eh kaya lang. Hay naku, parang may epilepsy lang ang kausap ko. Bahala ka na nga diyan. Tara na, Rita." Inalalayan niya sa paglalakad ang kaniyang kapatid habang nakatingin ng masama sa akin si Rita. Bago sila makalabas ng kuwarto ay nagsalita ako. "Teka, may sinabi ba akong kakaiba kanina?" Gusto kong makasiguro na hindi literal na lumabas sa bibig ko ang ano mang nasa isip ko kanina. Tumigil sa tapat ng pintuan ang magkapatid. Lumingon sa akin si Rita at bigla na naman akong may narinig na paglindol sa puso ko. DUG DUG DUG DUG "Mayroon." Mas lalong lumakas ang t***k ng puso ko nang marinig kong sinagot ni Rita ang tanong ko. "What did I say?" I calmly asked. "Ang pangit mo." ***** - MARCO - Naabutan ko sila Faye at Rita na nasa kusina. Si Faye ay nakaupo at nagbabasa ng hawak nitong libro habang si Rita ay naghuhugas ng plato. Pinakiramdaman ko muna ang kambal bago ako pumasok sa kusina. Baka kasi nagsumbong na si Rita sa kambal niya tungkol sa nangyari kanina kaya sinilip ko muna silang dalawa. Alam ko naman na talagang naghuhugas siya ng plato, tumutulong kay Mang Danny sa paglilinis nitong beach house at iba pang gawaing bahay dahil nakikita ko lahat ng iyon. Hindi niya alam pero natatanaw ko lang siya mula sa malayo. Natutuwa lang kasi ako na makita siyang sobrang seryoso sa ginagawa, minsan nga naririnig ko pa siyang kumakanta pero hindi ko lang maintindihan ang language na ginagamit niya. Siguro iyon ang kanilang native language sa Zamboanga. Gusto ko pa nga matawa nang makita ko siyang sumasayaw sa sala. Paano ba naman kasi, halatang hindi siya dancer dahil sa galaw niya pero it's still amused me. She's really cute, lalo na kapag naaasar sa bawat pang-bu-bully ko sa kaniya. Gusto ko lang talaga siya asarin kaya nasabi ko iyon sa kaniya. "Hinahanap mo si Papa?" tanong sa akin ni Faye. Bakit? Nasaan ba si Mang Danny? I murmured to myself. Hindi ko naman naiisip or hinahanap si Mang Danny nang oras na iyon pero tumango na lang ako sa tanong ni Faye habang nakatingin sa nakatalikod na si Rita. "Namili lang siya sa palengke. Halika na, may pandesal pang natira. Ipagtitimpla na lang kita ng kape." Mukhang wala naman alam si Faye sa nangyari kanina kaya na-relieved ako at kampanteng kumilos sa kusina. "Thanks, Faye, but don't bother." To be honest, hindi ako masyadong komportable nang dumating dito si Faye. Nagtataka rin ako sa sarili ko kung bakit may ganoon akong pakiramdam kahit na wala naman siyang ginagawang kakaiba. Pumunta ako sa refrigerator at binuksan iyon. Nang makita ko na lahat ng kailangan ko ay isa-isa ko iyon nilabas at nilapag sa mesa. May gusto kasi akong tikman ngayon. Napansin ko ang nagtatakang mukha ni Faye. Pati si Rita na tahimik na naghuhugas ng plato ay napatingin na rin sa akin. Nakasimangot siya at masama pa rin ang tingin sa akin. Saglit na sulyap lang iyon pero parang narinig ko na naman ang kakaibang tunog na kagaya noong nasa kuwarto kami ni Rita. Hindi ko naman siya masisisi kung iyon man ang maging reaksiyon niya dahil alam kong nasaktan siya kanina nang pareho kaming bumagsak mula sa treadmill. Hindi ko pa nga na-check kung okay lang siya or kung may masakit sa kaniya. At hindi pa ako nakakapag-sorry. Nang makuha ko na ang lahat ng kailangan ko mula sa ref ay sunod kong inayos ang blender na gagamitin ko. Kumuha rin ako ng baso na pagsasalinan. "Anong gagawin mo sa itlog, gatas at sa-saging?" Nakalapit na pala si Faye ng hindi ko namamalayan. "Gagawa ako ng Banana-Egg Milk smoothie." "Banana-Egg Milk smoothie?" "Yes. It's very simple. We just have to beat eggs on blender, combine babana and milk. Turn on the blender and blend it until smooth. Then... we're done." Inoff ko ang blender, tinanggal mula sa rotating metal blade ang blender jar at nagsalin sa baso. "Wow. Ayos 'yan ah. Ang dali lang pala gawin niyan. Masarap ba iyan?" "Oo naman. Wait, kuha tayo ng spoon then tell me kung anong lasa." Pagkatapos ko kumuha ng kutsara ay inabot ko ito kay Faye. Hinintay ko ang reaksiyon niya at nakita ko ang ngiti niya. Halatang nagustuhan niya ang gawa ko. "Oo nga. Hindi ko alam na masarap pala kapag pinagsama-sama ang gatas, itlog at saging. Nakakatuwa ang ingredients. Ano nga ulit tawag dito?" Sunod-sunod na tanong niya habang nilalantakan niya ang gawa ko. "Banana-Egg Milk Smoothie." "Smoothie. Ganda ng name ah." Tuwang-tuwa si Faye habang sumusubo ng smoothie. Sana mawala na rin itong uncomfortable feelings ko para sa kakambal ni Rita nang matuwa na rin ako sa presence niya. Samantala, katatapos lang ni Rita maghugas ng mga plato nang mapansin kong naglalakad na siya palabas ng kusina. "Rita." Tumigil siya sa paglalakad nang tawagin ko siya. Hinintay kong lumingon siya pero nanatili lang siyang nakatayo sa tabi ng pintuan. Nilapitan ko siya at pumuwesto sa harap niya. Tulala lang siyang nakatingin sa kung saan nang magsalita ako. "S-sorry pala sa nangyari kanina. May...m-masakit pa ba sa iyo?" I whispered to her. "W-wala naman." Finally, tumingin din siya sa mata ko at buti na lang nagsalita na siya. "I'm really really sorry for what I've done earlier. I'm just surprised and shocked. Sorry talaga, Rita. Sana ay hindi ka galit sa akin."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD