CHAPTER 5: BITTER SWEET
Lahat ay napanganga at gulat na gulat sa kanilang narinig. Kasama sa napanganga at nagulat ay si Millete mismo. Parang kahapon lang ng ipamukha sa kanya ni Brix na hindi sila dapat makasal tapos ngayon ay heto siya sinasabing papakasalan siya at higit sa lahat ay mahal pa raw siya.
MILLETE (POV)
I love this girl and I will marry her!
Tama ba ang narinig ko?
Ako ba talaga ang kinakausap niya?
Siguro nananaginip pa ako dahil sa hindi ako makatulog kagabi kaiisip sa kanya. Hanggang kailan mo ako gagambalain Brix PIneda!
Then suddenly his lips touched mine. Madiin ang pagkakahalik niya. Sapat na ang diin nito upang masabing ko sa aking sarili na hindi ako nananaginip. Totoo ang lahat ng ito. Isa pang pruweba na gising ako ay itong mulat na mulat ako at tinitingnan ang mukha niya. Hindi ko na nagawang pumikt pa dahil sa inalis na rin niya ang mga labi niya sa labi ko.
"Sir if you're doing this dahil naaawa ka sa manang na yan tama na po. Kahapon po sinabi niyo sa akin na hindi ninyo alam na ikakasal kayo. Gumagawa lang ng kwento ang manang na yan huwag niyo naman pong sakyan!", the moment Sir Brix left my lips with the taste of his lips is the moment Cindy entered the scene.
"As far as I remember wala akong sinabing ganyan. Ikaw yata ang gumagawa ng kwento", tumingin si Brix kay Cindy. Napayuko nalang si Cindy sa pagkakapahiya.
"You are all invited on our wedding this coming Saturday", hinagod ng paningin niya ang lahat ng empleyado sa kanilang mga cubicle. Labis pa rin ang pagkabigla ng lahat.
Ibinaling niya ang atensyon sa akin. "You will not going to resign. Mananatili ka rito sa Brixian. Pabayaan mo sila. Ikakasal tayo at magiging mag-asawa", masaya niyang sinabi sa akin. Ibang-ibang Brix ang kaharap ko ngayon. Iba yung spark na nakikita ko sa kanyang mga mata.
"Salamat naman Brix at nagbago ang isip mo. Mahal na mahal kita", tears are now waiting to fall.
"Ops! Huwag kang iiyak! Iyakin ka ba talaga? Hahalikan kita uli dyan!", at idinikit niya ang kanyang mukha sa aking mukha dahilan para ako'y mapaliyad.
Kung araw-araw ay ganito siya malamang hindi magtagal ang buhay ko dahil sa bilis ng pagtibok ng puso ko. Ngayon niya lang ginawa talaga sa akin ito. Sayang at hindi man lang kami dumaan sa boyfriend-girlfriend stage para sana marami pang kilig moments pero okay na rin to asawa na kaagad.
Napatayo ako ng tuwid at napayuko ng biglang nagpalakpakan ang lahat. Sabay kaming tumingin ni Brix sa kanila at inakbayan niya pa ako.
"Congratulations Sir!", sigawan nila.
"Okay thank you very much! Go back to work!", tumalikod ito sa kanila at muling humarap sa akin.
"So let's work first", at talagang kinindatan niya pa ako bago tuluyang lumakad papunta sa office niya.
I don't know but I think I'm really blushing. Nakakahiya naman pero nakakakilig kasi siya. Ibang klase siya talaga. Pupunta na sana ako sa cubicle ko nang mapansin kong nakatingin ng masama sa akin si Cindy. Hindi ko na lang siya pinansin.
"You're a witch! What kind of spell is that?", muli ko siyang tiningnan at ganoon din ang mga usisero kong katrabaho. Hindi ako iiyak this time, mamatay siya sa inis.
"You're a liar!"
"Stop making stories Cindy!"
"Maging masaya ka na lang sa kanila!"
Sabay-sabay na sinabi nila. Well, thanks to them I don't need to confront her. Napahiya yata siya talaga kaya naman bigla itong nagwalk-out.
"Yehey! Congrats Millete!", sigawan nila na nagpataba naman sa puso ko. This part of the Brixian is the busiest and noisiest part of the building and now I'm one of the reason why they're noisy aside from work. Isang linggo palang ako rito at malamig na ang pakikitungo nila sa akin pero ngayon tila nabago na ang lahat.
.....
CINDY (POV)
"Ah! I hate them!", kausap ko ngayon sina Jonard at Joy sa cafe.
"Wala ng silbi ang mga plano natin. Hayaan mo na sila napahiya ka na", umakbay sa akin si Jonard.
"Bitawan mo ako", inalis ko ang braso niya sa pagkakaakbay sa akin.
"Pwede na natin sabihin sa lahat na tayo dahil wala ka ng chance kay Sir Brix kaya pumayag ka ng akbayan kita", muli niyang inakbay ang kanyang braso sa akin.
"Pwede na talaga pero naiinis ako sa mga nangyari", sa ikalawang pagkakataon ay tinanggal ko ang braso niya.
"Cindy ganoon na lang ba yun? Syempre dapat gumanti ka", gatong ni Joy. Pero kahit hindi niya pa sabihin yun ay gagawin ko talaga yun. Humanda ka Millete dahil gaganti ako.
"I know right", tugon ko kay Joy. Isang babae ang biglang pumasok sa cafeteria. Maputi siya, balingkinitan ang pangangatawan, maiksi ang buhok at mukha siyang Chinese dahil sa singkit niyang mga mata. She looks familiar.
Sinundan ko siya ng tingin hanggang sa makalabas siya sa cafe. Kilala ko nga siya.
"Cindy natomboy ka na agad? Napahiya ka lang tomboy ka na?", panunukso ni Joy.
"Gaga! Alam ko na kung paano ako makakaganti", then I gave her my nasty smile at saka ako tumayo para pumunta kay Millete.
"Wait Cindy, what do you mean?", tanong ni Joy.
"Leave it to me. Nagdududa akong magkakilala na ng lubos sina Brix at Millete kaya naman kung sakali ngayon ay makakaganti na ako masisira ko pa sila", umalis na ako ng tuluyan.
"Hey Millete", tila nagulat siya dahil nakuha ko pa ring lumapit sa kanya. Well, wala naman siyang magagawa dahil head niya ako.
"Yes ma'am?", tanong niya. Nakakainis masyado siyang pa-virgin kung magsalita, nakakairita!
"Si Brix na pinakamamahal mo may kasamang ibang babae sa loob ng office niya", I whispered to her.
"When will you stop Cindy?", aba palaban na ang bwisit na ito! Calm down Cindy kailangang magtagumpay ang plano mo.
"Just go to his office and prove me that I'm wrong para wala na rin tayong usap dito", I gave her my most fake smile. Bwisit siya deserving siya doon.
Tumayo naman siya habang nakatingin lang sa akin. "Yes Cindy I will prove you wrong", mahinahong sinabi niya at saka siya tumalikod at lumakad papunta sa office ni Brix.
"Magkakaalaman tayo ngayon kung gaano mo kakilala ang pinakamamahal mo."
MILLETE (POV)
Papatunayan ko talaga sa kanya na hindi totoo ang sinasabi niya.
Pero paano kaya kung may kasamang babae sa loob ng office niya si Brix? Depende naman sa ginagawa nila kung magagalit ako o hindi eh. Baka naman kaibigan niya lang o baka naman employee rin ng Brixian.
Naninira lang si Cindy for sure. Wala na talagang nagawang matino ang babaeng iyon.
Nandito na ako sa harap ng pinto ng office ni Brix. Hinawakan ko ito at mabilis na tumibok ang aking puso.
"Hahahaha!", narinig ko ang pagtawa ng isang babae na nagmumula sa loob. Para akong nakuryente kaya naman natanggal ang pagkakahawak sa knob ng pinto.
"Bakit hindi ka pumasok? Harapin mo sila!", parang demonyo si Cindy. Bigla-bigla na lang bumubulong sa likuran ko. "Buksan mo ang pinto at patunayan mong nagkakamali ako."
Sinunod ko naman ang demonyo sa likod ko. Hinwakan ko ang knob at saka binuksan ang pinto.
Tumabad sa akin ang isang babaeng nakayakap mula sa likod ni Brix at akmang hahalikan niya ito.