Seventh of August. That's the date today and it's my birthday. What's so special today? Nothing. This is more like a regular day. No more, no less.
I got up from bed and immediately headed in the bathroom. Dagli kong binuksan ang gripo na hugasan ng kamay at naghilamos ng mukha. After that, I turned my gaze on the mirror placed on the upper part of the faucet.
Nothing changed about my face. Still the old me. It's just that my skin is becoming fairer and fairer. Dahil ba ito sa hindi ko pakikipagkita sa araw o dahil sa sakit ko? Hmm... I wonder.
Ngumiti ako sa sarili. "Birthday, Arantxa," sabi ko sa repleksiyon ko sa salamin. Are you wondering kung bakit walang salitang HAPPY sa pagbati ko sa sarili? It is because I am not happy at all. This day is not filled with happiness, but loneliness.
Muli akong napatawa habang mataman pa ring nakatingin sa repleksiyon ko. "Akalain mo 'yon? Nakaabot ka pa ng sixteen years old. Haha. Nakakatawa naman! Bakit ba kasi hindi ka pa kuhanin ni God? What's the point of living in this hell-like place? Why do you have to continue living here? To suffer? How many sins did you have in your past life, Arantxa? I bet you were a badass. Haha."
Pagkatapos kong sabihin iyon sa sarili ay bumalik na ako sa kwarto. Kinuha ko ang cellphone ko at pinindot ang camera.
Sad pose... *click*
Agad kong ini-log in ang twitter account ko at ipinost ang litratong kinunan ko with a caption: Tanda na natin, self, nasa ospital pa rin tayo. Hayst! Sad birthday to me!
" ... retweeted your tweet."
"Demeeee liked your tweet."
" ... , Demeeee and 1.K others liked your tweet."
"507 retweeted your tweet."
"992 commented on your tweet."
Hayst! Ano ba naman 'tong mga 'to! Buti sana kung tinutulungan nila akong makatakas sa impyernong lugar na ito. Puro sila like, comment at retweet, hindi naman ako tinutulungan. Nakoooo!
Because of boredom, pinatay ko na ang phone ko at kumuha ng damit na pampalit. Bago ako maligo ay tinanggal ko muna ang dextrose na nakakabit sa akin kahit na binalaan ako ni Ate Aazle na huwag itong tatanggalin. Bahala na. Wala naman itong naitutulong sa akin, eh. Mamamatay din naman ako.
Hinubad ko na lahat ng saplot ko sa katawan at sinimulan nang magbuhos ng malamig na tubig sa katawan. Kasabay ng pagtulo ng tubig sa buhok ko ang pagtulo ng luha sa mga mata ko. Ang malamig na tubig ay naging mainit dahil sa mainit na luhang dumaloy sa mga pisngi ko patungo sa paa ko. Muli ay naramdaman ko ang sakit na palagi kong nararamdaman ngunit pilit na ikinukubli sa kasuluksulukang parte ng aking puso. All this time, I thought I am strong enough for not breaking down. All this time, akala ko ay manhid na ako dahil hindi ako umiyak ng ilang taon. Mali pala ako. Nagpapanggap lang pala ako na kaya ko na... na hindi na ako masasaktan pa. Nagpanggap ako to the point na pati ang sarili ko ay naloko ko na. Ang sakit! Sobrang sakit!
Napaupo ako sa sahig at humagulgol doon. Bakit ba kasi ganito ang hirap na dinadanas ko? Bakit kailangang mag-isa akong maghanap ng sagot sa mga katanungan ko? Bakit kung kailan kailangan na kailangan ko ng kasama, saka sila wala? Ganoon ba ako kawalang- kwenta sa kanila o sadyang ganito lang talaga ang kapalaran ko?
Bago pa ako tuluyang mawala sa sarili ay tumayo na ako mula sa pagkakaupo at naligo na. Bawat kuskos ko ng sabon sa aking balat at pagbuhos ng tubig sa katawan ay, pakiramdam ko, nalilinis ang aking isipan mula sa mga isiping ayoko nang isipin pa. After all that I've been through, I shouldn't be this weak. Kumbaga, wala na dapat epekto ang mga ito sa akin.
Isinuot ko na ang aking bestida na kanina ay inihanda ko at inihanda ang sarili sa paglabas sa kwarto ko. Well, I planned to go out today and walk around the hospital. I want to see how much it changed. I want to see how beautiful my world is.
Binuksan ko ang pinto ng aking kwarto. Akmang lalabas na sana ngunit agad din akong napabalik sa loob dahil sa aking narinig at isinara ito.
That voice... I will never forget how beautiful it is everytime I hear it. I know who is speaking behind that door!
Yes, someone from behind that door is someone I know. M-my mom... She's talking to Doctor Eusebio. What is she here? Is she here for me? Or... Is she here for the hospital bills?
As I thought of the last line that I spoke in my mind, sadness filled my heart, mind and soul. Biruin mo 'yon? Ngayon lang siya ulit pumunta dito after many years tapos dahil pa sa bill ko sa hospital? Sadya bang wala na siyang pagmamahal na natitira para sa akin?
I was about to run to my bed and cry my heart out continuously when I heard several knocks. My heart beat faster and faster as seconds pass by. I hate to assume that it's my mom who is knocking on the door, but as I think of that thought, I was very happy.
Nagtalukbong na lang ako at nagkunwaring natutulog upang hindi ako madismaya kapag nakita kong iba ang taong kumakatok sa pinto at hindi ang ninanais kong makita.
I heart a creaking noise, probably made by the door being opened. I also heard several footsteps coming towards my direction. Ramdam kong tumayo sa side ng kama ko ang taong pumasok sa kwarto ko ngunit sa halip na tingnan ko kung sino ito ay nanatili akong nagpapanggap na natutulog.
"Arantxa..."
"Arantxa..."
"Arantxa..."
I was dismayed upon hearing the voice of the person standing beside my bed. Para akong binuhusan ng malamig na malamig na tubig dahil sa narinig ko. Not as I expected, it was my doctor. He tried to wake me up, but I still did not let him expose my play pretend.
In my mind, I kept on praying to God for my doctor to leave. I want to be alone. I want to cry... badly.
Hindi pa man nagtatagal ang pananatili ni Dr. Eusebio sa kwarto ko ay nakarinig na ako ng mga yabag ng kanyang mga paa papalayo ngunit hindi ko narinig ang pagsara nito. Gayunpaman ay hindi na ito naging dahilan para mapigilan ko ang pagtulo ng aking mga luha.
Umiyak ako nang umiyak... walang tunog, walang ingay. Ganito na ako ngayon, eh. Hindi ko alam kung bakit sa bawat pagpatak ng luha ko ay may biglang sakit akong nararamdaman sa puso ko. Para itong tinutusok, sinasaksak ng kutsilyong napakatulis. Pakiramdam ko ay hindi na ako magigising pa sa oras na maipikit ko ang aking mga mata.
Maya-maya pa ay bigla na lamang may naramdaman akong kakaiba sa aking silid. Parang mayroong nakatitig sa akin ngunit hindi ko mawari kung sino at kung mayroon nga ba. Someone sat on the corner of my bed. Bigla na lamang kasing medyo lumubog ang dulong parte ng kama ko kaya nalaman ko.
As seconds pass by, the air in my room becomes cooler. Ang ipinagtataka ko lang ay kung bakit ako pinagpapawisang gayong mas lumamig nga ang hangin. Is something bad going to happen? Is somethi---
"Arantxa, my baby..."
Natigil ako sa pag-iisip ng kung anu-ano nang marinig ko ang boses na iyon. Iyon na iyon ang boses niya... ang boses ni mom. Ang boses niya ngayon ay parang nalulungkot, nagdadalamhati. Para siyang naiiyak.
Mom! W-Why is your voice like that?
"Arantxa, anak. K-Kumusta ka na? B-baby pa alng kita noon tapos n-ngayon, dalaga ka n-na. Ang b-bilis naman ng panahon. Dapat kasi wala ka dito, eh. Dapat kasama ka n-namin ng d-daddy mo," tumigil siya at muling humagulgol. Hinawakan niya ang kamay ko at hinalikan ito.
Silly, mom. You were the one who pushed me to stay here in this hospital! I heard you talking to dad the same night I landed my feet in this place! Huwag ka nang magtaka kung bakit hindi mo nasilayan ang pagdadalaga ko. Kasalanan mo naman lahat, eh!
"I never intended to push you to live in this place. This place is a crap for you, I know that, but this is the only place where you can be healed. I know that you resent me, but I am begging you not to. Please, Arantxa, baby, huwag kang magalit sa mommy mo," muling sabi niya.
You know that this place seems like a crap to me yet you still didn't get me out of here. Healed, you say? If this place heals me, then why am I still here?! Hindi ba dapat ay nasa labas na ako ngayon kasama kayo? Takte naman, mom! Natiis mo akong hindi makita sa loob ng siyam na taon tapos makikiusap ka sa akin na hindi ako magalit sa iyo? Are you making me laugh so hard?!
Dahil sa galit ay maingat kong iniawang nang kaunti ang kumot na nakatalukbong sa akin at sinilip ko ng kaunti ang kanyang mukha. Nagulat ako nang makita iyon. Ang laki ng ipinagbago niya. Napakapayat na niya ngayon kumpara noon. Bakit naging ganito na siya? Ano ang nangyari sa kanya na hindi ko alam?
Mom, what happened to you?
"Hon, tulog pa rin ba siya?"
Maya-maya ay may bigla na lamang akong narinig na yabag ng paa. It's dad.
"O-Oo, eh. Buti na lang talaga at tulog pa siya nang pumasok ako rito. Dahil kung hindi ay baka hindi ko na kayanin pang maglakad papalayo sa kanya at mailabas ko siya rito sa ospital. H-Hon, bakit ang bigat sa pakiramdam na makita siya sa ganitong kalagayan? B-Bakit?" tanong niya at muli kong narinig ang kanyang iyak.
"Shh, tahan na. Sa tingin mo ba ay matutuwa siya kapag nakita ka niyang umiiyak?" pagpapatahan sa kanya ni dad. "Kumain ka na muna. Hindi ka na naman kumain kagabi at noong mga nakaraan pang araw," dagdag pa niya.
Nanlaki ang mga mata ko sa narinig. Hindi siya kumakain? Dahil na naman sa akin kung bakit napakapayat na niya ngayon?
"Sa tingin mo ba ay kaya kong lunukin ang pagkaing nakahain sa hapag-kainan habang naiisip ko ang kalagayan niya dito? Ni isubo ang ang pagkain ko ay hindi ko magawa. Tapos ngayon ay pipilitin mo akong pakainin? Nagpapatawa ka ba, ha, Josh?"
"Araw-araw naman natin siyang nakikita, ah. Halika na muna, kakain muna tayo."
Araw-araw nila akong nakikita? May CCTV ba dito sa silid ko? Bakit hindi ko alam iyon? Kabisado ko na ang bawat sulok ng kwarto kong ito. Kahit na nakapikit pa akong gumalaw-galaw dito ay hindi ako mauuntog sa kahit na ano pero ni minsan ay hindi ako nakakita ng CCTV o camera dito.
"Ayoko," matigas na sabi ni mom.
"Huwag mo akong galitin, Lia. I'm at my peak at sinisiguro ko sa iyong hindi mo gugustuhin ang mangyayari sa iyo kapag hindi ka kumain ngayon din!"
"Do everything that you want, Josh. I am not leaving!"
"You are leaving with me or you are living with me, Lia Quizon?!"
"Whatever you say, I won't leave my daughter here alone."
"Jesus Christ, Lia! Ano ba ang nangyayari sa iyo?! Araw-araw tayong narito para bisitahin siya at ipagdala ng mga prutas pero ngayon mo lang ayaw umalis. What the hell is wrong with yo---"
"Everything is wrong with me, Josh Quizon! I am a complete mess! Don't you get it?! An hour a day is not enough for me to be with her! I need every second of the day to be with her! Kung hindi mo ako naiintindihan, mas mabuti pang umalis ka na lang dito!"
"So, you want me to leave? God, Lia! Ano na namang ka-immature'an ang pumapasok sa kukote mo?! Hindi ba't napag-usapan na natin ito?"
"Yes, we talked about it. So what? Is being with her bad? As a mother, I am not being immature. I am caring. I care about her more that anything else in this world! Kung alam mo lang ang hirap na dinanas ko noong mga panahong dinala mo siya sa ospital na ito... Kung alam mo lang!"
"Fine. I'll let you stay here for another hour. Hindi naman natin kailangang mag-away, eh. I'll just go to buy us something to eat," dad said in a low, baritone voice. Siya na ang nagpakumbaba dahil alam niyang hindi niya matatalo si mom.
But it is least of my concern right now. Ang pumukaw sa atensiyon ko ay ang sinabi niyang araw-araw silang nandito. Paanog nandito sila, eh, hindi ko nga sila nakikita?
"Thank you for understanding, hon."
"Okay. I'll be back. Just be sure to eat the food that I'm going to buy," saad pa ni dad.
"Hmm," tanging sagot mom.
Pagkatapos noon ay umalis na si dad. Si mom naman ay muli na namang umiyak. Now, I feel guilty. Pakiramdam ko ay ako ang may kasalanan ng lahat.
"A-Anak, happy birthday. Sana mapatawad mo ako sa mga pagkukulanb ko sa iyo. Sana din ay magpalakas ka. Baka hindi na kasi ako magtagal sa mundong ito. Hindi na ako kumakain at hindi na rin ako nag-eehersisyo katulad noon. Alagaan mo ang sarili mo, ha?" aniya at muling humagulgol. Gusto ko sana siyang i-comfort dahil sobrang nagi-guilty na ako.
Diyos ko, tulungan niyo po ako.
Mom remained silent for a couple of minutes. The deafening silence is killing me. Ugh!
I was about to speak and reveal my play pretend when dad came in again.
"Shall we go, hon? Baka magising na siya at baka hindi mo na siya maiwan pa dito," ani dad.
"Sige, sandali lang," sagot ni mom. "Arantxa, anak, happy birthday ulit, ha? Mahal na mahal kita."
"Namin," sawsaw naman ni dad. "Just say a word to Dr. Eusebio and we will definitely give it to you. Be it something expensive or not, we will grant it." dagdag pa niya.
"Yes, anak. Sabihin mo lang kung ano ang gusto mo at ibibigay namin sa iyo," mahinang sabi ni mom at muling humalik sa kamay ko.
Dahil sa sinabi nila ay hindi na ako nakapagpigil pa. Mabilis kong tinanggal ang nakatalukbong na kumot sa akin at hinarap silang dalawa.
"Lahat po ba ay ibibigay niyo?" tanong ko.
Because of it, both of them seemed stunned. Para silang naka-witness ng isang bagay na hindi pa nila nasisilayan kailan man. Hindi sila nakagalaw sa kinatatayuan nila at ang mga bibig nila ay nakaawang.
Too surprised? Don't be. Be shocked once you both hear my request.
#