CHAPTER 36: CHANCES MILLETE (POV) “Hijo tama na lang. Kung puro kasinungalingan lang din naman ang mga sasabihin mo mabuti pang umalis ka nalang.” Hindi kadalasang ganyan si Nanay kung makiusap. Mahinahon siya ngayon. Malamang ay ayaw niya akong muling masaktan. “Ate ako ah, sa tingin ko dapat pakinggan mo siya. Hindi naman siya si Brix di ba?” Sa unang pagkakataon naman ay pabor kay Brix ang suhestyon ng kapatid kong si Lily. Nakapagtataka talaga sila ngayon. They’re really trying to help me but they end up confusing me. “Please naman Millete. I’m telling the truth. Mahal ka ni Brix at siya ang pinakasalan mo.” His voice was really sincere. “Paano ko malalamang nagsasabi ka ng totoo?” Ang tanong kong iyon kay Brian ang nagpatigalgal kina Nanay at Lily. They just stared at me. “I ha

