PAGKATAPOS maligo ni Monday ay agad niyang sinuot ang t-shirt ni Calton na kinuha niya sa kabinet nito. Pagkatapos ay naupo siya sa sulok, sa gilid ng kama nito at niyakap ang sarili. Mahapdi ang buong balat niya dahil todo kuskos ang ginawa niya. Nandidiri kasi siya sa tuwing naaalala ang kapangahasan na ginawa sa kanya ni Jacen. Kung hindi lang sakto ang pagdating ni Calton baka nagawa na nito ang masamang binabalak. Ilang minuto pa siyang nasa ganu'ng sitwasyon at habang tumatagal pakiramdam ni Monday may sumasakal sa kanya at hindi na siya makahinga. Parang nag pa-flashback sa isip niya ang mga scenario na nandoon siya pero hindi pamilyar sa kanya ang mga nangyari. Isang batang babae na ipinasok sa isang operating room at sumalang sa operasyon. She heard voices of men na lalong nagp

