"Uhmm. masyado pong elegante yung dating. I mean the persona used is overrated. Though I understand na yung aim ng campaign is to make the guest feel na first class ang service ng hotel; nagmumukha pong para lang sa may kaya ang service ng hotel." "So, ano sa tingin mo ang dapat na campaign?" " I guess it would be better kung ipapakita ng hotel na kahit sino ka, first class ang ibibigay na service sa'yo. A home away from home. Yung tipong wala ka sa inyo pero ang pakiramdam mo nasa bahay ka lang kapag narito ka. " "I see. Makes sense" Pagkatapos ng biglaang lunch date ay pinagpatuloy ko ang trabaho. Maagang natapos ang shift ko ngayon dahil maaga akong pumasok. Nasa taxi na ako nang madaanan ang isang pamilyar na lugar. Kaagad ko namang pinatabi ang taxi at bumababa ako. Napatitig ako

