Chapter Two

1051 Words
It's been three years since I last saw my dad. After that  visit, he never came back. My mom? She never came, as well. I haven't seen her in ages. I wonder if they'd come here tomorrow. Tomorrow's my birthday... but I am not expecting such a thing. Since the day I landed my feet in this hospital at the age of seven, during my birthdays, mag-isa na lang akong nag-ce-celebrate, include Ate Aazle, by the way. Imagine? Natiis nila akong hindi makasama nang matagal na panahon. Do they consider me as their child or not? Buti na lang talaga at lagi akong sinasamahan ni ate tuwing birthday ko. Hindi ako masyadong nalulungkot. Lagi siyang may dalang cake, mga pagkain at mga regalo; dresses, shirts, skirts, shoes and sandals. Fit lahat sa akin ang mga regalo niya. Minsan nga ay nagtataka ako kung paano niyang nabibili ang mga ganoon gayong hindi naman niya alam ang size ko. Everytime I think of my family, I cry a bit. Just a bit. I don't know why as days go by, I'm being less emotional in all things. Nagiging manhid na ba ako dahil sa palagi kong pag-iyak noon? Possible. Natigil ako sa pag-iisip ng kung anu-ano nang bumukas ang pinto ng room ko. There, nakita ko si Ate Aazle. As usual, nakauniporme na naman siya ng kulay puti. Ang cute lang niyang tingnan. Para siyang teenager sa lagay niya. Okay na sana ang lahat ngunit nang pumasok siya sa room ko ay may hawak siyang tray na naglalaman ng mga gamot na ituturok sa akin. Ang iba naman ay iinumin ko. "Medicine again?" I asked. "Yes. Kailangan mong uminom ng gamot kung gusto mong gumaling," nakangiting sagot ni ate Aazle. "Ate, ano po ang sabi niyo? Para gumaling ako? Hahaha! Nagpapatawa po ba kayo?" kunwari ay natatawang tanong ko sa kanya kahit halata namang peke. "No, I am not. Kailangan mo talagang uminom ng gamot para gumaling ka," sagot naman niya. Ang kaninang ngiti sa kanyang labi ay unti-unti nang nabubura. "How many times a day do I drink medicines? If those medicines would really  heal and save me from dying, then why am I still here? I should've gone to school. Sana ay nasa labas na ako ngayon, nakikipaglaro sa mga batang katulad ko," I said and heaved a sigh. Okay. I really do not get it. Why am I the only one suffering here? Bakit lagi na lamang ako ang nagdurusa? Bakit ako pa? Sa dinami-dami ng tao dito sa mundo, bakit sa akin pa kumapit si Kamatayan? "Look, Arantxa. Hindi naman kasi instant ang pagpapagaling ng mga gamot na ini-inject namin sa iyo, pati na rin ang mga gamot na iniinom mo. Kailangan mong maghintay na umepekto ang mga ito sa'yo," aniya habang nakayuko. Ang mga mata niya ay puno na naman ng lungkot. "Ate, do you care for me that much? Bakit ang bait-bait niyo sa akin? Bakit parang naiiyak kayo tuwing sinasabi kong mamamatay na ako? Are we related to each other?" sunod-sunod na tanong ko. Ang tanging ginawa niya lamang ay umiling nang umiling. "Bakit ba kasi, ate? Why the hell are you making it so hard for me to rest in peace, to say goodbye to this world? Do you really want me to suffer that much?!" "Look, Arantxa. Like I've told you before, I just want to make you feel loved. Wala akong intensyon na mas pabigatin ang kalooban mo. Isa pa, gusto ko lang talagang g-gumaling ka," mahinang sabi niya. Sa pagkakasabi niya ng salitang gumaling  ay doon na tumulo ang luha niya. Hindi ko alam kung bakit pero nalungkot ako. "Ate, ang bigat-bigat na talaga. Araw-araw, pagkagising na pagkagising ko ay ang unang lagi kong naririnig ay ang tunog ng makinang nakakabit sa akin. Bakit ganoon, ate?" walang emosyong sabi ko. "Well, that's life, Arantxa. God gave us all our own sufferings. Why do you think He did such things?" tanong niya habang matamang nakatingin sa akin. "I don't know and I don't get it. Ang sabi ni mom, God is our Father. He created us all and loves us unconditionally, but why is He doing such a thing? Hindi ba dapat ay hindi niya tayo pinapahirapan ng ganito, lalo na ako? Kung talagang mahal niya ako, bakit nagawa pa niya akong ipagkatiwala kay Kamatayan?!" pagkakasabi ko noon ay niyakap niya ako kaagad. "He did such things for us to become stronger. Kumbaga, pagsubok lang ang lahat ng ito. Hindi niya tayo pinapahirapan, Arantxa, bagkus ay tinutulungan niya tayo upang maging matatag... upang hindi tayo mabilis na sumuko sa darating pang mga problema. Kung ngayon ay nahihirapan ka na dahil sa sakit mo, how much more to those who are nearly dying?" "Am I not included in that case? I also am nearly dying." Kumalas siya sa pagkakayakap sa akin. Ngayon ay masama na ang tingin niya sa akin. "No, you are not. YOU ARE NOT DYING! NOT YET!" sigaw niya sa akin na ikinagulat ko. "Akala mo ba ay matutuwa ang pamilya mo kapag narinig nila ang sinasabi mo ngayon sa akin?!" "Haha. Don't make me laugh, ate. My family? Walang pakialam sa akin ang mga iyon," natatawang sabi ko. "They care for you, Arantxa," mahinahon niyang sabi. "Care... Do they even know the meaning of that word? Or... Do they even know that such a word exists? I bet they don't." "They do." "Then why the hell did they not visit me all those years that had passed?! Bakit?! Hindi ba nila inisip na may sakit na nga ako tapos wala pa sila sa tabi ko para alalayan ako? Don't they know that it hurts like hell?!" sigaw ko na naging dahilan ng panlalaki ng mata niya. Sasagot na sana siya nang bigla na akong tumalikod sa kanya at ipinikit na ang aking mga mata. Nagtalukbong ako at ipinatong ang unan ko sa aking tainga upang hindi ko marinig ang sinasabi niya. Narinig ko ang pagsara ng pinto kaya naman tinanggal ko na ang unan na nakatakip sa tainga ko at umayos ng higa. Hindi din nagtagal ay nakatulog na din ako. I won't hope for tomorrow's wellness. I know that they won't come. I also know that Ate Aazle hates me at the moment. How great will tomorrow be? #
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD