bc

A Wife's Cry (COMPLETED)

book_age16+
2.1K
FOLLOW
7.2K
READ
second chance
brave
self-improved
CEO
drama
loser
realistic earth
office lady
like
intro-logo
Blurb

TRIGGER WARNING

It is a mistake to hide the fact that you knows it will hurt the person you love, you should be aware of the consequences, and it's also stupid to be led by anger because you know that if you say something bad, someone will get hurt.

Aleixha Medley Altaraza-Sullivan was one of the people who hid the truth and her husband Laven Oscar Sullivan was among the people who believed the lie.

How can they fix the things they think they both broke?

Will they continue the regret they feel or choose to just forgive each other for the sake of their children?

chap-preview
Free preview
PROLOGUE
PROLOGUE "HONEY!" masayang tawag ko sa asawa ko nang makita ko siyang umuwi na sa mansion namin at hindi ko na napigilan pa ang sarili ko. Sinalubong ko kaagad siya nang mahigpit na yakap at sinubsob ko ang mukha ko sa dibdib niya. May umagos na namang luha sa aking pisngi, hindi na dahil nasaktan ako kasi miss na miss ko na siya. Napaluha ako dahil umuwi pa rin siya. Bumalik na siya, bumalik na siya sa akin. "Laven, I miss you, so much, honey!" sabi ko at hinigpitan ko pa ang pagkakayakap ko sa baiwang niya. Naramdaman ko ang paggalaw ng magkabilang braso niya at inaasahan ko na ang pagyakap niya sa akin pabalik. Pero humawak lang iyon sa balikat ko at bahagya akong pinaatras. Saka siya lumayo sa akin, para akong batang naagawan ng laruan dahil sa ginawa niya. "Hon?" "Let's talk," malamig na sabi niya sa akin. Tila may kung ano na naman ng sumasakal sa akin at nahihirapan na naman akong makahinga. "P-Pakikinggan mo na ang paliwanag ko, hon? Bati n-na tayo ulit? Mapapatawad mo na ako? Thank you, Laven! I love you. I love you, so much hon!" lumuha pa ring saad ko. Lahat ng sakit na ibinigay niya sa akin two months ago ay biglang naglaho at napalitan na iyon ng sobra-sobrang galak at saya. "Thank--" "May nabuntis ako, Aly." Nawala bigla ang ngiti ko at feeling ko sa mga oras na iyon ay may sumabog na bomba sa utak ko at ang hirap maka-recover. Three words lang iyon pero sobrang lakas ng impact no'n sa akin. Parang humiwalay ang kaluluwa ko mula sa aking katawan. Ang bilis-bilis nang t***k ng puso ko at unti-unti na naman akong nasasaktan. "No!" sigaw ko at halos pumutok ang ugat ko sa leeg dahil sa lakas ng sigaw ko. "And she's Alica." "Laven! Hindi ganito! Hindi ganito ang gusto ko!" naiiyak na sigaw ko sa asawa ko. "Aly, you know how much I wanted to have a child! Pero hindi mo maibigay sa akin!" sigaw niya rin pabalik sa akin. Pinapamukha niya sa akin na gustung-gusto nga niya at hindi ko iyon kayang ibigay sa kanya. Pero hindi sa ganitong paraan! Hindi! Hindi naman talaga ganito ang gusto ko, eh! "Alam mo naman na hindi na ako magkaka-anak pa, eh! But...Laven, I don't like this..." may pagmamakaawang sambit ko habang lumalakas ang hikbi ko. Ang s-sakit naman no'n sa akin. Paano niya nagagawa ito sa akin? Asawa niya ako, a-akala ko ba mahal niya ako? "That's it! Hindi mo ako mabibigyan ng anak!" asik niya at sinabunutan pa niya ang sariling buhok. Halatang frustrated siya, eh. "Laven...puwede naman tayo mag-ampon, eh..." suggestion ko na mas lalo niyang ikinagalit. "I don't like that! Gusto ko 'yong sa akin, Aly, hindi mo ako mabibigyan ng anak kaya ako na ang lumapit kay Alica." Parang nadudurog ang puso ko sa ginawa ng asawa ko. Ramdam ko ang tila pinipiga ang puso ko. Ang sakit naman. "HINDI KO MATATANGGAP 'YAN, LAVEN! HINDI!" Bakit sa dinami- rami pa ang babaeng mabuntis niya ay ang pinsan ko pa? Bakit si Alica pa? Bakit siya pa...at kailan... "Laven..." Hinawakan ko ang paa ng asawa ko at hinayaan ang mga luhang lumandas sa pisngi ko. Napakasakit ang ginawa niya sa akin. "She's pregnant, Aly. Two months..." Tuluyan na akong napaluhod at napabitaw kay Laven. "Maghiwalay na tayo, I want to marry her, Aly. I'm sorry." "Laven! L-Laven, please!" tawag ko sa asawa ko at natatakot ako... Natatakot ako sa mangyayari. Tiningnan ko na lang ang asawa kong papalabas na sa bahay namin. Hindi ko siya kayang sundan dahil nanghihina na ang mga tuhod ko. Hindi ko matanggap. Laven...hindi ganito ang gusto ko, eh. Lord, bakit pinaparusahan mo ako ngayon? Mahal na mahal ko ang asawa ko... Huwag mo naman po siyang ilayo sa akin. Pakiusap... Huwag mo naman pong gawin ito sa amin. "Laven!" "Aly!" Humahangos na lumapit sa akin si Jullie. Sa tagal na hindi umuwi sa akin ang asawa ko ay rito na nanatili ang pinsan ko dahil baka raw kung ano ang gawin ko. "Jullie, p-pigilan mo ang asawa ko, pakiusap! P-Pigilan mo siya na huwag umalis!" "ALY, t-tama na, please... Tigilan mo na ito. H-Hayaan mo na ang asawa mo," umiiyak ding pakikiusap sa akin ni Jullie na mabilis na inilingan ko. "H-Hindi ko k-kaya, Jullie. Hindi ko po kaya... Mahal ko siya, m-mahal na mahal ko siya. Ikamamatay ko, J-Jullie... Ikamamatay ko kapag nawala siya sa akin!" hagulgol na saad ko pa rin. Nang makitang sinusubukan kong bumangon mula sa pagkakaluhod ko sa sahig ay mahigpit na yumakap sa akin ang pinsan ko. "No! Let me go! Pipigilan ko si Laven! Let me go, Jullie!" sigaw ko. Sa mga oras na iyon ay tila nawalan ako ng kontrol sa sarili. Para talaga akong baliw at takot na takot. Takot ako na maiwanan ng lalaking mahal ko. "LAVEEEN!" Nakita ko na naman ang sarili ko na lumuluhod sa harapan ng asawa ko na dala-dala ang isang naglalakihang maleta niya. Desido siyang umalis sa mansion namin. Desido siyang iwan niya ako. Handa siyang iwan niya ako... "Laven, please. H-Huwag mo namang g-gawin ito sa akin, p-pakiusap. M-Mahal kita, m-mahal na mahal kita, Laven..." umiiyak na pagmamakaawa ko. "Let me go, Aly. Hayaan mo na akong gawin ito..." tila nahihirapang sabi nito, humihikbing umiling ako. "H-Huwag naman, please? Dito ka na lang... Don't leave me... I can't lose you, honey... I can't," sabi ko at basag na ang boses ko. Hindi ko talaga kaya... Mas gusto ko pa ang mamatay kaysa ang tuluyan na niya akong iwan at pinipili niya ang pinsan kong si Alica. "Don't you love me, hon? B-Bakit ang dali-dali mong gawin ito? Bakit a-ang dali mong b-bitawan ako? M-Mahal mo pa ba ako?" "M-Mahal kita..." Lumakas ang iyak ko dahil sa narinig ko... "Nahihirapan din akong gawin ito...p-pero kailangan. H-Hindi tayo magiging masaya..." "M-Mahal mo naman pala ako. B-Bakit mo ako iiwan? D-Dito ka na lang... Bumalik ka na sa akin, please? Honey..." "Nangako na ako kay Alica, na sila ng mag-ina ko ang pipiliin ko..." Nabitawan ko siya dahil doon... "Matutunan ko rin silang mahalin, anak ko iyon... Sila na ang pamilya ko..." Napahawak ako sa dibdib ko, parang kutsilyo ang bawat katagang binibigkas niya. Ang sakit-sakit. "Ikakasaya m-mo bang b-bitawan ako?" garalgal ang boses ko nang itanong ko sa kanya. "N-naaawa, dahil h-hindi ko na matutupad ang pangakong ibinigay ko sa `yo. I'm sorry, Aly..." "Aly..." "Tinanong mo ba ako kung gusto ko `to? Tinanong mo ba ako na gusto kong makipaghiwalay sa `yo? Mahal kita, eh. Mahal na mahal kita na to the point wala ng natira sa akin. Dahil na sa `yo na lahat! Ibinigay ko na sa `yo! Lahat-lahat! Wala na...ubos na ako, eh. Ubos na ako, hon..." marahan na saad ko. "T-ngina mo! T-ngina mo, ang daya mo! T-ngina mo! T-ngina mong paasa ka! Sana hindi na lang kita nakilala! Sana hindi ka na lang dumating sa buhay ko! T-ngina mo, eh! P-nyeta ka..." pagmumura ko sa kanya.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
96.1K
bc

MAGDALENA (SPG)

read
30.0K
bc

The Ballerina's Downfall

read
81.4K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
175.9K
bc

His Obsession

read
104.0K
bc

The naive Secretary

read
69.7K
bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
29.1K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook