CHAPTER 4: HURTFUL WORDS
Hinanap ni Brix ang mga file ni Millete sa office. Tiningnan niya kung saan ito nakatira.
BRIX (POV)
Malapit na ako sa street na nakalagay sa resume ni Millete nang makita ko siyang galing sa isang tindahan. Tumigil ako sa gilid niya at saka binuksan ang bintana ng kotse.
"Millete wait, we need to talk", agad naman siyang huminto at saka ako lumabas ng kotse.
"Sir, bakit ho kayo napadpad dito?", nakangiting tanong niya.
"Can we go somewhere else?", tumango naman siya. Pinasakay ko siya sa kotse at pumunta kami sa isang restaurant.
"Pumayag ka ng ganun-ganoon lang? Ikakasal tayo at sa Sabado na kaagad?", narito na kami ngayon sa isang french restaurant. Nagulat ako sa aking nalaman na sa Sabado na pala ang aming kasal. Masyadong maliit ang panahong iyon para magawan ng paraan na hindi matuloy ito.
"Hindi ko rin naman po gustong maging biglaan ang lahat but your father insisted it", mangiyak-ngiyak na paliwanag niya.
"Kahit na, hindi ka dapat pumayag. Isa pa sabi ko sayo kalimutan na lang natin ang lahat hindi ba?", pinipilit kong hindi siya pagtaasan ng boses.
"Sir hindi po ako katulad ng ibang babae dyan", tuluyan ng pumatak ang kanyang mga luha.
"I know Millete. Mabait ka and you deserve someone better", kinuha ko ang panyo na hawak niya. Binigay ko ito sa kanya kaninang umaga lang. Ginamit ko ito upang muling punasan ang kanang mga luha.
"Pero Sir mahal din po kasi kita", hinawakan niya ang kamay ko.
"Hindi kita mahal", inalis ko ang kamay ko mula sa mga kamay niya at nilapag ko sa mesa ang panyo.
"Ikaw lang po ang nagpakita sa akin ng ganoon klaseng pag-aalala. Sa unang pagkikita palang po natin at sa bawat araw na nagkakasama tayo ay mas lalo niyo akong binibigyan ng dahilan upang mahalin ka", hindi pa rin nagpapigil ang kanyang mga luha.
"I just want to protect you from those people. Naaawa lang ako sayo Millete. Huwag mo naman sanang bigyan yun ng kahulugan", ayokong magsabi ng masasakit na salita pero lalo pa siyang umiyak. "Millete don't cry. I can be your savior but I can't be your husband. Hindi pwede Millete eh."
"I gave you my virginity because I love you. I just want you to marry me", halos hindi na niya masabi ang mga yun dahil sa labis na pagtangis.
"Well hindi mo dapat ginawa yun dahil ako hindi naman kita mahal", alam kong masakit na marinig niya yun pero dapat ko pa ring sabihin sa kanya yun. Ayoko siyang paasahin at ayokong ikasal kami ng dahil lang sa isang pagkakamali.
"A-akala ko mahal mo rin ako", napatakip siya ng bibig.
"Millete naman, maraming namamatay sa akala. Maraming nagpapakasal sa akala pero huwag naman tayong bumilang doon. Isa pa hindi pa nga natin alam kung buntis ka o kung ano eh tapos kasalan na kaagad? Baka nga...", napatigil ako.
Tumingin siya sa akin. "Baka po ano?"
"Baka... Baka pinipikot mo lang ako", I know that it sounds harsh but I need to say that. Baka dahil doon ay pumayag na siyang huwag ituloy ang kasal.
Tumayo si Millete. "Hindi po ako pinalaki upang manloko. Ito ba talaga ikaw Sir Brix? Sige po hahayaan ko nalang na pinamigay ko ang p********e ko, yung prinsipyo ko pero ito po ang sasabihin ko sa inyo, pinalaki akong mabuting tao ng mga magulang ko. KUng ayaw niyo po akong pakasalan hindi ko na po iyon ipipilit", tila nasaktan siya sa mga sinabi ko. Alam kong hindi siya ganoon klase ng babae. Iba si Millete from the very start kaya kahit ako ay nasaktan pero nagtagumpay ako, hindi na niya ipipilit pa ang kasal.
"Millete wait!", lumakad na siya palabas at pipigilan ko pa sana siya ngunit bigla itong tumakbo.
MILLETE (POV)
"Millete naman, maraming namamatay sa akala. Maraming nagpapakasal sa akala pero huwag naman tayong bumilang doon. Isa pa hindi pa nga natin alam kung buntis ka o kung ano eh tapos kasalan na kaagad? Baka nga..."
"Baka... Baka pinipikot mo lang ako"
Hindi ko makalimutan ang mga sinabi niya. Sumakay ako ng taxi upang makauwi na.
Ma'am saan po sila?", tanong ng taxi driver.
"Sa Mabilis street po sa V.Luna", tugon ko sa kanya.
"Huwag na po kayong umiyak ma'am", ansabi ng taxi driver.
Naalala ko tuloy ang tatay. Isa siyang taxi driver, sobrang sipag niya. Napagtapos niya ako sa pag-aaral sa pamamagitan ng pamamasada sa tulong na rin ng pagtitinda ni nanay. Ayaw nga nila akong pakuhanin ng fashion merchandising dahil masasayang lang daw ang talino ko pero iniyakan ko sila kaya pinayagan pa rin nila ako.
He's very supportive when it comes to my decisions. He's a good mentor when it comes to life. Gustung-gusto siya ng kanyang mga pasahero dahil sa tuwing sumasakay ka sa kanya ay may libre ka pang mga payo. Iyong mga payong iyon ang kailangan ko ngayon pero wala si tatay para ibigay yun sa akin. Dalawang buwan palang ang nakakaraan ng kuhanin na siya sa amin dahil sa cancer.
I miss him so much. Ngayon masasabi kong siya palang talaga ang lalaking nagpakita ng tunay na pagmamahal at pag-aalaga sa akin, hindi katulad ng kay Sir Brix na huwad lamang.
Buong biyahe ay umiiyak lang ako. Hindi na yata maubos-ubos ang luha ko. Dumaan na lang ako sa likod ng bahay at saka dumiretso sa aking kwarto. Ngayon ko palang sana sasabihin kay nanay at sa kapatid ko na ikakasal na ako pero wala na akong planong sabihin pa ito sa kanila. Pinag-iisipan ko pa rin kung sasabihin ko ang nangyari sa amin ni Sir Brix.
Nakahiga na ako ngayon sa aking kama. "Millete, you have now enough reason para huwag nang isipin si Sir Brix. Huwag mo na siyang mahalin pa. Sinaktan ka na niya", napangiwi na naman ako cause I'm about to cry. Pinigilan kong maluha pero tumulo pa rin ito. Mabilis kong kinuha ang dalawang panyo sa table sa tabi ng kama ko at saka pinunasan ang aking luha.
"Kakalimutan na kita!", sabi ko sa aking sarili. Sobrang mahihirapan ako dahil first love ko pa naman siya pero kailangan kong kayanin.
Maya-maya pa ay naramdaman ko ang pananakit ng p********e ko. Kagabi nga lang pala nangyari ang lahat. Kanina pang maghapon ito sumasakit pero hindi ko na ininda at pinansin. Kagabi naganap ang 25th anniversary party ng Brixian. Kagabi kung kailan nalasing kami. Kagabi na akala ko ibinigay ko na sa lalaking mahal ko ang aking p********e pero pinamigay ko lang pala ito ng basta-basta. Hindi pala sapat na minahal mo lang siya sa loob ng isang linggo. Ngayong naaalala ko ang lahat ng ito ay lalong tumitindi ang sakit, lalong kumikirot ang sugat.
Napabangon tuloy ako. "Bakit ba ambagal ng oras. Isang araw palang ang nakalipas at nangyari na ang lahat ng yun. Sana sampung taon na ang lumipas para nakalimutan na kita Brix Pineda", at hindi ko na talaga napigilang maluha. "Sinaktan mo ako and it hurts a lot", napansin ko ang hawak kong mga panyo. Galing nga pala ito sa kanya. Tumayo ako para itapon ito sa basurahan sa loob ng kwarto ko.
Kailangan kong itapon ang mga bagay na magpapaalala sa kanya. Kailangan kong umiwas sa mga bagay na may kinalaman sa kanya. "Kailangan ko ng umalis sa Brixian", hindi ko alam pero sa tingin ko ay iyon ang tamang gawin. My first job is a failure but I need to do this. BUkas na bukas ay magre-resign na ako.
Kinabukasan ay maaga akong pumasok upang ibigay ang resignation letter ko. Nakakapagtaka lang dahil mukhang maaga ring pumasok ang iba pang empleyado ng kumpanya lahat ay sa akin nakatingin.
Pagdating ko sa second floor ay sinalubong ako ni Cindy.
"Guys, look here she is. Our ambitious w***e Millete Calanglang", masakit na pagbati kaagad ang ibinigay niya.
"Excuse me please", kaagad na pumatak ang aking mga luha.
"Ayan dyan ka magaling sa paawa effect mo. Well hindi mo na kami madadaan sa paiyak-iyak mo dahil alam na namin ang lahat. Alam na namin na imbento mo lang ang kasal. How desperate you are, b***h!", at saka nagtawanan at nagbulungan ang lahat.
"I'm just here to give my resignation", saka siya pumalakpak.
"Very good! That's the best thing that you should do. A w***e like you don't deserve to be in this company. You're just a mess here! Malandi ka!",nanliliit na ako sa mga sinasabi niya. Hindi ko na talaga kaya. TUmalikod na ako upang umalis nalang ngunit nabunggo ako sa isang lalaki.
"Bakit niyo naman siya pinapaiyak?! Don't be silly to her. I love this girl and I will marry her!", napatingala ako sa kanya. Hindi ako makapaniwala dahil si Brix ang lalaking ito. Hindi ako makapaniwala sa mga sinabi niya.