CHAPTER 3: OTHER SIDE
BRIX (POV)
"Who's going to marry?", muli kong natanong kay Cindy.
"Ikaw at ang manang na si Millete!", she shouted.
Ikakasal kami ni Millete? "Who the hell?", at saka ko naalala ang mga sinabi niya bago siya umalis matapos na may mangyari sa amin.
"Hindi nyo alam na ikakasal kayo? Gumagawa lang pala ng kwento ang manang na yun eh! Ganoon ba siya kadesperadang magkaroon ng boyfriend at asawa kaagad?", hindi ko na pinapansin pa si Cindy.
"Will you please leave my office", napatingin lang siya sa akin. "I told you to LEAVE!", at doon palang siya natinag at lumabas.
"What have you done Millete?", then I slightly punched my table. Sinabi niya kanina na gusto akong makausap ni daddy. Baka tungkol sa kasal ang pag-uusapan namin. Sh*t! I intensely punched the table this time. Kailangan kong makausap si daddy.
When I'm about to leave my office because I really want to talk to my dad ay saka naman may nagbukas ng pinto at pumasok.
"Lahat na lang ba kayo papasok ng walang paalam?", mabilis kong reaksyon na mabilis ko rin namang nabawi nang makita kung sino ang pumasok.
"High-tempered hijo?", tanong ni daddy.
"I'm about to go to your office dad but you're here. We need to talk", I said firmly to him.
"So it's about the wedding right? I will settle everything so don't worry about it", lumakad siya papunta sa table ko at saka umupo sa upuan ko.
"Are you out of our mind dad? I will not marry that woman. Hindi ko siya mahal. Kung may nangyari man sa amin ay pure mistake lang yun dahil lasing kami", lumapit ako sa harap ng table at saka sinabi sa kanya ang mga dapat niyang malaman.
"Mistake or whatever ay itutuloy pa rin natin ang kasal. Mabait na babae iyong si Millete", tiningnan lang niya ako. Hindi niya yata narinig ang mga sinabi ko.
"Dad? One week palang kaming magkakilala ni Millete at alam kong mabait siya pero hindi ko siya mahal at lalong hindi ko siya pakakasalan", naiinis na sabi ko.
"Mahal ka niya sapat ng dahilan yun", tinanggal niya ang suot niyang salamin.
"Hindi ko siya mahal at sapat na rin iyong dahilan para hindi ko siya pakasalan" ginantihan ko ang mga titig ni daddy.
"I'm doing this for you hijo", napatalikod ako sa sinabi niya at tumawa ng pilit.
Muli akong humarap sa kanya. "You're doing this not for me but for yourself. Heto ka na naman dad dinidiktahan mo na naman ang buhay ko. Pumayag na akong sirain mo ang buhay ko noon pero dad ngayon sobra ka na", pinipigil ko na lang ang emosyon ko dahil gusto ko pa rin siyang galangin bilang ama.
FLASHBACK
Summer after high school, isang taon na kami ni Steph, ang babaeng pinakamamahal ko. Hindi siya ang unang babaeng nagpatibok ng puso ko pero siya na ang babaeng gusto kong makasama habang buhay. We're too young but we know that we really love each other. But the thing in here is that she's an Almonte ang pamilyang kinasusuklaman ni daddy. Naging nobyo ni mommy si Honorato Almonte at mas minahal niya ito kaysa kay daddy. Kung hindi pa nabuntis si mommy ay handa pa rin sana itong sumama kay Honorato. Namatay si mommy sa panganganak sa amin at hanggang sa funeral rights nito ay pinaglalaban siya ni Honorato ngunit ginawa ni dad ang lahat para hindi magtagumpay ang isa. Isinumpa na rin niya na hindi na magkakaroon ng koneksyon ang sinuman sa aming pamilya sa mga Almonte.
I'm about to break that curse. Nagkasama kami ni Stephanie sa isang convention kung saan participants ang aming schools. She's really a catch at labis akong humanga sa kagandahan niya. Kumanta siya noon at labis akong nabighani. Teenager pa lang kami at marami ring humahanga sa akin pero dahil sa gusto ni dad na mag-aral lang kami ng mabuti ay iyon naman ang aking ginawa pero si Steph ang nagbago sa lahat ng iyon. Matapos kong makuha ang number niya ay nagsimula na kaming magkagustuhan.
"Kailan kaya tayo hindi tatakas sa tuwing magkikita tayo?", natatawang tanong ni Steph.
"Kapag hindi ka na Almonte at hindi na ako Pineda", hinawakan ko ang kanyang mga kamay. Nag-pout lang siya and I find her cute in that way.
"Pa-kiss naman", ako naman ang nag-pout para humingi ng kiss.
"Kapag handa ka ng maging Pineda ako doon ka palang makakahalik sa akin", yan ang isa pang gusto ko sa kanya. Mas magaling pa siya sa pagbanat sa akin at dahil sa lalaki ako ay hindi ko pinapahalata sa kanya na kinikilig ako.
"Tara pakasal na tayo!", hinila ko siya at saka tumakbo.
"Saan tayo pupunta Brix?"
"Sa simbahan papakasal!"
"Stephanie!", may dalawang lalaking sumalubong sa amin. Tinawag siya ng isa.
"Dad?", sabay naming nasabi.
"Stephanie, sinuway mo ang mga utos ko. Hindi na kayo magkikita ng lalaking yan dahil pupunta na tayo ng Amerika", mabilis na kinuha ng daddy niya si Steph.
"Huwag niyo po siyang ilayo sa akin! Papakasalan ko po siya!", lalapit sana ako kay Steph upang muling hawakan ang kanyang kamay ngunit pinigilan ako ni daddy.
"Ilayo mo na rito ang anak mo Honorato at huwag na huwag na kayong babalik. Hindi na dapat magtagpo ang ating mga landas", pinaalis na sila ni daddy.
"Stephanie!"
"Brix!"
Wala kaming nagawa sa mga desisyon nila. Wala kaming kalaban-laban na pinaglayo.
"Dad, I love her!", umiiyak na sabi ko kay daddy.
“Bata ka pa Brix! Hindi mo pa alam ang pag-ibig! Makakalimutan mo rin siya."
END OF FLASHBACK
"Ang Almonte pa rin bang iyon ang dahilan?", lalo pang naging seryoso ang tono ng kanyang boses.
Huminga ako ng malalim. "Kinalimutan ko na siya dad. Ayoko lang pangunahan niyong muli ang buhay ko Aalis ako sa Brixian sa oras na panindigan niyo ang pagpapakasal sa akin", pagbabanta ko na base sa reaksyon niya ay hindi man lang siya naapektuhan. Alam ni dad na mahal ko ang Brixian. Ito ang minana ko sa kanya. I have this passion for fashion kaya devoted ako sa company.
"Hindi mo naman yan magagawa eh. Pwede ka namang hindi sumipot sa araw ng kasal niyo pero once you marry her hindi ko na kailanman papakailaman ang buhay mo. This will be the last time na makikialam ako sayo", at saka siya tumayo. "Think about it", lumakad na siya palabas.
He leaves me here thinking. Ano nga kaya ng iniisip di daddy? Hindi ko magagawang panakot sa kanya ng Brixian pero mukhang kailangan ko na lang gumawa ng paraan upang hindi matuloy ang kasal.
"I need to talk to Millete."