Chapter 22: Chzean "NANDITO na naman po ako?" nakangusong tanong ni Bon sa akin nang mapansin niyang nasa hospital na naman siya. Nagising siya noong 8PM at hindi pa man nakadilat ang mga mata niya ay alam na alam na niya kung nasaan siya sa mga oras na ito. Hindi na sumama si Azriel, sa halip ay nakitulog na lamang sa mansion nina Raven. "Mommy, pakiramdam po ni Bon ay magiging house ko na ito forever," sabi pa niya. Hindi tunog na malungkot, dahil tila nagre-reklamo pa siya. "Ayaw mong makakakita ulit?" tanong ko sa kanya at umupo ako sa kama para yakapin siya. "Gusto ni Bon, mommy," malambing na sabi niya at humilig sa dibdib ko. "Mommy?" "Hmm, baby?" "Possible po ba na magkakaroon ka pa ng baby sister?" tanong ng anak ko sa akin. Baby sister? Sa dami-rami nang puwedeng itano

