PAGOD na inihiga ni Monday ang katawan niya sa malambot na kama. Sa loob ng isang buwan ay ngayon lang siya nagkaroon ng pahinga. Wala siyang ibang ginawa kundi mag ensayo at sumabak sa misyon. Kahit labas sa loob niya ay kinakailangan niyang gawin just to please her father. Mula nang magising siya sa pagiging comatose ay wala siyang maalala. Pilit niyang inaalala ang nga nakalimutan niya pero wala talaga pumapasok sa isip niya. Ang sabi naman sa kanya ng kanyang ama naaksidente siya dahil meron nagtangka sa buhay niya kasama ang kanyang ina dahilan para mamatay ito at ang may gawa niyon ay walang iba kundi si Calton Martinez ang kalaban ng La Kawft na siyang pinamumunuhan ng kanyang ama. Sa loob ng apat na taon, puro siya ensayo hanggang sa gumaling siya sa pakikipaglaban at sa paghawa

