Skyla’s POV Inutos ko kay Lucio na ihatid na ang care giver ni Mama Layla sa bahay nila. Mabuti na lang at pumayag ito na bayaran na lang namin siya sa lahat-lahat ng kasalanang ginawa ni Lucca sa kaniya. Mabait pa rin siya kahit ang totoo, kahit ako man ‘yung nasa kalagayan niya, hindi talaga ako papayag na bayaran lang, gusto ko mabulok sa kulungan si Lucca. Pero dahil gusto niya ng tatlong milyong piso, pumayag na lang siyang mananahimik. Sabagay, kung mahirap ka naman talaga at milyong-milyong piso ang ialok sa iyo, talagang masisilaw ka. “Anak, Skyla, gusto kong ipagpatuloy ang paninirahan dito dahil nasanay na ako sa mga ginagawa ko rito. Kaya sana ay payagan mo akong dito pa rin tumuloy hanggang gusto ko,” sabi ni Mama kaya wala akong magagawa kundi ang pumayag naman. Kumbaga ay p

