CHAPTER 24: TENDER CARE Gabi na nang magkamalay si Millete. Nilalagnat siya kaya naman nakaratay lamang siya sa kama ng bahay na kanilang tinutuluyan sa isla. MILLETE (POV) Pagmulat ko sa aking mga mata ay mukha kaagad ni Brix ang bumati sa akin. Hindi maganda ang pakiramdam ko pero pagkakita ko sa kanya alam kong mabilis ding huhupa ang ang hindi ko magandang nadarama. "Huwag kang bumangon magpahinga ka lang", kaagad niya akong pinigilan ng magtangka akong bumangon. "Wala akong matandaan", saad ko sa mahinang tinig. "Nawalan ka ng malay. Nilagnat ka kaya magpahinga ka lang", saka niya hinawakan ang aking noo upang tingnan siguro kung mainit pa ako. Bahagya akong nagulat sa ginawa niya na dala na marahil ng kilig. Totoo ba ito? Binabantayan niya ako? Kanina pa ba niya ako inaalagaa

