WALANG ibang ginawa si Monday mula kaninang umaga hanggang ngayong maggagabi kundi ang umiyak nang umiyak. Awang-awa siya sa sarili niya dahil mula pa kanina ay hindi pa siya kumakain. Mas naaawa siya sa sarili niya dahil hindi man lang talaga siya binalikan ni Calton para kumustahin o bigyan man lang ng makakain dahil nagugutom na talaga siya. Dahil sa kanyang pag-iyak ay hindi niya namalayan na nakatulog na pala siya. Naalimpungatan lang siya nang makarinig siya ng kaluskos. Dahil sa madilim na ang paligid hindi niya masyado maaninag ang paligid. Nakaramdam siya ng kagalakan nang marinig niya ang pagsara ng pinto. Binalikan siya ni Calton ibig sabihin meron pa itong pakialam sa kanya kahit na kaunti. Pero ang ngiti niya sa mga labi ay agad na nawala nang makilala niya ang bagong dating

