Skyla’s POV Kumakain na ako ng overnight oats habang in-edit ko sa cellphone ko ang video ni Donya Kyla habang palihim na hinahakot ang isang itim na bag, na kinuha niya nang isang gabi sa gold room. Masyado siyang panatag sa sarili niya dahil pumasok siya roon nang hindi manlang nagtatakip ng mukha. Mabuti na lang talaga at magaling si Lucio sa part na bago niya sinira ang mga computer at cctv footage ay nai-save niya ang ilan sa mga naganap dito sa mansiyon nitong mga nagdaang linggo at araw. Dahil tuloy doon ay matutuloy na ang plano ko. May ebidensya ako sa ibibintang kay Donya Kyla. Matapos kong i-edit ang video, dali-dali ko na rin itong pinasa kay Don Simon. Mabilisan lang ang ginawa ko dahil alam kong ipapa-detect niya agad ang dummy account na gamit ko. Pagka-send ko sa kaniya n

