CHAPTER 35: UNEXPECTED VISITORS MILLETE (POV) Pauwi na kami ngayon ni Lily. Nagulat ako sa transformation ng kapatid ko. Tama ako, maganda siya talaga. Mas bagay niya ang laging nakapambabae dahil babae naman siya talaga. Hindi ko lang masyadong mabigyan ng tamang reaksyon ang ayos niya ngayon dahil hindi mawala sa isip ko ang pagkikita naming kanina ni Brix, no, ni Brian pala. Nagtatampo tuloy sa akin ang kapatid ko dahil hindi naman daw ako nag-ayos. Nakakapagtaka lang dahil kapag nagtatampo siya ay hindi maipinta ang kanyang mukha. Ngayon ay nakatingin siya sa labas sa bintana ng taxi habang hawak ang suot niyang dolphin na hikaw na binili niya rin yata at sobrang lawak ng kanyang ngiti. “Lily, nagtatampo ka ba talaga sa akin?” “Oo no! Hinayaan mo akong magsuot ng ganito tapos ikaw

