Skyla’s POV Today, naisipan kong bawiin na ang lupa namin na siyang dahilan kung bakit namatay ang lolo ko. Ang tunay na kuwento kung bakit sumugod doon si Papa Sebastian na dati ay akala ko ay lolo ko lang ay dahil nababalitaan niya na sinasaktan at binibugb*g ni Lucca ang kaibigan niyang lola naman nitong si Lucca. Kaya bilang panakot kay Lucca, sinabi niya na palalayasin niya ito roon at babawiin na ang lupang binigay sa lola niya para patinuin lang siya. Kaya lang, talagang likas na sa dila nitong si Lucca ang pagiging lapastangan kaya ang mabait at mapagmahal kong Papa Sebastian ay talaga namang tumubo ang mga sungay. Ginalit ito ng husto ni Lucca kaya naman nakatikim siya kay papa ng mga hindi rin magagandang salita. Pero sa huli, imbis na matakot niya si Lucca, si Papa pa ang nalag

