5 ❤️

1627 Words
- MARCO - "Gising ka na ba talaga ng lagay na iyan? Paano ko naman gagawin iyon kung sobrang tulog ako nun?" "Iyon na nga, Kuya Marco, nahirapan talaga ako na gisingin ka. Hindi na nga ako natulog dahil nag-aalala ako na baka magalit ka sa akin. Pero noong pinuntahan kita rito kagabi, ay grabe talaga eh! Para kang patay, Kuya Marco. Pinahirapan mo talaga ako kagabi. Plano ko na nga na buhusan ka ng tubig kaya lang ikaw eh, pinatulog mo ako rito sa kuwarto mo. Kaya hayun, nakatulog na rin ako kasi sobrang antok na ako─" "Stop." "H-huh?" "I said stop. I don't need your explanation. The damage has been done. It's very clear that you're not true to your words. You said that you're gonna help me to get out of here and this is what I've got. Wala kang isang salita." "Anong walang isang salita? Ayusin mo, Kuya Marco, iyang pananalita mo sa akin huh. Oo nga at pinag-usapan natin kagabi ang plano. Pero hindi kasama sa plano na pahirapan mo ako sa paggising sa iyo. Huwag mo ako sisihin kung sobrang tirik na ang araw sa labas pero heto at nakatunganga ka pa rin sa harap ko. Pinapahirapan mo lang sarili mo. May alas-tres pang nalalaman, eh kung puwede naman gawing alas-diyes or alas-onse." "Sinesermonan mo ba ako?" I asked. "Hindi po. Pinagsasabihan lang," palabang sagot niya. "You're not my mother so don't try to be like her. Hindi ako natutuwa." Tama na ang isang tao gaya ng mama ko na manermon sa akin. Hindi ko mapapayagan na dumagdag pa siya. "Eh sino ba may sabing matuwa ka?" Tumaas ang isang kilay niya na nakatingin sa akin. Mukhang may tinatagong kamalditahan ito ah. Nasabunutan ko tuloy ang humahaba ko ng buhok dahil sa nangyari. Masinsinan kaming nag-usap kagabi. Planado na ang lahat. Her task is just simple. All she need to do is to wake me up at exactly 3am then I will do the rest. Mahirap bang gawin iyon? Tapos sisisihin niya ako na ang hirap ko raw gisingin? "Sir Marco!" Natigilan ako sa sigaw na nagmumula sa labas. Sabay kaming nagkatinginan ni Rita sa isa't-isa at nagpalakihan pa kami ng mata nang matauhan kung sino ang tumatawag sa akin. "Hala. Si Papa─." "Si Mang Danny─" Sabay naming bulong. Oo, pabulong lang dahil mas lalo kaming malilintikan kung sasabayan pa namin sa pagsigaw si Mang Danny. Naloko na! Agad akong bumangon sa kama ko. Ganoon din ang ginawa niya at napatingin ako sa kaniya. Mukhang kabado rin siya kaya hindi siya mapakali. Nakaisip naman ako ng paraan at nilapitan ko siya. "Magtago ka sa ilalim ng kama. Don't make noise until he's gone, okay?" I whispered to her ear. "Ano ulit iyon?" She asked in confusion. "Bingi ka ba? Ang sabi ko magtago ka sa ilalim ng kama. Huwag na huwag kang gagawa ng ingay diyan sa ilalim kung ayaw mong magalit ang Papa mo," bulong kong sagot. "Sige." Hay salamat at nakaintindi rin. Agad ko siyang inalalayan na makapasok sa ilalim ng kama. Napasulyap pa ako saglit sa dalawang maleta na katabi ni Rita. Napailing na lang ako sa naisip. "Sir Marco?" I heard Mang Danny knocked at my door. Tumayo ako at lumapit sa pintuan. Huminga muna ako ng pagkalalim-lalim bago ko iyon binuksan. "Sir Marco, magandang umaga," he greeted. "M-magandang umaga rin po, Mang Danny." Nagpanggap akong kagigising lang dahil humikab pa ako sa harap niya at pinakitang antok pa ako dahil nakapikit pa ang isa kong mata habang ang isa naman ay nakatutok kay Mang Danny. "Pasensya na kung naabala ko ang tulog mo. Itatanong ko lang sana kung nagpaalam ba sa'yo si Rita?" He asked. His face etched with worry. "Huh? Bakit po, manong?" I asked back. "Wala kasi siya sa kuwarto nang bumangon ako eh. Baka kako hindi na nagpaalam sa akin at umuwi na lang basta sa Lucena." "Ah ganoon po ba? Baka nga po umuwi na siya or baka po nasa labas lang at naglakad-lakad," I lied. "Hay naku, pinag-aalala lang ako ng batang 'yon eh. Sige, Sir, salamat. Halika na sa baba at nakahanda na rin ang almusal." "Sige po, sunod na lang po ako." Lumakad na papalayo sa kuwarto si Mang Danny. Nang masiguro na nakababa na siya ay agad kong sinara ang pintuan at ni-lock. "Puwede ka ng lumabas," I announced. "Sigurado kang wala na si Papa diyan?" mahinang saad niya mula sa ilalim ng kama. Tinungo ko ang ilalim ng kama ko at tinaas ang laylayan ng bed sheet. "Oo. Bilisan mo at lalabas tayo ng bahay. Kailangan magmukhang galing ka sa labas dahil iyon ang sinabi ko kay Mang Danny." Dahan-dahan siyang lumabas ng ilalim ng kama ko. Nang makatayo na siya ay bahagya niyang pinagpag ang kaniyang damit. "Paano tayo makakalabas kung nasa labas nitong kuwarto si Papa?" "May secret way palabas ng kuwarto ko. Tara!" "Teka, magsuot ka muna ng t-shirt," paalala niya. "Ay, oo nga pala." Mabilis ko naman nakita ang t-shirt sa ibabaw ng kama at agad na sinuot ito. I grabbed her hand and walk towards veranda. Langhap ko pa ang sariwang hangin sa labas. Masarap sa pakiramdam ang pagtama ng hangin sa katawan ko. Hindi malamig at hindi rin naman gaano mainit. Binitawan ko saglit ang kamay niya at sumilip sa ibaba. Matagal na rin akong walang practice. Ngayon ko na lang ulit masusubukan ang tumakas pababa mula sa second floor ng veranda. "Huwag mong sabihin na iyan ang sinasabi mong secret?" "Ang talino mo huh. How did you know?" "Ano?! Seryoso ka talaga? Diyan tayo dadaan?" "Why? You're scared?" "Ayoko dumaan diyan!" "Halika na, it would be fun. Mauuna naman ako sa'yo eh. Panoorin mo lang kung ano ang gagawin ko then ikaw naman ang sunod. Aalalayan kita hanggang sa makababa ka. Wait for me here." Pumasok ako sa loob ng kuwarto ko at hinila ang mahabang kumot na ginamit ko kanina sa pagtulog. Pagbalik sa veranda ay agad ko iyon tinali sa barandilya ng veranda. Nang masigurong mahigpit na ang pagkakabuhol ko sa kumot ay sumampa na ako sa railing pero nagulat ako sa sunod na ginawa ni Rita. I felt her hand on my arm before she pulled me into her embrace. "Huwag, Kuya Marco. Huwag na natin gawin ito. Baka mahulog ka lang sa gagawin mo. Baka pareho lang tayo madisgrasya." "Errr, um, a-anong gagawin natin? Gusto mo─gusto mo bang mahuli tayo ng Papa mo na magkasama sa kuwarto?" Nakahawak pa rin ako sa railing ng veranda habang siya ay nakayakap pa sa akin. "Ayaw." "Good. This is the safest thing to do. Kung ayaw mong magalit sa'yo, at pati na rin sa akin si Mang Danny, kailangan natin gawin ito. Panoorin mo lang ako. Gayahin mo lang ang gagawin ko. Nasa baba lang ako, aalalayan kita hanggang sa makababa ka." "Sige." "Good." Humiwalay na siya sa akin. Agad kong sinimulan ang pagbaba ko gamit ang kumot na siyang tinali ko sa railing ng veranda. Mabilis ngunit sigurado ang bawat kilos ko. Hindi pa pala ako nangangalawang sa pagtakas. Kayang-kaya ko pa rin mag-ala Jackie Chan sa bilis kong makababa. "Oh, ikaw naman." Hindi naman gaano kataas ang second floor ng veranda mula rito sa baba. Kaya kung bumagsak naman siya, hindi gaano kahirap kung masasalo ko siya kaya sigurado akong hindi siya mapapahamak sa ginagawa namin. Halata sa mukha niya ang takot pero desidido rin naman siya na magawa ng tama ang sinabi ko kaya maingat niyang ginaya ang ginawa ko kanina. Pero panandalian siyang tumigil at sumilip sa baba. "Ow common, you can do it, Rita. Bilisan mo habang nasa loob pa si Mang Danny." Kailangan niyang bilisan ang kilos dahil ang alam ko, kapag ganitong oras ay lumalabas iyon para mamalengke. Tumango lang siya sa akin at nagsimula na rin siyang kumapit sa kumot. Pinulupot niya ang kaniyang dalawang hita sa kumot habang ang dalawa niyang kamay ang siyang kumilos para makausad siya pababa. Para magawa ng tama iyon, kailangan talaga ay may sapat na lakas ang dalawa niyang braso dahil iyon ang kokontrol sa bigat niya. Pero dahil sa payat siya at mukhang magaan, hindi siya nahirapan na gawin iyon. "Good job, Rita. Good job." I couldn't help but feel proud when I saw her doing that so easily. May talento rin naman pala ang batang ito. Mukhang sanay din ito sa takasan tulad ko. Magkakasundo kami sa parteng 'yan. Malapit ko na siyang maabot. Konting tulak na lang paibaba ay mahahawakan ko na siya. Pero kung saan kailan patapos na kami ay saka naman nagkaroon ng problema. Ang t-shirt na pinahiram ko sa kaniya ay sumabit sa nakaawang na alambre sa gilid ng pader. "K-Kuya Marco." "Don't panic. Just remove that thing on your shirt. Don't lose your focus. Malapit ka na makababa. Tanggalin mo lang iyan but keep your one hand on the blanket. Go." Patuloy niyang tinanggal sa pagkakasabit ang sleeve ng t-shirt sa dulo ng alambre. Nang makita kong nagawa niya iyon nang maayos ay nakahinga naman ako nang maluwag. Pero hindi pa pala nagtatapos iyon. Sa isang kisap-mata, nawalan siya ng balanse. Nakabitaw siya sa kumot. Hind naman ako nagpatumpik-tumpik pa dahil mabilis akong pumuwesto para saluhin siya. Pero mukhang kailangan ko na talaga ipagpatuloy ang pag-ggym dahil pareho kaming bumagsak sa damuhan nang masalo ko siya. "I got ya!" I declared. She's on my top. I wrapped my arms securely around her. Hindi ko kita ang mukha niya dahil natabunan iyon ng kaniyang mabangong buhok. Ano kaya ang gamit niyang shampoo? "Sir Marco! R-rita? Anong ginagawa niyo?" Nanlaki ang mata ko pagkakita kay Mang Danny. He sounded worried and at the same time, surprised. Lagot na! Anong kasinungalingan na naman ang sasabihin ko sa Tatay ni Rita? *****
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD