- MARCO -
Nang mga oras na iyon, para akong sinaniban ni Goku. Gusto ko sanang mag-transform into Saiyan because in that moment when I saw Hyacinth and Edmund together, I felt anger rising within me. Just like other Super Saiyan transformation, I need to have a stronger desire triggered by either desperation or anger. Parang si San Goku, nang makita niyang namatay ang best friend niyang si Krillin, bigla na lang siyang nag-transformed sa pagiging Super Saiyan. Iyon ang gusto ko sanang mangyari ngayon, ang maging dilaw ang buhok ko at napapalibutan ako ng liwanag na color yellow din.
Sino ba naman ang hindi makakaramdam ng galit kung ang dalawang taong pinagkakatiwalaan mo ay sisirain ang tiwalang binigay mo? Nagtiwala ako sa dalawang tao na tinuturing kong pinakamalapit sa puso ko. Para ko ng tunay na kapatid si Edmund kahit limang taon pa lang kaming magkakilala. Naramdaman ko sa kaniya ang sincerity as a real brother. Si Hyacinth naman ay parang girl version ni Edmund, she's my bestfriend for one decade and she already knows my feelings for her. Alam ni Edmund iyon dahil wala naman akong nililihim sa kaniya. He even congratulate me for confessing my feelings for Hyacinth. Noong last summer lang ako nagtapat ng nararamdaman para kay Hyacinth. Mabuti nga at hindi siya umiwas sa akin kahit pa na umamin na ako sa kaniya. Isang taon na rin ako nanliligaw at ang sabi lang niya ay hindi pa puwedeng maging kami dahil 16 pa lang siya. Willing naman akong maghintay kahit gaano pa iyon katagal dahil alam ko sa sarili ko na mahal ko si Hyacinth.
Kaya nga sobrang tagos talaga ang sakit na nararamdaman ng puso ko dahil ang tinuturing mong kapatid ang mangta-traydor pa sa iyo. Bakit sa dinami-dami ng lalaki sa mundo, kay Edmund pa talaga sumama si Hyacinth? At bakit sa dinami-dami ng babae sa Pilipinas, bakit si Hyacinth pa na alam naman niyang nililigawan ko? Isang linggo pa lang ako rito sa San Narciso pero ito at makikita ko silang magkasama?!
Che cazzo! ( Italian word for "What the F**k)
Gusto ko pa sana ulit siya patamaan ng suntok sa kabilang panga niya para pantay na kaya lang itong katabi ko ay niyakap ako at pinigilan.
"Tama na iyan, Kuya Marco."
"Huwag kang makialam dito, Rita."
"Marco, let me explain." Edmund said and I'm not sure if I would entertain the slightest idea of him making his explanation.
"For what?! Anong silbi ng explanation kung kitang-kita na ng mata ko ang kagaguhan na ginagawa niyo sa akin. Ano pa ang i-eexplain mo, Edmund?! Tadhana na ang gumawa ng paraan para ibulgar ang panloloko niyo."
"Edmund," Hyacinth said sighing. "Stop it. Let's just be honest with Marco, once and for all."
"What do you mean, Hya? We're not doing anything so what do you mean let's just be honest?" Edmund looked so confused while looking at Hyacinth.
"Huwag niyo na ako idaan sa let's just be honest na iyan. Wala naman kayong maidadahilan sa akin dahil sobrang obvious na nga 'di ba? Niloko niyo ako pareho. Niloko ako ng dalawang taong pinagkakatiwalaan ko higit sa magulang ko. Pero ano, ito lang ang napala ko sa inyo. Ano ba ang masamang ginawa ko at nakuha niyo pa akong traydurin? Ikaw Edmund, I treat you as my real brother and I loved you because you're the only one who understand all of my pain. We've shared so good memories and even survived in our bad experience. We promised that we will stay best of friends forever. Pero sabi nga ng iba, walang forever. Ano nga naman kung sa pagkakaibigan pa, mas lalong walang forever."
"Marco, I did not betrayed you. Hyacinth and I are just friends. It's not what you think," he explained. "Hyacinth, please tell him the truth."
"Marco, I'm sorry." Parang maluha-luha si Hyacinth ng sinabi niya iyon. So, totoo nga? Talagang niloloko nila ako.
"Hyacinth, what are you saying?!'' Edmund shouted. ''Damn...'' He hissed in desperation.
''Marco, please believed me. I know that you loved her and she's just a friend for me. We're not dating and I'm with my family for a summer vacation. It's just a coincidence that her family also have a vacation here. That's the real thing, bro."
"Coincidence?! Yes! What's a coincidence dahil nagkatagpo-tagpo tayong tatlo dito. Ang saya-saya ng summer vacation niyo 'no.''
Hindi sila nakaimik sa sinabi ko. Talagang nanggigigil ako sa kanilang dalawa. Gusto ko talaga na magsuntukan na lang kaming dalawa ni Edmund. But I know that guy, he's not a war freak like me. Alam kong hindi iyon gaganti na mas lalong kinaiinit ng ulo ko.
''Ulol! Ako pa talaga Edmund ang gagaguhin mo? Matagal na akong gago kaya hindi mo ako kayang utuin. Sino ang hindi maniniwala na wala kayong romantic feelings para sa isa't-isa kung ganiyan kayo kasaya? Saka may nakapagsabi na sa akin na nitong mga nakaraang araw na wala ako sa Manila, kayo raw ang madalas na magkasama. Ni hindi niyo man lang akong maalalang kumustahin or tawagan sa mobile number ko. Hindi man lang kayo nag-alala kung buhay pa ba ako, nasaan na ba ako, okay lang kaya ako, hindi kaya nababaliw na si Marco kung nasaan man siya ngayon?"
"Kuya Marco, halika na. Umuwi na tayo." I was occupied that I did not notice Rita's presence beside me. She looked so worried and I felt guilt looking those eyes. I was avoiding her for couple of days not because I'm mad at her, it's just that I'm so over thinking when I heard the rumors that my two best friend we're dating.
"Rita, umuwi ka kung uuwi ka. Hindi pa ako tapos sa dalawang ito. Go!" Parang pusang naliligaw lang na pinalayas ko si Rita. Kaya lang may katigasan din ang ulo nito kagaya ng sa akin dahil hindi man lang ito umalis sa tabi ko. "Kung hindi ka uuwi, manahimik ka diyan."
"Bro, I'm sorry if I didn't called you when you're not around. You're parents told me not to disturb you for some reasons that they did not tell. I know I should trust your parents because they still your mother and father and I know that you're fine without me or Hyacinth. But believe me, I care for you because you're also important to me. We have each other for five years and I'm so grateful to have you as my best friend─"
"Iyon na nga eh! Mag-bestfriend tayo, para na tayong tunay na magkapatid, pero bakit mo nagawang ahasin ako? Alam mong mahal ko si Hyacinth at nililigawan ko siya."
"Hyacinth, say something about this. You're the only one who can fix this issue," Edmund groaned.
"Marco, I'm sorry but─" Hyacinth act so strange when she start to sobbed. Nagmukha lang talaga silang guilty sa ginawa niya.
"Hey, Hya," Edmund calmly interrupted. "I told you to fix, not to add another mess here."
"B-but I... I love you, Edmund!"
*****
-RITA-
"Kuya Marco, kakain na raw po." Ilang beses na akong kumatok para yayain siyang kumain pero walang sumasagot sa loob. Buong maghapon siyang nagkulong sa loob ng kuwarto niya.
Alam ko ang dahilan kung bakit siya nagkakaganoon. Hindi ko man siya tanungin tungkol sa nangyari kanina ay may ideya na ako kung bakit niya sinuntok ang amerikanong lalaki na hula ko ay kasing edad lang ni Kuya Marco. Sa pagkakaintindi ko, magkakaibigan silang tatlo. Si Kuya Marco ay may gusto sa magandang babae, habang ang babae naman ay may gusto kay Amerikano, pero si Amerikano ay parang walang nararamdaman para kay ate ganda.
Kanina ko napatunayan na talagang maliit lang ang mundo. Biruin mo, sa dami ng lugar na puwedeng pagbakasyunan nila kuya guwapo at ate ganda, talagang dito pa sa Quezon sila nagkatagpo-tagpo kung saan nandito din si Kuya Marco. Grabe ang galit na nakita ko kanina kay Kuya Marco. Ayoko ng ganoong histura niya, nakakatakot. Akala ko nga ay sasapakin din niya ako kanina dahil sa pangungulit ko na umalis na kami roon. Mabuti na lang at kahit papaano, nakapagtimpi pa siya pagdating sa akin at hindi ako sinapak.
Nagpatuloy ako sa pangungulit sa kaniya. Kumatok pa rin ako at pilit siyang pinapalabas para kumain. Pero kalaunan ay napaisip ako. Baka naman tumakas na naman ito kaya walang sumasagot sa loob ng kuwarto niya? Dali-dali akong tumakbo para lumabas. Nang makarating ako sa likod bahay nila kung saan may isang malaking pool ay tumingala ako at tumingin sa veranda. Wala naman akong nakitang nakalambitin na kumot. Nakahinga ako ng maluwang dahil sigurado akong nasa loob lamang iyon.
"Kuya Marco!" malakas na sigaw ko. "Kuya Marco! Lumabas ka na diyan! Huwag kang magpakamatay sa gutom dahil papangit ka! Hindi bagay sa iyo!"
Napahawak ako sa lalamunan ko at lumunok. Medyo masakit sa lalamunan ang sumigaw ah. Mabuti na nga lang malayo ang beach house nila sa ibang kabahayan kaya okay lang ang sumigaw. Kahit siguro magsigawan kayo dito ay walang ibang makakarinig kung hindi ang mga taong nakatira rin sa bahay na ito.
Matindi ang isang ito. Walang epekto sa kaniya ang sigaw ko. Mukhang seryoso talaga ito na magkulong sa kuwarto at magutom kaya hinayaan ko na siya sa gusto niyang mangyari sa buhay niya. Sigurado naman na hindi rin makakatiis iyon at lalabas din para kumain.
Lumakad na ako para pumasok sa bahay nang magulat ako sa sumigaw. "Hey you!" Lihim akong napangiti at bumalik muli para silipin siya sa veranda. Mukhang nagtagumpay ako sa ginawa ko. Napalabas ko sa siya sa kaniyang lungga.
Walang ilaw sa labas ng bahay kaya madilim mula sa kinatatayuan ko. Nang mga oras na iyon ay walang buwan kaya may kadiliman talaga sa labas. Hindi ko masyado maaninag ang mukha niya dahil wala rin ilaw na nagmumula sa kuwarto niya. Pero sigurado akong nakatingin siya sa akin. Nakatingala lamang ako sa kaniya habang nakahawak siya sa barandilya ng veranda. Hinintay ko na magsalita siya ulit pero walang lumabas sa bibig niya. Nanatili lang siyang nakatungo at nakatingin sa direksiyon ko.