Chapter 23
Di makasagot ito sa tanong ni Xaviar at hinila ni Aura si Sabrina papunta sa pintuan.
“A-Ah ehh… baka busy kayong dalawa at maistorbo naming kayo.”
“Paano naman ang pagkain niyo— “
“Di okay lang busog naman kami diba?” pagputol ni Aura sa kaniyang sinasabi at tumango lang din si Sabrina at ngumiti ng hilaw sa kaniya.
Dinilatan ng mata ni Lucas ang dalawa na nasa pinto at kinindatan nito si Lucas saka umalis na ang dalawa na kinikilig din sa dalawang naiwan sa loob ng kuwarto.
Lucas awkwardly scratches his nape and Xaviar is also shock that the two leaved immediately.
Is this the sign that she is saying?
Neither of the two wants to speaks then Lucas just gets his diary and his pen.
Dear Diary,
Matagal-tagal din kitang di nabuksan, pasensiya na dahil medyo busy na ako sa school.
I cannot even get off it to my head, bakit ako nagpadala kay Xaviar noong araw na iyon? At ano itong sign ni Aura at akala ko nung una ay tsumamba lang ang gabing yun?
This happened again for the second time! I cannot even sleep thinking that he will do it again to me.
I start to develop my feelings to him from the beginning but why I am hating him so much this time?
Ganun ba talaga pag sa love? Ganun ba talaga yun? Di ko akalaing sa ilang taon na kitang kasama at nagsusulat sayo di na namamatay nag pag-ibig?
I once said to myself that love is fading away dahil sa sinasabi ni Mom.
Bakit ganito? I am always mean to him but he is not giving up? Is that what maturity, o ako lang ang matigas ang ulo?
Namamatay ang pag-ibig dahil wala na silang pake sa isa’t-isa like Mom and Dad pero this time.
Love is blooming to the both of us, and it is Xaviar Copper.
One more sign God and I will confess to him what I really feel towards him.
-Love, Lucas
He closed his diary and Xaviar goes close to him giving him some food to eat.
“Busy ka yata.” Pasinggit nito at di sumagot si Lucas.
“Ang suplado mo naman baby boy.” Pinisil nito ang kaniyang pisnge at nagulat ang isa sa kaniyang ginawa.
Lucas just do some selfie and post it to his i********:.
Another day… tiresome…
He put is as his caption and some minutes later it gets some thousands of likes.
Xaviar get his phone and looks at the post of him.
Ngumiti ito at humiga. Pasimple itong nag selfie na kasama si Lucas sa likod nang di niya namamalayan at nilagay sa kaniyang story.
Ang suplado naman ng kasama ko.
Nilagay niyang caption sa kaniyang i********: story at nakita naman ni Lucas na nag-appear agad sa kaniyang bilog sa itaas ang story ni Xaviar saka niya ito pinindot para tingnan.
Laking gulat nito nang ganun ang kaniyang pinost.
Tumingin ito sa gilid at nag s-scroll ang isa sa kaniyang phone.
Sinipa ni Lucas ang kaniyang puwetan at nahulog ito sa kama.
“HUY! ANO YUN?!” sobrang nagulat si Xaviar at tumingin agad kay Lucas na nasa taas ng kama.
Tiningnan niya ng masama ang isa at ngumiti ito ng hilaw sa kaniya.
Xaviar looks at his story and Lucas is one of the viewers of it. Napakamot ito ng kaniyang ulo at nakita mo pala?
“Bulag ba ako para di ko makita ha?” maangas naman nitong tanong at lumapit si Xaviar sa kaniya para hawakan ang kaniyang ulo.
“Bakit ang sunggit mo na saakin? Babalik nalang ako sa kuwarto ko dati baka ayaw mong may kasama dito.” sabay sabi nito at di na siya sumagot pa.
Lumabas si Xaviar at marahang sinarado ang pintuan. Parang binuhusan ng malamig na tubig si Lucas dahil sa kaniyang narinig at ginawa.
Di ito nakagalaw pagkatapos ng ilang minuto.
Nag sink-in na lahat ng nangyare at pumaripas ito ng takbo sa labas. Nagtanong sa guard.
“Kuya? Nakita mo ba si Xaviar?!” nahihingal nitong tanong at di naman agad nakasalita ang guard.
“Sir, bago lang akong dating di ko ho alam kung saan si sir Xaviar pumunta.” sagot naman nito at napalunok nalang ito dahil sa kaniyang ginawa.
Tiningnan niya ang kaniyang cellphone at agad naming bumungad ang story ni Xaviar. Dali-dali niya itong binuksan at nakita ang isang boomerang na papunta sa embassy.
Pumaripas ng takbo si Lucas para puntahan siya. Bawal ang tumakbo sa kaniya pero pinilit niya ito para maabutan si Xaviar doon.
Nang maka-akyat ito ng overpass ay tinanaw niya ito pero wala siyang Xaviar na nakikita. Sa kaniyang pagkababa ay busy siya kaka scroll sa kaniyang cellphone, nang merong dalawang lalaking nag-abang sa kaniya.
Inakbayan siya nito at bigla niyang napansin na merong kung anong matalim ang nakatutok sa kaniyang bewang.
Napahinto ito at nanginginig ang kaniyang tuhod sa nangyayari.
“Wag kang sisigaw, akin na cellphone mo.” sabi ng holdaper at nanginginig ang kaniyang bibig at hinawakang maigi ang kaniyang cellphone.
“Wag ka nang pumalag, ibigay mo na yan kung ayaw mong masaktan.” Naramdaman nitong merong tumutusok sa kaniyang gilid at ramdam nito ang dulo ng patalim na malamig sa kaniyang balat.
Walang taong dumadaan at kinapaan siya ng isa saka kinuha ang kaniyang wallet sa bulsa.
“Kuya maawa kayo sakin yan nalang pera ko.”
“Wala akong pake-alam akin na yan!” sigaw ng isang holdaper at parang mahihilo so Lucas dahil di niya alam ang gagawin.
Pinilit na kinukuha ng isa ang kaniyang cellphone at di niya ito binibigay.
Biglang natumba ang isa nitong kasama sa lupa at nagulat ang isa nang merong isang kamay na nakahawak sa kaniyang balikat.
Tinulak ito ni Lucas at napunta ang isa sa taong nasa likod nila.
Agad naman itong sinipa sa tuhod at natumba dahilan kung bakit ang kaniyang paa ay nabali.
Sumigaw ito sa sobrang sakit at kinuha ni Lucas ang kaniyang pitaka sa lalaking naka handusay sa lupa.
Sinipa nito ang hawak na kutsilyo ng holddaper at inagaw ang cellphone.
Nanginginig itong naupo sa gilid habang iniinda ng holdaper ang sakit ng kaniyang baling paa.
“Ayos ko lang… baby boy?” laking gulat ni Lucas nang may isang pamilyar na boses ang nagsambit ng tawag sa kaniya ni Xaviar.
Naka sombrero ito at nang tanggalin niya ay bumungad ang guwapong mukha ni Xaviar.
Napa nga-nga naman ito sa kaniyang nakita at dumating ang isang patrol na saktong naglilibot sa may Manila Bay.
Pinasama silang dalawa sakay ng Police mobile at nauwi sa prisinto ang dalawa.
Hanggang ngayon ay tulog parin ang isa sa ginawa ni Xaviar. Di na muna nagtanong si Lucas hanggang umareglo na ang dalawa at na ipost sa social media ang nangyare.
Umalis na ang dalawa sa presinto at dumiretsiyo ulit sa Manila Bay.
Habang naglalakad ang dalawa ay di na namalayan ni Lucas na merong sampung missed calls ito kay Aura, Sabrina at Madam Lou.
Nagulat naman ito at dumiretsiyo sa sea wall para umupo.
Nagtataka naman ang isa sa kaniyang kinikilos at biglang tumawag si Madam Lou.
[Lucas are you okay?!] tanong ni Madam Lou at nag aalangan si Lucas na sumagot.
[A-Ayos lang ako Mom! Don’t worry.] sagot naman nito ng mahinahon at di halos marinig ni Madam Lou ang kaniyang sinasabi.
[Di kita marinig masyado asaan ka ba?]
[Mom nasa Manila Bay ako!] sigaw nito at na klaro naman ang kaniyang sinasabi.
[Mabuti na kita kaagad nang mga pulis!] pag-aalala nito.
[X-Xaviar saved me Mom.] He awkwardly said in a stuttering voice and Xaviar felt moved when he said his name.
He looks at him and Lucas is blushing especially his ears.
Xaviar smiles and listen to them.
[Kaka-usapin mo siya?]
[Oo, ibigay mo muna.]
Tinanggal na ni Lucas ang cellphone sa kaniyang tenga at inabot kay Xaviar ang kaniyang cellphone.
[Hello Tita?]
[Xaviar thanks God at nanjan ka!] naiiyak na siya sa sobrang pag-aalala kay Lucas.
[Mabuti at nakita ko siya kaagad Tita.]
[Thank you so much Xaviar.] umiiyak na si Madam Lou sa tawag at ngumiti lang ng marahan si Xaviar sa kaniya.
Lucas cannot find the words to say to him.
[Aalis na ba kayo bukas? May pera jan kay Lucas I will transfer some money to your account, libangin mo muna anak ko ha. Also, prayers for your family.]
Biglang kumurot ang puso ni Xaviar sa sinabi ni Madam Lou.
[I don’t do it for them; I am doing it for him, Tita.]
The call drops and Lucas is shocked to what he heard earlier.
Tumingin si Xaviar sa American Embassy at ganun rin si Lucas.
“You know; I will go there soon.”
“Why?”
“Because the family of my father is giving me a new life in America.”
Biglang may kung anong hangin na tumama kay Lucas at tumulo ang kaniyang mga luha.
He sobs and Xaviar notices it. He looks at his back and he sees Lucas wiping his tears.
“Bakit ka umiiyak?” tanong nito.
“Wala thank you kanina.” A soft voice coming from Lucas making his heart moved.
Inakbayan ni Xaviar si Lucas at nakaramdam ang isa ng comfort sa kaniyang piling.
“Ma swerte ka at ako ang nakaligtas sayo. Baka saan kana pupulutin.” Maharanang sabi nito na merong isang pagsesermon.
Niyakap ni Lucas si Xaviar. Laking gulat nito nang humikbi ito sa kaniyang balikat.
He never ever thought that he will be like that. Xaviar hugs him back and pats his beefy back.
“Let’s go gusto mo na ba umalis ngayon papunta Baguio?” tanong ni Xaviar at tumango lang si Lucas.
“Birthday mo na pala bukas.” sabi nito at napangiti nalang si Lucas.
“Yeah, ano pa hinihintay mo? Alis na tayo.” Lumakad na ito papalayo at napa ngiti nalang si Xaviar sa kaniyang naririnig.
He is such a cute baby
“Wait for me baby boy!”
NAG-EEMPAKE na ang dalawa sa dalawang araw nilang pag stay sa Baguio at sinuot ni Lucas ang kaniyang H&M na jacket.
Ilang minute lang ang kanilang tinagal sa loob ng bahay at lumabas na.
“Excited ka yata?” pagbasag ni Xaviar sa katahimikan ni Lucas at natawa lang ito.
“Di naman, just paying your kindness.” He said sarcastically and Xaviar locks the door.
He gets closer to him and whispers to his ear. “You are so moved right? Let me grab your ass.”
Hinawakan ni Xaviar ang pwet ni Lucas at nagulat ito sa kaniyang ginawa.
“Manyak!” Tinaas nito ang kaniyang kamao at akmang susuntok pero nahawakan agad ito ni Xaviar.
“Mapanakit ka talaga, gusto mo ba na gawin ko sayo yung ginawa ko sa lalaki na bigla nalang natumba sa lupa?” he smirked then Lucas walks away.
Napapa-iling nalang siya kay Xaviar at iniwanan sa guard ang susi ng kanilang kuwarto.
“San kayo pupunta sir?” tanong ng guard na naka bantay.
“Baguio kuya.” sagot naman nito.
“Ang layo nun ah! Sakto yan para pagising niyo sa bus nandun na kayo. Inggat kayong dalawa!”
Lumakad na ang dalawa at kumuha ng Grab para sumakay papuntang Cubao.
Sa tahimik at malamig na gabi at naramdaman ni Lucas ang pagpapahalagang pinapakita sa kaniya ni Xaviar.
“Nandito na tayo.” Bumaba na ang dalawa saka sumakay sa bus papuntang Baguio.
Pumuwesto ang dalawa sa gitna at magkatabing umupo.
“Doon ka sa kabila.” pagrereklamo ni Lucas at mas umusog sa kaniya si Xaviar.
“Ayaw ko nga.” sagot naman nito at tiningnan ng masama ni Lucas si Xaviar dahil nang tumingin ito sa ibang direksiyon.
“Doon ka sabi,” pagrereklamo parin ni Lucas pero nilagyan lang ni Xaviar ng earphones ang kaniyang tenga para di marinig ang reklamo ni Lucas.
“f**k you.”
“Ano? Di kita marinig baby boy.” Pangbabara naman ni Xaviar at tumingin nalang si Lucas sa bintana at nag upload ng picture para sa kaniyang i********: story.
Paalis na! Goodbye for now Manila, see you in a bit Baguio!
Madami ang nag message sa kaniya na mag-ingat at nag direct message sa kaniya si Aura at Sabrina.
[Lucas inggat! Inggatan mo boyfriend mo ha!]
[Lucas dahan kamong daywa!] (Lucas dahan kayong dalawa)
He smiles and replied to them.
[Thank you guys! Dadalahan ko kayo ng pasalubong pauwi.] natatawa nitong reply at umandar na ang bus.
Habang umaandar ang bus ay napansin nitong nakatulog na si Xaviar.
He smiled to him while looking at his handsome face. He gets his phone and take a picture of Xaviar.
He is laughing silently while editing his photo into a meme.
Habang tulog si Xaviar ay umusog ito kay Lucas at nakahiga sa kaniyang balikat.
Namumula namang kinuha ni Lucas ang kaniyang cellphone at kumuha ng picture sa kanilang dalawa.
Mabuti at aircon ang bus at kinuha nito ang kaniyang diary.
Dear Diary,
Di ko alam ang sasabihin pero sobrang salamat dahil iniligatas ako ni Xaviar kanina.
Di ko alam paano babayarang ang utang na loob ko sa kaniya pero sana di siya magbago.
Sana rin makapunta ako sa loob ng American Embassy para makita ko na rin si Papa sa America.
I hope this time will be more enjoyable.
Happy Birthday to me.
He closes his diary and put it inside his bag.
Lucas gets the other earphone from Xaviar’s ear and listen to the song he is playing.