6 ❤

1562 Words
- MARCO - "Don't panic. Just remove that thing on your shirt. Don't lose your focus. Malapit ka na makababa. Tanggalin mo lang iyan but keep your one hand on the blanket. Go." Patuloy niyang tinanggal sa pagkakasabit ang sleeve ng t-shirt sa dulo ng alambre. Nang makita kong nagawa niya iyon ng maayos ay nakahinga naman ako ng maluwag. Pero hindi pa pala nagtatapos iyon. Sa isang kisap-mata, nawalan siya ng balanse. Nakabitaw siya sa kumot. Hind naman ako nagpatumpik-tumpik pa dahil mabilis akong pumuwesto para saluhin siya. Pero mukhang kailangan ko na talaga ipagpatuloy ang pag-ggym dahil pareho kaming bumagsak sa damuhan nang masalo ko siya. "I got ya!" I declared. She's on my top. I wrapped my arms securely around her. Hindi ko kita ang mukha niya dahil natabunan iyon ng kaniyang mabangong buhok. Ano kaya ang gamit niyang shampoo? "Sir Marco! R-rita? Anong ginagawa niyo?" Nanlaki ang mata ko pagkakita kay Mang Danny. He sounded worried and at the same time, surprised. Lagot na! Anong kasinungalingan na naman ang sasabihin ko sa Tatay ni Rita? "Mang Danny, I was trying to protect your daughter." "Huh? Para saan ang protect na sinasabi mo, Sir Marco. May kalaban ba kayo?" Diretso ang tingin na sinagot ko ang tanong ni Mang Danny, ''May pusa po kasi na biglang sumugod po sa anak niyo. Na-typan po siguro kaya ayaw po bumitaw. Hinuli ko po ang pusa na nakayakap po sa kaniya. Eh ang bilis po ng pusa kumilos kaya imbes na pusa po ang hawak ko, bigla po akong bumagsak kay Rita. Iyon po ang buong kuwento at pangyayari, Mang Danny.'' Wow! On the spot ang kuwento na nagawa ko. Ang galing at hindi ako nabulol sa paliwanag ko. Ako na talaga ang expert sa kasinungalingan. ''Totoo ba iyon, Rita?'' Aw. Hindi pala effective mga pinagsasabi ko kay Mang Danny. "Opo. Pasalamat na lang po ako at sumaklolo po agad si Kuya Marco sa akin. Dahil kung nahuli po siya ng dating, baka puro kalmot na po ako na dadatnan niyo.'' Impressive... ***** - RITA - Maganda ang paligid. Nakakatuwang pagmasdan ang malawak na karagatan na kulay asul dahil sa sumasalamin na kalangitan. Maganda ang panahon ngayon. Nakaka-engganyo lumusong sa dagat. Hindi masyado mainit sa balat ang sikat ng araw. Kung sabagay, alas-otso pa naman, paniguradong naghihilik pa sa ganitong oras si Kuya Marco. Isang linggo na rin ang nakakaraan nang una kaming magkita ni Kuya Marco sa pampasaherong bus. Isang linggo na rin akong naninirahan dito kasama siya at ang aking ama. Pinapauwi na ako ni papa sa Lucena pero ako lang itong matigas ang ulo. Ayaw ko pa kasi talaga umuwi sa amin dahil sobrang na-miss ko si papa. Gusto ko pa siya makasama nang matagal dahil bihira siyang umuwi sa amin. Minsan, isang beses lang sa isang buwan. Minsan nga ay umaabot pa ng dalawa, tatlo hanggang apat na buwan bago siya makauwi sa Lucena. Mabuti na lang at naipagpaalam ako ni papa sa mga magulang ni Kuya Marco. Pumayag naman ang mga ito na manatili ako dito para raw may kaibigan ang anak nila, may makausap at may makasama. Pero ang hindi lang nila alam, para lang kaming mga estranghero na nagkakasalubong sa malaki nilang bahay pero hindi nagpapansinan. Nang mahuli kami ni Papa sa "ganoong posisyon", katakot-takot na paliwanag ang ginawa namin. Dahil ayaw kong malaman niya ang totoong pangyayari na nakatulog ako sa kuwarto ni Kuya Marco ay nagawa namin ang dumaan sa veranda para lang magmukhang galing ako sa paglalakad sa labas. Syempre ano na lang ang iisipin ni papa kapag nalaman niya na ang disisyete-anyos niyang anak na babae ay may kasamang disinuebe anyos na lalaki sa kuwarto. Kahit pa na wala kaming ginawang masama ay hindi maiiwasan ng isang magulang ang hindi mag-alala or mag-isip ng kung anu-ano kung mahuhuli nga naman nila ang kanilang dalagang anak na may kasamang lalaki. Dahil sa sobrang pagkataranta na magalit sa akin si papa ay ginawa nga namin ang mala-adventure na pagbaba mula sa veranda. Akala ko ay sa TV ko lang makikita ang mga ganoong stunt. Hindi ko akalain na magagawa ko rin iyon sa tulong ni Kuya Marco. Halatang sanay siya sa mga ganoong bagay. Siguro ay ginagawa niya iyon sa tuwing tatakas siya sa kaniyang mga magulang. Buhat nang mahuli kami ni papa sa likod bahay na nakahiga sa damuhan, hindi na ako pinansin ni Kuya Marco. Kung tutuusin, hindi lang iyon simpleng nakahiga dahil bumagsak ako sa ibabaw ni Kuya Marco, as in nakita talaga ni papa ang nakakalokang posisyon naming dalawa. Nasa ilalim si Kuya Marco, nasa ibabaw niya ako at nakayakap siya sa akin. Parang eksena rin na nakikita ko lang sa TV. Naniwala agad si papa sa sinabing palusot ni Kuya Marco, kesyo iniligtas daw niya ako sa pusang muntik ng dumaluhong sa akin kaya natumba kaming pareho sa damuhan. Halatang sanay din sa pagsisinungaling si Kuya Marco dahil deretsahan niyang sinabi iyon kay papa ng walang kakurap-kurap at walang kagatol-gatol. Iyon bang talagang mapapaniwala ka niya sa kung ano man ang lalabas sa bibig niya. Ewan ko na lang kung makakapagdahilan pa siya kung napansin lang ni papa ang kumot na nakabuhol sa barandilya ng veranda. Mabuti na lang talaga at hindi iyon nakita ni papa. Humingi ako ng sorry kay Kuya Marco kung ang dahilan ng hindi niya pakikipag-usap sa akin ay dahil hindi siya nagtagumpay na makatakas ng araw na iyon. Pero mukhang desidido talaga siya na huwag ako kausapin. Ganoon pa man, hindi ako nagsasawa na batiin siya sa tuwing magkakasalubong kami, sa loob o labas man ng bahay. Tinatapunan naman niya ako ng tingin kaya lang iyong tingin na galit. Pero kahit mukha siyang galit, ang guwapo pa rin niya. Kahit ano siguro ang maging ekspresyon ng mukha niya, pogi pa rin si Kuya Marco. Kung sabagay, sabi nga ni papa, kalahating tinapay at kalahating saging siya. Half-half kumbaga. Nanatili lang akong nakaupo sa buhanginan na malapit sa pampang ng dagat. Hindi kalayuan sa beach house nila Kuya Marco ay may isang pribadong beach resort kaya may mangilan-ngilang tao akong nakikitang lumalangoy sa dagat. Medyo malayo naman iyon dito kaya ang inaasahan ko ay walang tao ang magpapagala-gala dito sa tabing dalampasigan bukod sa amin nila papa at Kuya Marco. Pero may nahagip ang mata ko na dalawang tao na naglalakad patungo sa bahagi ng beach house. Halatang bisita sila mula sa kabilang beach resort. Nabaling naman ang atensiyon ko nang makita ko si Kuya Marco na naglalakad sa tabi ng dagat. Hindi ko inaasahan na makikita siyang naglalakad ng ganito ka aga. Madalas kasi ay hapon na iyon lalabas mula sa kuwarto niya. Sobrang seryoso ng mukha niya. Nakapamulsa sa suot na short habang nakayukong naglalakad. Nagulat ako nang bigla na lang siya sumipa sa hangin habang naglalakad. Tapos maya-maya pa ay mukhang galit na ang mukha niya. Ano ba talaga ang problema ni Kuya Marco at nagkakaganoon siya? Nakadalawang beses yata siyang sumipa sa hangin. Mukhang mayroon siyang sinisipa kapag may nakikitang kung anong bagay sa dinaraanan niya. Lima hanggang sampung metro yata ang layo niya sa akin. Gusto ko sanang tumayo at lapitan siya kaya lang baka kapag nakita niya ako ay sa akin niya isipa ang ano mang makita niya. Baka mas lalo lang siya magalit kaya pinigilan ko na lang ang sarili ko at pinanood siya mula sa kinauupuan ko. Sa pangatlong pagsipa niya ay mukhang may natamaan sa dalawang tao na papalapit sa nilalakaran niya. Iyon ang dalawang turista mula sa kabilang resort. Ang lalaki siguro ang tinamaan dahil nag-react ito at tumingin sa binti niya. Ang kasama naman niyang babae ay napatingin din sa kasama. Malinaw na sa paningin ko ang mukha nila at doon ko mas naobserbahan ang hitsura nila. Para silang mga artista. Bulong ko sa sarili ko. Hinanap nila ang taong gumawa nun sa lalaki. Dahil nakayuko pa rin si Kuya Marco ay hindi niya namalayan na pasugod na sa kaniya ang dalawa. "Hey, you!" Narinig ko ang malakas na pagsigaw ng lalaki. Kung pangkaraniwan na pag-uusap lang iyon, tiyak na hindi ko iyon maririnig. Pero dahil sa pasigaw iyon ay naintindihan ko ang sinabi niya. Hinintay ko ang magiging reaksyon ni Kuya Marco pero patuloy lang ito sa paglalakad habang tutok na tutok sa buhanginan na nilalakaran niya. Nang hustong makalapit sa kaniya ang dalawa ay agad siyang tinulak ng lalaki. Kinuha lang siguro nito ang atensiyon ni Kuya Marco dahil hindi naman ito natumba. Mukhang nagising si Kuya Marco sa pagtulak na iyon sa kaniya dahil nagulat siya nang makita niya ang dalawang turista sa harap niya. Pero hindi ko maintindihan kung bakit pati iyong dalawang turistang kaharap niya ay nagulat din nang makita siya. Nagpalipat-lipat sa dalawa ang tingin ni Kuya Marco. Sa isang beses na pagkurap ng mata ko, nagtaka na lang ako nang makita ko ang lalaki na nakaupo na sa buhanginan. Ang babae naman ay agad na umalalay sa kasama nito habang nakatingin kay Kuya Marco. Naguluhan ako sa eksena ng tatlo kaya tumayo na ako at nilapitan sila. Hindi ko puwedeng ipagsawalang-bahala ang nakita ko dahil baka magkaroon pa ng rambol sa pagitan ni Kuya Marco at ng turista. Isang metro na lang siguro ang layo ko mula sa kanila ay narinig kong nagsalita si Kuya Marco. "Che cazzo...'' Huh? Ano raw iyon? Tae ng aso? *****
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD