Chapter 8: Savior Third person's POV GALIT na galit si Raven sa kanyang kapatid dahil sa pang-aapi sa asawa ng kuya niya. Wala na itong malay nang ihaon niya ito mula sa tubig. Nanghihina ito at nakikita niya ang pamumula sa mga pisngi nito. "What have you done, ate?!" pagalit na sigaw ni Raven sa kanyang mga kapatid. Maingat na binuhat niya ito at nakaramdam siya ng pagkaawa kay Aly. "Raven, bakit mo ba siya kinakampihan?! Sinungaling siya at niloko niya lang ang kapatid natin!" pasigaw rin na sambit ni Caiva at nanlalaki ang mga mata nito. "And it does it mean you can do anything with her? Kung nagsinungaling man siya ay wala pa rin kayong karapatan na saktan siya!" buong lakas na sigaw ni Raven sa mga ito. Hindi siya takot sa mga ate niya. May respeto naman siya sa mga ito pero

