Lucio’s POV Busy si Skyla kaya sinamantala ko ang pagkakataon na puntahan si Levi. Mabuti na lang at sumagot sa akin si Lisa sa chat message ko sa kaniya sa social media. Nakakatuwa nga dahil in-add pa niya ako matapos akong mag-chat sa kaniya. Sinabi niya kung saan ko matatagpuan ang bahay nila Levi Conrad. Mula sa farm namin hanggang dito sa kanila ay halos isang oras ang biniyahe ko. Napanganga ako sa laki ng mansiyon nila. Gate palang, lula na ako. Lumapit sa akin ang security guard dito. “Anong kailangan niyo, sir?” tanong nito at nagulat pa siya nang makita ako nang buksan ko ang bintana. “Naku, kayo ho pala, Sir Levi. Pasensya na, nagulat lang ako at bago pala ang kotse ninyo,” sabi niya kaya napangisi ako. “Hindi ho ako si Levi,” sagot ko naman agad sa kaniya. Nakita kong napaka

