Chapter 35: Sorrow "ALAM MO bang pinagsisihan ko na nabugbog ko siya, Aly?" Napatingin ako sa kanya dahil sa sinabi niya. "Hinayaan niya ako na bugbugin ko siya. Puwede siyang lumaban, puwede siyang gumanti sa akin. But what did he do? He let me na para bang sumusuko siya, Aly. At nakita mo ba? Nakita mo ba ang reaksyon niya habang kasama mo ako?" Umiling ako dahil sa sinabi niya. Wala akong alam... Kasi hindi ko naman 'yon pinapansin. Hindi ko naman siya binibigyan nang atensyon. "Nasasaktan siya. Gusto ka niyang lapitan, para bang may sasabihin siya pero nanatili siyang naka-distansya mula sa 'yo. Aly, alam ko kung gaano ka nasaktan... Pero katulad mo rin siya... Walang perpektong tao sa mundo. Lahat tayo ay nagkakasala. Hindi natin 'yon maiiwasan, hindi natin maiiwasan ang magkamal

