Lucio’s POV “Naiisip mo ba ‘yung naiisip ko?” tanong ni Skyla kaya napatingin ako sa kaniya. “Ang alin?” Naguguluhan ko namang tanong sa kaniya. Tumayo siya at saka kinuha ang cheke sa akin. “Alam mo kasi, hindi naman ganiyan si Levi. Suplado ito at palagi siyang walang oras sa mga walang saysay na bagay-bagay. Kung binigyan ka niya ng ganiyang kalaking pera at kung nag-aksaya siya ng oras na sagasaan pa si Benjie, ibig sabihin maaaring tama si Lisa. Baka nga kakambal mo si Levi,” sabi niya pero hindi ako nag-react. Kahit totoo ko pa siyang kapatid, huwag na lang. Hindi ko ipagsisiksikan ang sarili ko sa pamilyang ‘yun kung madadamay naman ang mga mahal ko sa buhay. “Kung siya lang naman din ang magiging kapatid ko, hindi na lang. Sa mga nakita ko at narinig sa kaniya, hindi ko na rin

