Lucio’s POV Pag-uwi namin ni Lola Igna ay kinausap ko na siya tungkol sa pag-aaya sa akin ni Tita Layla sa Baguio. Pumayag naman siya pero bago siya tuluyang pumasok sa kubo niya ay kinausap niya muna ako nang masinsinan. “Apo, may something sa ina ni Skyla. Parang…parang kung minsan ay iba ang tumatakbo sa utak niya. Saka, parang ayaw pa niyang mag-asawa ang anak niya. Kanina, panay ang banggit niya na gusto niyang magbakasyon ng ilang taon sa ibang bansa. Silang dalawa lang at hindi ka manlang binabanggit. Doon pa lang sa mga salitaan niyang ‘yun, para bang naamoy kong hindi pa siya handang magsyota ang anak niya.” Sinasabi ko na nga ba’t may masasabi at masasabi si Lola igna. Magaling din kasi kikilatis ng tao itong lola ko. “Huwag po kayong mag-alala, sigurado naman akong magagawa

