Skyla’s POV Sa wakas, hawak ko na si Ate Kate at ganoon na rin si Lucca na siyang pinakahinahanap kong tao simula nang mamatay ang lolo ko. Nakakulong ngayon sa isang kuwarto si Ate Kate. Ganoon din si Lucca. Wala pang alam sina Kyla, Simon at Kathleen na narito na rin si Kate. Sa ngayon, hindi ko muna sasabihin para hindi sila umalma at mangiala. “Skyla?” Napalingon ako sa likuran ko nang tawagin ako ni Suzana. “Bakit? May problema ba?” tanong ko. “Si Kathleen kasi, parang ang hina-hina simula kahapon. Pina-check ko siya sa nurse natin dito, ang sabi niya nagiging worse na habang tumatagal ang sakit niya,” sabi niya. “Kaya mahirap talaga ‘yung paiba-iba ka ng gamit ng lalaki. ‘Yan ang pinakanaka-katakot na sakit. Sige, titignan ko siya, baka hindi pa ‘yan nagkakakain at nakakainom ng

