Lucio’s POV Kahit init na init ako sa pag-iihaw, hindi mawala-wala ang ngiti ko sa tuwing titignan ko si Skyla. Libang na libang kasi siya sa mga ginagawa rito sa ilog. Tuwang-tuwa rin ako dahil magkatuang kami sa mga ginagawa rito. Tinutulungan niya talaga ako para hindi ako mahirapan. Isa pa, ito ‘yung babaeng talagang hanap ko. Hindi ‘yung pasarap lang sa buhay ang ginagawa. Si Skyla ‘yung taong bilyonaryo na hindi pala maarte. Sa nakikita ko kasi, sinasabayan niya rin ang mga trip ko. Hindi rin nga ako makapaniwalang mapagsasaing ko siya ng kanina ng kanin. Tila pinag-aaralan din niya ‘yung mga gawain na kadalasang ginagawa ng mga gaya naming mahihirap. Aba, dapat lang dahil kapag mag-asawa na kami, kapag may mga ganitong naging ganap ulit, sanay na siya, hindi na niya kailangan pang

