Chapter 36 Lucio’s POV Ramdam ko ang pagod pag-park ko ng sasakyan dito sa farm. Kakauwi ko lang at heto, nakaabang na agad sa akin ang kambal na sina Lulu at Lele. “Kuya, may pasalubong kang pagkain?” tanong ni Lulu na nakayakap agad sa akin. Umiling ako. “Naku, pasensya na, Lulu at Lele, pagod si Kuya Lucio ninyo kaya hindi ko na nakuhang dumaan sa kainan,” sagot ko sa kanila. Agad namang nanlumo angmukha nila. Nasanay na kasi ang mga ito na sa tuwing uuwi ako ng gabi dito sa farm ay may uwi-uwi akong pagkain. Pagod kasi talaga ako, dahil sa paghahakot at sa biyahe namin ni Miss Skyla. Kahit gabi at pagod, sinilip ko pa rin si Lola Igna sa kuwarto niya. Nakita kong gising pa ito at nagbabasa ng libro. Siya naman ‘yung matanda na, pero malinaw pa ang mata sa gabi. Alam na alam ko na

