Chapter 76

2371 Words

Lucio’s POV  Napaaga ang uwi namin sa bahay dito sa Baguio dahil kay Lisa. Dapat mamayang gabi pa eh, kaya lang tila madaling-madali itong si Lisa na makausap ako. Pinagkakakabahan tuloy ako. Kasi, hindi naman siya mag-aaksaya ng oras at pagod kung wala naman saysay ang pinuntan niya rito. Nagtitimpla ako ng kape dahil gusto raw nila Skyla at Lisa ng mainit-init na kape. Naroon sila sa sala, nag-uusap na. “Lucio, ikaw, ha! Bakit nagbayad ka ng sampung libong piso kanina sa restaurant? Ginulat mo kami ni Skyla,” sabi ni Tita Layla nang lapitan ako dito sa kusina. “Wala po ‘yun, tita. Saka, nakakahiya na rin po kasi dahil puro si Skyla ang naglalabas ng pera,” sagot ko habang naglalagay ka ng kape sa mga tasa. “Okay lang ‘yun, anak. Kasi, inaya ka namin, ibig sabihin ay talagang kargo

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD