Skyla’s POV “Buksan mo na ang bintana dito, Lucio at sigurado akong malamig na,” utos ni Mama kay Lucio. Narito na kasi kami sa Baguio. Sumunod naman agad si Lucio kay Mama. Pagbukas nito ng bintana, naramdaman agad namin ang malamig na simoy na hangin dito sa Baguio. Napahinga tuloy ako ng malalim dahil ang sarap yumakap sa balat ng malamig na klima dito sa Baguio. Narito na kami sa ulo ng lion na kung saan ay kapag nakita mo na ito, sign ‘yun na narito ka na nga sa Baguio. Ang daming tao sa labas para mag-picture-an sa malaking ulo ng lion. Pami-pamilya ang narito, mayroon ding mga magbabarkada at siyempre, karamihan ay ‘yung couple-couple. Lahat suot-suot ang magagandang ngiti nila. Lahat masaya dahil alam nilang nasa Baguio na sila. Pero bakit itong driver namin na si Lucio na first

