Lucio’s POV “Huwag mong babasain ang buhok ko, pati na rin ang iyo. Baka kapag lumabas kasi tayong dalawa dito sa kubo at makita nilang basa pareho ang buhok natin ay baka pag-isipan nila tayo na nag-s*x tayo,” sabi niya sa akin habang naliligo na kami kapwa dito sa banyo. “Eh, totoo naman po ah. Nag-s*x naman tayo,” sagot ko kaya pinalo niya ako. Ngiting-wagi na naman ako dahil naka-score na naman ako sa amo ko. Napapadalas na talaga, tapos siya pa itong unang nag-aaya. Tila nasasarapan na rin talaga siya sa akin. Aba, kung gusto niyang buntisin ko siya, sabihin niya lang at pabor naman sa akin. Maganda naman siya, sexy at mayaman pa. Suwerte na rin ako. Pero sa totoo lang din, parang ano eh. Ayoko mang aminin sa sarili ko, sa tuwing ipipikit ko ang mga mata ko tuwing matutulog ako sa

