CHAPTER 23: BIPOLAR Parang modelo sa ganda ng katawan si Brix. Hindi alam ni Millete kung bakit naisipan nitong maghubad nalang ng shorts. Puti pa naman din ang suot nitong underwear kaya naman alam na. MILLETE (POV) Paninindigan yata nito ang honeymoon namin. Hindi ako makatingin ng diretso kay Brix dahil sa unang kita ko palang sa kanya ay hindi ko na kinaya. Nakakapanghina. Nakakaakit. "Hooh!", hindi ko talaga kinakaya ang asawa ko. "Kumain ka nalang dyan at huwag akong pansinin. Papanik ako upang magpalit", nilagpasan niya lang ako. Medyo iba na ang tono ng boses niya. Hindi ko alam kung napansin na niya na hindi ako makatingin sa kanya ng maayos dahil sa naka-brief lang siya pero malamang ay yun na nga yun. "Ah sige, dalian mo na lang para mapagsaluhan natin to", tugon ko sa k

