"Cute ba para sa yo ang Pomeranian Breed?" ang sunod kong tanong sa kanya. Napakunot ang noo niya sa pagbalewala ko sa pag-uusisa niya. "Yeah. Ganun ang aso ni Trisha. Bakit ba? What's with the sudden dog topic?" Naikwento ko sa kanya ang asong binigay ni Aaron sa akin bilang regalo. Pinangako ko sa kanya na ako ang mag-aalaga at mag-aasikaso sa aso. Pumayag naman siya na magkaroon ng alaga sa apartment. Pagdating na pagdating namin ay sinalubong kami ng tuta. Kaagad kinarga ni Matt ang tuta at naupo sa sofa. "Caloy, anong pangalan nitong aso?" "Wala pa.Hindi pa ako nakakapagdecide between Sashi or Milo" "I prefer Milo; parang matt at Carlo: Ma-lo, Milo" ang suhestyon niya. Napangiti naman ako sa pagkaka-isip niya ng pingcombine na pangalan namin na hindi ako aware na milo ang kinilaba

