Skyla’s POV Sinama ko si Mama dito sa rehabilitation center para bisitahin si Lucca. Sabi ni Mama, ito na raw ang tamang oras para ipakilala na ako sa kapatid ko. Sa totoo lang, kinakabahan ako dahil hindi ko alam kung tatanggapin ba niya ako o hindi. Pero ang sabi naman ni Mama, matagal na raw akong gustong makita at makilala ni Lucca. Kung sa kaniya lang daw, tila mas mahal na mahal pa ako nito dahil simula pa raw noon, litrato nung baby pa ako ang palagi nitong wallpaper sa mga nagiging cell phone niya. At ito rin ang panay ang hanap sa akin noong highschool pa siya. Hindi nga lang daw masabi ni Mama sa kaniya ang totoo dahil ayaw niyang manggulo si Lucca sa pamilya ko noon. Sa una, hindi agad ako humarap. Si mama muna ang humarap sa kaniya. Narito ako sa gilid, titingin-tingin sa kan

