Chapter 20: Meet again THIRD PERSON's POV "CLASSMATES tayo?" masayang tanong ni Chzean sa dalawang batang nakilala niya sa hospital. Tuwang-tuwa siya nang makita rito ang kambal. Nasa loob na sila ng classroom nila habang ang kanilang mga sariling yaya ay nasa labas lang na may kalayuan sa kanila. May mga bata na takot maiwanan ng mga yaya, may umiyak at natatakot pa. Ang iba naman ay excited pumasok kaya hindi maiiwasan ang mag-ingay ang mga bata sa loob ng classroom nila habang hinihintay ang class adviser nila. "Who are you?" malamig na tanong ni Azriel kay Chzean. Ngumiti lang ang batang babae. Tumabi sa kanila si Chzean. Dahil pang-tatlong katao ang upuan nila kaya naisipan nito na tumabi sa kanila nang upo sa halip na umupo sa tabi ng classmate nilang babae. "'Di ba, I alyeady

