"Nope. Nabasa ko kasi yung nasa isip mo kanina nung bigla akong lumiko kaya pinagtripan ulit kita" ang natatawa niyang pagpapaliwanag. "Give me a break, matt-matt. Pati sa mismong birthday ko, wala kang patawad at nagawa mo na naman akong pagtripan" ang pagmamaktol ko. "I won't say sorry. Ikaw kasi stress reliever ko" "Yeah, right" Hindi nagtagal ay nakarating kami sa harap ng isang maliit na amusement park. Sarado na kaya walang katao-tao at ilaw. "Tara" ang yaya niya sa akin. Kaagad namang kaming bumaba ng kotse. "Matt, anong ginagawa natin dito? Sarado na kaya oh, "Akong bahala sa'yo. Relax ka lang" dumeretso kami sa guard house. Kaagad naman kaming pinapasok ng nagbabantay na guwardya. "Ito ang isa ko pang regalo" ang anunsyo niya. Sa isang iglap ay napuno ang amusement park ng

