CHAPTER 37: ANOTHER SPARK LILY (POV) Hindi naman pwedeng si Ate Millete ang kikilos ngayon para sa tinitibok ng puso niya. Syempre ako rin! Joke lang syempre. Tinitibok agad ng puso? Hindi pa nuh! Isasaoli ko lang sa gwapong nilalang ang dolphin earrings na pinahiram niya sa akin. Iyon lang talaga. Nakakahiya naman kasi dahil hindi naman iyon kasama sa mga pinamili ko. Sana lang talaga ay magkita kami. Kanina pa akong pagbukas ng mall pabalik-balik dito sa department store pero hindi ko pa rin nasisilayan kahit ang biloy niya. Ang manly niyang tindig at ang maputi niyang kutis, wala pa rin. Ano ba yan? Bakit ang mga yun ba ang natatandaan ko sa kanya? Erase! Erase! Palabas na sana ako ng department store ladies corner ng may humigit sa akin. “Ay gwapo!” Bulalas ko. Ang biloy na kanin

